Kabanata 478
Personal na hinatid ni James si Lex pababa. Pagkatapos, sinabi niya sa kanya ang pangalan at ang address ng hotel.

"James, bakit hindi ka sumama sa'min?" Nagtatakang tumingin sa kanya ang isa sa mga nakababatang Callahan.

Pinagtatawanan at iniinsulto sila ng mga tao sa umaga.

Noong sandali na nalaman ng mga estate agency, mga hotel, at pati ng mga maliliit na motel, tumanggi silang asikasuhin sila at pinalayas sila.

Natatakot sila na baka palayasin nanaman sila. Mangangamba nanaman sila na baka matulog sila sa lansangan.

Kaswal silang kinausap ni James. "Ayos lang 'yan. Umalis na kayo. Inasikaso ko na ang lahat. Wala kayong dapat ipag-alala."

Walang panahon si James para dito.

Alang-alang sa kapakanan ni Thea, nagmagandang loob siya na tawagan si Scarlett upang maghanda ng matutuluyan nila. Kung naiba lang ang sitwasyon hindi siya mag-aaksaya ng oras niya para dito.

Pagkatapos niyang sabihin 'yun tumalikod siya at umakyat ng hagdan.

Kinausap ni Lex ang lahat.
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo