Mukhang seryoso sina James. Kinausap ni Brielle si James gamit ng isipan niya at nagsabing, "James, di pwedeng magpatuloy to. Kapag nagpatuloy to, mas maraming malalakas na indibidwal ang tiyak na sasali sa mga kalaban natin. Hindi to maganda para sa'tin."Natural na alam ito ni James. Wala nang pagkakataong dapat ibigay sa kanila. Kapag binigyan sila ng oras, tiyak na makakatawag sila ng mas maraming malalakas na indibidwal. Pag nangyari yun, hindi sila makakaatake. "Sugod!" Narinig ang boses ni James. Pagkatapos narinig ang boses niya, sabay-sabay na umatake sina Brielle, Feb, Qusai, at Lucifer. Sa sandaling ito, para bang konektado ang mga puso nila. Pare-pareho sila ng ideya, at iyon ay ang hindi pansinin sina Maveth, Matilde, at Yorick at dumiretso kay Qhuv. Si James ang naunang umatake. Habang hawak ang Crepe Myrtle Divine Sword, humakbang siya paharap. Sa sandaling naglakad siya, naglaho ang katawan niya mula sa orihinal nitong lokasyon at lumitaw ang napakaraming
Ang Ten Primordial Fiends ay sampung mga halimaw ng Fiend Realm noong Primordial Age. Ang lahat ng sampung friends na iyon ay nasa Grand Emperor Rank at kilala sila sa Primordial Age. Hindi kailanman natuloy kung sino ang pinakamalakas at pinakamahina sa Ten Fiends. Ang dahilan nito ay kahit na lahat sila ay nagmula sa Primordial Age, hindi silang lahat nagmula sa parehong panahon. Sa kanila, ang mga Gorger ang naunang lumitaw. Lumitaw sila sa simula ng Primordial Age. Sa kabaligtaran, ang karamihan sa iba ay lumitaw nang mas nahuli. Ngayon, apat sa Ten Fiends ang lumitaw. Gustong malaman ng lahat ng nilalang na narito kung alin sa apat na mababangis na halimaw ang pinakamalakas. Sa pagsali nina Maveth, Matilde at Yorick sa laban, naging apat ang nasa panig ni Qhuv. Samantala, may lima naman sa panig ni James. "Magtig-iisa tayo ng kalaban," kaagad na sinuri ni James ang laban at mabilis na nagsabing, "Brielle, umatras ka muna sa laban sa ngayon. Manonood ka sa labas ng la
Kahit ganun, mukhang medyo hindi maganda ang kondisyon ni Qhuv. “Confinement.”“Cycle of Time.”...Habang ginagamit ni James ang Infinity Stele, gumamit din siya ng Curse Magic. Kaagad niyang kinulong si Qhuv. Kahit na ganun, masyadong malakas si Qhuv. Gamit ng kaalaman ni James sa Curse Magic, hindi pa rin niya siya tuluyang makulong. Sa isang iglap, nagawa niyang makawala sa Confinement at Cycle of Time Supernatural Powers at huminto siya sa pagtanda. Gayunpaman, sa mismong sandaling ito, ginamit ni James ang pinakamalakas niyang Sword Move, ang Samadhi Sword Intent. Isang Sword Energy na may hindi matatawarang Sword Intent ang lumusob at tumagos diretso sa katawan ni Qhuv. Gayunpaman, binalikan ito ng atake ni Qhuv at pinatamaan ang Infinity Stele gamit ng isang nakakatakot na Sword Light. Kahit na hinarangan ng Infinity Stele ang pinsala, medyo nagpapakita ng gasgas ang crystal sa katawan ni James. Ang maliit na gasgas na ito ay kaagad na naging malakas na pwersan
Nilalabanan ni James si Qhuv. Pakiramdam ni Qhuv ay hindi niya magamit ang lakas niya at nasa ilalim siya ng kontrol ni James. Kanina, nang naglaban sila isa laban sa lima, malaki na ang nabawas sa crystal niya. Ngayon, pagkatapos ng isa pang laban, mas lalong nabawasan ang crystal niya. Bumaba ito sa isang-kasampu ng enerhiya nito. Humalo sa katawan niya ang lahat ng enerhiya kanina. Lumakas siya nang matindi. Sa kanila nito, hindi niya masaktan si James. Hindi niya mabawasan ang crystal ni James. "Argh!" Nagpatuloy na sumigaw si Qhuv sa galit.Patuloy na umalingawngaw ang sigaw niya. Nagsalubong ang kilay ng maraming nilalang nang nakita nila ito. Nagpakita nang matinding lakas si Qhuv. Hindi siya mas mahina kaysa sa kahit na sinong naroon. Gayunpaman, nang kaharap niya si James, naging kaawa-awa siyang tignan. Iniisip nilang lahat kung anong gagawin kapag personal silang naging kalaban ni James. Sa loob ng maikling panahon, nagkaroon ng maraming ideya and mga nilalang
Kinuha ni James ang pagkakataon at mabilis na pinatamaan si Qhuv. Ginamit na ni Qhuv ang pinakamalakas niyang estratehiya. Gayunpaman, nang kaharap niya si James, inatake siya hanggang sa hindi siya magawang umatake pabalik. Kahit na nagamit ang crystal niya at lumakas siya nang matindi, wala siyang magagawa habang nilalabanan si James. Sa arena na ito, nagpatuloy na sumiklab ang mga labanan. Sa mga ito, walang kalaban-laban ang kalaban ni James. Sa mga naunang laban, patuloy na natamaan ng mga atake si Qhuv at tuloy-tuloy na nabawasan ang crystal niya. Sa isang kurap, tumagal nang isang oras ang matinding laban. Pagkatapos ng isang oras, napuno ng Sword Shadows ang arena. Nagsama-sama ang maraming anino at kaagad na bumuo ng isang tao. Sa sandaling lumitaw si James, nagpakawala ang hawak niyang Crepe Myrtle Divine Sword ng nakakatakot na lakas. Bumugso ang lakas na ito na parang isang energy wave at direktang tumama sa katawan ni Qhuv. Tumalsik paatras ang katawan ni
Sa kabila ng tulong nina Maveth, Matilde, Yorick, at Wilvalor, hindi pa rin naprotektahan ng ilang prominenteng nilalang na ito si Qhuv. Ngayon, natanggal na si Qhuv. Umusad na rin ang arena sa second level. Pagkatapos ng isang laban, nagpakita ng pagkabawas ang crystals nila. Kahit na hindi malaki ang nawala sa kanila, sa ganitong bilis, malamang ay malapit na silang matanggal. "Anong dapat nating gawin?"Tumingin si Maveth sa gitnang lugar. Napansin niyang pumasok si Lucifer sa halo at nagsimulang panumbalikin ang nabawasan niyang crystal. Sabi niya, "Sa sitwasyong ito, hindi natin sila pwedeng bigyan ng pagkakataong makapagpahinga. Kapag napuno na ulit ang crystals nila, tayo ang magdurusa habang nagpapatuloy ang laban."Dumilim ang mukha ni Yorick. Sabi niya, "Kung ganun, ano pang hinihintay natin? Tara na at kunin natin to."Tumango si Matilde at nagsabing, "Mhm. Sumasang-ayon rin ako. Habang nasa halo si Lucifer at hindi siya makaalis, nabawasan sila ng isang malakas na
Tinignan ni Maveth ang paligid niya, dumaan ang titig niya sa bawat isang nilalang bago huminto sa isang hindi pamilyar na lalaki. Simple siyang nagsabi, "Hindi kilala ang pangalan ng nilalang na ito. Hindi ko alam kung saan siya nagmula. Mukha siyang mahina.""Siya na pala.""Sama-sama tayong umatake."Pagkatapos kumpirmahin ang pakay nila, mabilis na kumilos sina Maveth at ang iba pang prominenteng personalidad. Ang lalaking pinuntirya nila ay para bang nasa dalawampung taong gulang. Nakasuot siya ng kulay abong balabal at may pangkaraniwang itsura. Para bang may naramdaman siya. Bago niya napagtanto kung anong nangyayari, ilang makapangyarihang indibidwal na ang sumugod papunta sa kanya. Nagbago ang ekspresyon niya. Hindi isang tipikal na cultivator ang lalaking ito. Mula siya sa isang makapangyarihang mundo sa kalawakang tinatawag na Stellar Realm. Isa siyang Stellarfolk, at tinataglay niya ang kapangyarihan ng walang hanggang kalangitang puno ng mga bituin. Sa umpis
Pagkatapos makapasok ni James sa halo, tumindi ang lakas niya. Inabot siya ng ilang sandali para pakiramdam ito nang maayos. Tumaas ng isang ranggo ang lakas niya. Pagkatapos nito, naglaho ang puting halo. Sa sandaling ito, lumitaw ang Guardian sa third level ng arena. Kasunod ng paglitaw ng third level ng arena, sandaling huminto ang laban. Lumitaw ang Guardian sa harapan ng lahat, tumingin kung saan nakatayo si James, ngumiti, at nagsabing, "Lilitaw ang isang halo sa level na ito. Pagkatapos mong pumasok sa halo, pansamantala kang lalabas. Hindi masyadong malaki ang ilalakas mo, mga isang ranggo lang."Nang narinig nila iyon, maraming nilalang ang tumitig kay James. Nagulat silang lahat. Nakakatakot na nga si James. Ngayong tumaas ng isang ranggo ang lakas niya, paano nila siya malalabanan? Para bang nakikita ng Guardian kung anong inisip ng mga nilalang na iyon at nakangiting nagsabi, "Pansamantala lang ang paglakas ng ito. Hindi ito masyadong matagal. Kapag natapos n