Kabanata 485
“Isa.”

“Dalawa.”

Laalong nagalit si Tommy nang marinig niya ang pagbibilang ni Christopher.

Kahit na wala naman siyang ibang ginagawa bukod sa nakatayo lang sa tabing kalsada, dumating pa din ang staff ng Glorious Hotel para palayasin siya dun.

“Gusto kong makita na palayasin mo kami dito.”

Humalukipkip siya para ipakita ang kanyang pagsalungat.

Iniisip pa din niya na ang estado niya bilang isang Callahan ay meron pa ding kahit na anong halaga.

“Tatlo.”

Pagkatapos magbilang hanggang tatlo, nilingon ni Christopher ang mga security guards. “Gulpihin sila.”

Isang dosenang security guards na armado ng electric batons ang sumugod kay Tommy at pinagkumpulan ang ubod ng yabang na lalaki.

Ilan sa mga Callahan ang lumapit para subukan na tulungan ito.

Subalit, pati sila ay nagulpi din.

Nakaupo si James sa isang baitang ng hagdan sa malapit habang naninigarilyo. Hindi niya pinansin ang kaguluhan.

Nararapat lang ito kay Tommy. Oras na para maturuan siya ng leksyon.

M
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo