Kabanata 824
Ngumiti si James at sinabi niya, “Hindi.”

“Tumawag ba si Thea sayo? Hindi ka umuwi kagabi. Nag aalala siguro siya sayo. Dapat ka nang umalis at makipagkita sa kanya.”

“Ayos lang,” Pinagaan ni James ang loob niya. “‘Wag kang mag isip masyado.”

Alam ni Tiara na pinili ni James na sumama sa kanya dahil sa mga sugat niya.

Naniniwala siya na namimiss na ng sobra ni James si Thea. Ayaw niyang pahirapan si James.

“James, makinig ka sa akin…” Ang mahinang sinabi ni Tiara, “Hindi mo kailangan makonsensya. Masaya na ako basta’t manatili ako sa tabi mo. Kapag gumaling na ang katawan mo at tapos na ang lahat, aalis na ako.”

Pagkatapos sabihin ito, ngumiti siya.

“Sa totoo lang, plano kong mag aral sa ibang bansa.”

Habang nagsasalita si Tiara, mas lalong ayaw ni James na umalis sa tabi nito.

“Ayos lang ang lahat. Ipapaliwanag ko ang mga bagay kay Thea. Bukod pa dito, divorced na kami. Sumasama lang ako sa kanya dahil sa Gu venom sa loob ng katawan niya. Maghihiwalay na kami kapag sapat na a
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP