Kabanata 542
Hindi nangahas ang Black Snake na kumilos habang may nakatutok na baril sa kanyang ulo.

Kahit na pangalawa ang ranggo niya sa leaderboard ng mga assassin, nandito ang lahat ng mga assassin, at walang mas mahina sa kanya sa isang duwelo.

“Anong ibig sabihin nito, Black Dragon? Naging tapat ako sa’yo at binigay ko sa’yo ang Dark Castle, tapos ngayon tatraydurin mo ako?” Ang sabi ng Black Snake ng may malungkot na ekspresyon.

Tumayo si James at kalmadong nagsalita, “Wala akong tiwala sa’yo. Masyado kang maraming tinatago sa’kin. Tsaka, tuso ka at marami kang binabalak na masama. Mula noong dumating ka sa Cansington, nagpaplano ka na laban sa’kin at gusto mo akong gamitin, hindi ba?”

“Hindi.

“Seryoso ako. Gusto ko lang iligtas ang boss ko. Niligtas niya ang buhay ko. Matagal na sana akong patay kung hindi dahil kay Blake. Gagawin ko ang lahat para iligtas siya.” Ang sigaw ng Black Snake.

“Patayin niyo siya.”

Ang utos ni James.

Tumalikod siya at agad siyang naglakad papunta sa pinto
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo