Kabanata 574
Sa entablado, tumingin si Jonathan sa mga mata ni Jay at tinanong niya, “Mr. Fallon, hindi ka ba sang-ayon sa mga sinabi ko?”

Sumimangot si Jay. Dumilim ang mukha niya.

Alam niya na galing si Jonathan sa Goryeo.

Alam niya rin na minsan siyang isang mamamayan ng Sol na lumipat sa Goryeo. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na may masamang intensyon ito sa pagsama ng Solean medical conference ngayong taon.

Nasa ilalim siya ni Jonathan sa larangan ng paggawa ng lason at paggawa ng antidote.

“Hoy, magsalita ka. Ikaw ang gumawa ng Solean Doctor’s Association at naniniwala ka na ang Solean Medicine ay awtentik dahil alng may nakuha kang mga kaalaman na mula sa Goryeon Medicine. Bibigyan kita ng pagkakataon para hamunin ako. Kapag natalo ka ulit, kailangan mo ipasara ang Solean Doctor’s Association o palitan mo ang pangalan at gawin mo itong Goryeon Doctor’s Association. Sana ay hindi ito sobra para sayo.”

Sinasadya ni Jonathan na maging agresibo.

“Dr. Fallon, tanggapin mo ang hamon ni
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo