Kabanata 539
Nagsalita si James ng paisa-isa.

“Ano ang gusto mong sabihin?”

“Tigilan mo na ang paligoy-ligoy.”

“Diretsuhin mo na kami. Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin.”

Nainip na ang mga assassin.

Bahagyang ngumiti si James, “Ang totoo, simple lang naman ang gusto kong sabihin. Kaya ko kayong bigyan ng pera kung iyon ang gusto niyo. Kaya ko din kayong bigyan ng ordinaryong buhay kung iyon ang hanap niyo. Basta’t ibaba niyo lang ang madugo niyong mga patalim at tumigil sa pagiging mga assassin, sumuko sa alkin, sundin ako, at paglingkuran. Pagkatapos, lahat ng gusto niyo ay makukuha niyo. Ang pinakamahalaga pa dun ay mabubuhay pa kayo.”

Sinabi na ni James kung ano ang pakay niya.

“Pag-isipan niyo muna ng maigi. Siya nga pala, ipapaalala ko lang na dalawang oras na lang ang natitira bago magbuklang liwayway. Nauubos na ang oras.”

Pagkatapos magsalita ni James, tumayo siya at naglakad pabalik sa loob ng bahay.

Sa labas ng bahay.

Natahimik ang grupo ng mga assassins.

May katwir
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo