Kabanata 626
Kinaway ni James ang mga kamay niya at nagsabi habang nakaturo sa bangko sa tabi niya, "Maupo ka. Siya nga pala, naayos mo na ba ang isyu kay Louisa?"

Lumapit si Zion para umupo at sumagot, "Nilinaw ko na sa kanya. Pero, hindi magiging madali na makipag-divorce dahil ayaw niya kahit anong mangyari. Kailangan kong mangolekta ng ebidensya ng pangloloko niya sa'kin. Pwede mo ba akong tulungan dun, James?"

"Sige."

Tumango si James.

Dahil kontrolado niya ang underground intelligence network, madali para sa kanya na mangolekta ng ebidensya sa pangangaliwa ng ibang tao.

"Akong bahala. Bibigyan kita ng ebidensya ng pangangaliwa ni Louisa bukas."

Tumayo si Zion at nagpasalamat, "Salamat, James. Hindi ko alam kung gaano pa ko katagal na magdurusa kung hindi dahil sa'yo. Binigyan mo ko ng bagong buhay…"

Nang nakangiti, kinaway ni James ang kamay niya at nagsabing "Zion, maliit na bagay lang yun. Magkaibigan tayo, hindi mo ko kailangang pasalamatan. Sige, utusan mo ang mga nasa kusina na
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo