Kabanata 578
"A-Ako?"

Sandaling napahinto si Thea. Pagkatapos ay umiling siya.

"I-Imposible. Maski ang mga kilalang doktor na yun ay natalo. Wala akong alam na kahit na ano tungkol sa medisina. Imposibleng manalo ako."

Hindi kampante si Thea.

Kahit na kinamumuhian niya si Jonathan, wala siyang kapangyarihan na gumawa ng kahit na ano.

Kampanteng ngumisi si James. "Oo, kaya mo. Wag kang mag-alala. Nandito ako para tulungan ka."

Nang narinig ito ni Thea, bigla niyang naalala.

Si James ang Black Dragon.

Sinasabi na wala siyang kapantay pagdating sa sining ng medisina.

Walang nakakaalam sa hangganan ng galing niya sa panggagamot.

"Oo nga pala…" Giniling niya ang ulo niya sa pagtataka. "May mga sabi-sabi na walang makakapantay sa galing mo sa medisina. Paanong nangyari ang mga usap-usapang yun?"

Ngumiti si James.

Nagsimula iyon maraming taon na ang nagdaan noong hindi pa siya commander-in-chief. Isang malaking personalidad sa capital ang nagkasakit nang matindi at malap
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo