Ngumiti si James at sinabi niya, “Hindi.”“Tumawag ba si Thea sayo? Hindi ka umuwi kagabi. Nag aalala siguro siya sayo. Dapat ka nang umalis at makipagkita sa kanya.”“Ayos lang,” Pinagaan ni James ang loob niya. “‘Wag kang mag isip masyado.”Alam ni Tiara na pinili ni James na sumama sa kanya dahil sa mga sugat niya.Naniniwala siya na namimiss na ng sobra ni James si Thea. Ayaw niyang pahirapan si James.“James, makinig ka sa akin…” Ang mahinang sinabi ni Tiara, “Hindi mo kailangan makonsensya. Masaya na ako basta’t manatili ako sa tabi mo. Kapag gumaling na ang katawan mo at tapos na ang lahat, aalis na ako.”Pagkatapos sabihin ito, ngumiti siya.“Sa totoo lang, plano kong mag aral sa ibang bansa.”Habang nagsasalita si Tiara, mas lalong ayaw ni James na umalis sa tabi nito.“Ayos lang ang lahat. Ipapaliwanag ko ang mga bagay kay Thea. Bukod pa dito, divorced na kami. Sumasama lang ako sa kanya dahil sa Gu venom sa loob ng katawan niya. Maghihiwalay na kami kapag sapat na a
Kahit na si Gloom ay nasa Capital lang nitong nakaraan, alam niya ang lahat ng nangyayari sa Cansington.Natural lang na narinig niya ang tungkol sa pangyayari kahapon, at nandito siya para makipag usap kay James.“Hindi ka nag iingat.” Dumilim ang mukha ni Gloom.“Huh?” Tumingin si James sa kanya.Nagpatuloy si Gloom, “Nilabanan mo ng harapan ang Emperor. Kahit na napilit mo siyang pasabugin ang mga research laboratory niya, ang lahat ng ebidensya ay nasira. Ngayon, halos imposible nang magkaroon ng sikreto na pwedeng ibunyag. Isa siyang maingat na tao na hindi inuulit ang kanyang pagkakamali. Paano na natin siya tatanggalin sa posisyon niya ngayon?”Malamig na sinabi ni James, “Ano ngayon kung tinanggal natin siya sa posisyon niya? Hindi siya ang mastermind sa likod nito. May ibang tao na nagkokontrol ng lahat. Kahit na tanggalin natin siya, may bagong kalaban na darating para pumalit sa kanya.”Hindi mapigilan ni Gloom ang gulat niya.Hindi niya inaasahan na malaman ni James
Hindi gusto ni James na magpadalos-dalos pagkatapos niyang makuha ang lahat ng katotohanan sa harapan niya. Tumingin si Gloom kay James at nagtanong, "Anong gusto mong malaman?" "Gusto kong malaman ang tungkol sa plano isang siglo ang nakalipas at ang insidente kung saan binura ng Hari ang Gu Sect. Gusto ko ng detalyadong paliwanag ng kasalukuyang lagay ng kapangyarihan sa loob ng Capital." Nanatiling tahimik si Gloom. Pagkatapos ng isang sandali, umiling siya. "Masyado tong kumplikado. Masyado tong mahirap ipaliwanag para sa'kin gamit lang ng mga salita. Maiintindihan mo rin sa susunod." Nagsalita si James, "Huling tanong." Tumingin si Gloom sa kanya. "Sige lang." "Sino ang gustong kandidato ng kasalukuyang Hari para sa laban para sa trono? Saan siya nakapanig sa bagay na'to?" Nagsalita si Gloom, "Hindi ko alam kung sino ang nagugustuhan niya sa sandaling ito. Gayunpaman, masasabi ko na ang paglago ng bansa ang nauuna sa bawat isang desisyon ginagawa ng Hari. Ang la
Kung papipiliin siya, pipiliin ni James na bumalik sa sampung taon ang nakalipas bago sinunog ang tirahan ng mga Caden. Iba sana ang magiging daan ng buhay niya. Sa mundong iyon, malamang ay mauuwi siya kay Quincy at makakasama niya siya habang buhay. Gayunpaman, hindi naghihintay ang oras para sa kahit na sino. Dahil nakabalasa na ang mga baraha, wala na siyang magagawa kundi maglaro sa abot ng makakaya niya. "James, bumalik ka na sa Southern Plains. Wag kang mag-alala sa'kin. Nandito ang mga nars ng ospital para alagaan ako." Alam ni Tiara na naibalik na sa pwesto si James. Hindi na siya ang Black Dragon, ang commander-in-chief ng Southern Plains. Siya na ngayon ang Dragon King. Tumango si James. Ang pagbalik niya sa Southern Plains at pamunuan ulit ang Black Dragon Army ay mas importante kaysa sa personal niyang nararamdaman. "Tatawagan ko muna si Quincy bago umalis." Kinuha ni James ang phone niya at tinawagan ang numero ni Quincy. Kakatapos lang ni Qui
Nagngitngit sa galit ang mga ngipin ni Thea. Para bang naging ibang tao siya sa sandaling iyon. "Hindi lang talaga tayo nababagay, Thea." "Tandaan mo to," nag-init ang mga mata ni Thea sa galit habang tinitigan niya nang masama si James. "Pagsisisihan mo to, James. Pinapangako ko!" Tumakbo siya palabas ng pinto nang galit na galit. Nabalot na naman ng katahimikan ang ward. Hindi nagsalita ng kahit isang salita si Tiara sa buong pagtatalong nangyari sa harapan niya. Pagkatapos umalis ni Thea, sinabihan niya si James na sundan siya, "Anong ginagawa mo, James? Dapat habulin mo siya!" Umiling lang si James. Sinabi na niya ang lahat kay Thea, hindi na niya siya kailangang habulin ngayon. Basta't hindi gagawa ng gulo si Thea, kuntento si James na iwan ang lahat sa ganitong lagay. "Magpahinga ka at magpagaling. Sa pagbalik ko mula sa Southern Plains, bibisitahin kita." Nakaalis na si James sa ward. Kaagad siyang nagpunta sa military region para hanapin ang Bli
Naguguluhang tinignan ni Thea ang lalaking nagpakilala bilang Thomas Caden. Kahit na ikinasal siya kay James, walang alam si Thea tungkol sa mga Caden. Lalo na't hindi pa nabanggit ni James ang kahit na ano sa mga ito sa simula pa lang. Kahit pagkatapos malaman ang tunay na pagkatao ni James, hindi niya ito nabanggit kay Thea. Ang alam niya lang ay ang balitang walang nakaligtas sa sunog na sumalanta sa bahay ng mga Caden. Habang nasa isip niya ang katotohanang ito, hindi niya malaman kung paano nakaligtas si Thomas. Maliban doon, hindi rin siya sigurado kung ano ang God-King Palace. Nagdududa niya siyang tinanong, "I-Ikaw ba talaga si Thomas Caden?" "Sino pala ako kung hindi?" Harap-harapang sinalubong ni Thomas ang titig ni Thea. Sinundan ito ni Thea ng isa pang tanong. "Ano ang God-King Palace?" Simpleng sumagot si Thomas, "Ang kailangan mo lang malaman ay isa itong pwersang dapat na katakutan. Kapag naging young mistress ka ng God-King Palace, ikaw ang magiging
Bumaba si Thea mula sa kotse niya at kaagad na nagpunta sa ospital. Gayunpaman, pagdating niya sa ward, wala na roon si James. Habang nakatingin kay Tiara na nakahiga sa kama, nagtanong siya, "Nasaan si James?" Sinubukan ni Tiara na tumayo ngunit dahil nakabalot ang buong katawan niya, halos imposible siyang makaupo. Nang may mahinang boses, sumagot siya kay Thea, "B-Bumalik si James sa Southern Plains." "Sa Southern Plains? Para saan?" Hindi inasahan ni Thea ang sitwasyong ito. "Sinabi sa'kin ni James na pamumunuan niya ulit ang Black Dragon Army. Pagkatapos niya roon, balak niyang bumalik sa Capital at patayin ang Emperor gamit ng Blade of Justice." "Patayin ang Emperor?" Napanganga si Thea sa gulat. Sinabi sa kanya ni Thomas na magkakagulo kapag namatay ang Emperor. Sinabi niya rin sa kanya na katapusan na ng lahat para kay James kapag kumilos na siya. "Th-Thea, ang totoo…" Sinubukan ng hindi makakilos na si Tiara na ipunin angakas niya para maipaliwanag niya
Samantala, sa Cansington Military Region… Sa isang open area, isang helicopter ang nakahanda… Sa lapag sa likod ng helicopter… "James, congratulation sa pagbabalik mo sa dati mong posisyon! Ngayon, papunta ka na sa Southern Plains para ipagpatuloy ang pamumuno mo sa Black Dragon Army. Kung kumalat ang balita, masasabik nang sobra ang mga tao ng Sol." Tumawa ang Blithe King at tinapik ang malapad na balikat ni James. Gayunpaman, nanlulumo ang mukha ni James. Mukhang magandang bagay ang bumalik sa dati niyang posisyon, ngunit habang mas mataas ang ranggo, mas mabigat ang pasanin. Higit pa roon, kapag siya na ang may hawak sa Black Dragon Army, kailangan niya silang dalhin sa Capital, kukunin niya ang Blade Justice, at papatayin ang Emperor. Hindi pa rin nila alam kung anong mangyayari pagkatapos ng pagkamatay ng Emperor. "Sana walang malaking mangyayari pagkatapos nito," nag-aalala niyang sabi. "Ano namang pwedeng mangyari?" Tumawa ang Blithe King. "Kahit na anong mangyar