Sa kabila ng tulong nina Maveth, Matilde, Yorick, at Wilvalor, hindi pa rin naprotektahan ng ilang prominenteng nilalang na ito si Qhuv. Ngayon, natanggal na si Qhuv. Umusad na rin ang arena sa second level. Pagkatapos ng isang laban, nagpakita ng pagkabawas ang crystals nila. Kahit na hindi malaki ang nawala sa kanila, sa ganitong bilis, malamang ay malapit na silang matanggal. "Anong dapat nating gawin?"Tumingin si Maveth sa gitnang lugar. Napansin niyang pumasok si Lucifer sa halo at nagsimulang panumbalikin ang nabawasan niyang crystal. Sabi niya, "Sa sitwasyong ito, hindi natin sila pwedeng bigyan ng pagkakataong makapagpahinga. Kapag napuno na ulit ang crystals nila, tayo ang magdurusa habang nagpapatuloy ang laban."Dumilim ang mukha ni Yorick. Sabi niya, "Kung ganun, ano pang hinihintay natin? Tara na at kunin natin to."Tumango si Matilde at nagsabing, "Mhm. Sumasang-ayon rin ako. Habang nasa halo si Lucifer at hindi siya makaalis, nabawasan sila ng isang malakas na
Tinignan ni Maveth ang paligid niya, dumaan ang titig niya sa bawat isang nilalang bago huminto sa isang hindi pamilyar na lalaki. Simple siyang nagsabi, "Hindi kilala ang pangalan ng nilalang na ito. Hindi ko alam kung saan siya nagmula. Mukha siyang mahina.""Siya na pala.""Sama-sama tayong umatake."Pagkatapos kumpirmahin ang pakay nila, mabilis na kumilos sina Maveth at ang iba pang prominenteng personalidad. Ang lalaking pinuntirya nila ay para bang nasa dalawampung taong gulang. Nakasuot siya ng kulay abong balabal at may pangkaraniwang itsura. Para bang may naramdaman siya. Bago niya napagtanto kung anong nangyayari, ilang makapangyarihang indibidwal na ang sumugod papunta sa kanya. Nagbago ang ekspresyon niya. Hindi isang tipikal na cultivator ang lalaking ito. Mula siya sa isang makapangyarihang mundo sa kalawakang tinatawag na Stellar Realm. Isa siyang Stellarfolk, at tinataglay niya ang kapangyarihan ng walang hanggang kalangitang puno ng mga bituin. Sa umpis
Pagkatapos makapasok ni James sa halo, tumindi ang lakas niya. Inabot siya ng ilang sandali para pakiramdam ito nang maayos. Tumaas ng isang ranggo ang lakas niya. Pagkatapos nito, naglaho ang puting halo. Sa sandaling ito, lumitaw ang Guardian sa third level ng arena. Kasunod ng paglitaw ng third level ng arena, sandaling huminto ang laban. Lumitaw ang Guardian sa harapan ng lahat, tumingin kung saan nakatayo si James, ngumiti, at nagsabing, "Lilitaw ang isang halo sa level na ito. Pagkatapos mong pumasok sa halo, pansamantala kang lalabas. Hindi masyadong malaki ang ilalakas mo, mga isang ranggo lang."Nang narinig nila iyon, maraming nilalang ang tumitig kay James. Nagulat silang lahat. Nakakatakot na nga si James. Ngayong tumaas ng isang ranggo ang lakas niya, paano nila siya malalabanan? Para bang nakikita ng Guardian kung anong inisip ng mga nilalang na iyon at nakangiting nagsabi, "Pansamantala lang ang paglakas ng ito. Hindi ito masyadong matagal. Kapag natapos n
Pagkatapos magsalita ni James, naglaho siya at sumulpot sa harap ng lalaking may balabal na kulay abo. Nakita ng lalaki ang pagkislap ng isang Sword Light, at sa sumunod na sandali, isang espadang kulay lila ang nakatutok sa kanya bago pa siya makakilos. Nais sana niyang iwasan ang atake ni James ngunit napansin niya na nahaharangan ang lahat ng daanan para makatakas. Dahil wala na siyang ibang pagpipilian, wala na siyang magawa kundi umatras.Subalit, mabilis ang mga kilos ni James. Agad siyang nakalapit sa lalaki at itinarak niya ang kanyang espada papunta sa lalaki.Inangat ng lalaking nakasuot ng balabal na kulay abo ang kanyang kamay, at bumugso ang malakas na pwersa mula sa kanyang palad upang salagin ang Crepe Myrtle Divine Sword.Subalit, mas mahina pa rin siya kumpara kay James.Higit pa dito, gamit ni James ang First Swordsmanship, at ang bawat pag-atake niya ay may intensyong pumatay.Tinawag ito ni James na Swordsmanship of Destruction.Noong umatake si James, aga
Ang sabi ni Lucifer, “Napakaraming mga nilalang sa arena ngayon. Kailangan nating unahing alisin ang mga mas mahihina. Kapag nakipagtulungan tayo sa kanila, magagawa natin ‘yun. Kapag tayo-tayo na lang ang nagtitira, lalabanan natin sila para makuha ang providence.”Nag-isip sandali si James at napagtanto niya na makatwiran ang ideya ni Lucifer. Tumingin siya sa kanila Feb at Qusai, at nagtanong, “Ayos lang ba ‘yun sa inyong dalawa?”Umiling ang dalawa at pinakita na sang-ayon sila sa ideya ni Lucifer.Ang sabi ni James, “Kung ganun, makikipagtulungan tayo sa kanila pansamantala. Kakausapin ko sila.”Pagkatapos niyang magsalita, lumapit si James sa pwesto kung saan nandoon ang Celestial Ant Race. Nang makita nila na naglalakad si James palapit sa kanila, agad na naghandang lumaban ang Celestial Ant Race at ang iba pang mga nilalang sa lugar. Ngumiti ng masaya si James at sinabing, “Huwag kayong mag-alala. Hindi ako nandito para lumaban kundi para magbigay ng suhestiyon.”Tumin
Mabilis na natapos ang pag-uusap nila. Pagkatapos nito ay mabilis ding nakapagdesisyon ang grupo ni James. Pagkatapos nilang maayos ang kanilang mga plano, inihanda nilang lahat ang mga sarili nila para sa pakikipaglaban. Hindi rin nagdalawang-isip si James na gamitin ang lahat ng itinatago niyang alas. Ginamit din niya ang mga Infinity Stele. Agad na sumugod papunta kay Milo ang isang Infinity Stele. Lumaki ang Infinity Stele at naging 100 metro ang laki. Lumipad ito sa malayo ng may nakakatakot na pwersa. “Tabi!!!”Maraming kalahok ang mabilis na iniwasan ang Infinity Stele. Boom!Sumalpok ang Infinity Stele sa lupa at gumawa ito ng isang malalim na hukay sa arena. Malaki ang naging papel ng atakeng ito sa paghahati sa labanan. Mabilis na naghiwa-hiwalay ang grupo ni Milo upang iwasan ang atake. Sa sandaling iyon, agad ding inatake ng mga powerhouse sa grupo ni James si Milo. Hindi inasahan ni Milo na siya ang unang aatakihin ng mga kalaban. Gayunpaman, isa siya
Napakalakas ni Milo at tumagal siya ng halos kalahating araw sa kabila ng patuloy na pag-atake sa kanya nila James, Feb, at Qusai.Pagkatapos nilang talunin si Milo, nagpatuloy ang mga natitirang kalahok sa kasunod na lebel ng arena.Mayroong maraming mga halo sa arena.Mabilis na inokupa ng mga kalahok ang mga espasyo sa ilalim ng mga halo noong sumulpot sila sa bagong arena.Ang halo sa gitna ay pinoprotektahan ang isang kalahok mula sa anumang pinsala at may kakayahang ibalik ang enerhiya ng kristal ng isang kalahok.Ang mga puting halo ay pansamantalang pinapalakas ang isang kalahok, habang ang mga asul na halo naman ay nagbibigay ng pansamantalang proteksyon na nagpapalakas sa depensa ng isang kalahok. Ang huli sa lahat, ang mga pink na halo ay higit na pinapabilis ang isang kalahok.Agad na inokupa ng mga kalahok ang lahat ng mga halo.Nagawa rin ni James na iokupa ang isang halo na nakakapagpabilis. Sa sandaling iyon, nadagdagan nang husto ang bilis niya, at mabilis siyan
Nag-isip ng matagal si Maveth at sinabing, “Hindi tayo dapat maglaban ng paisa-isa. Anuman ang pagkakasunud-sunod natin, hindi ito magiging patas para sa lahat. Sa tingin ko dapat buwagin na natin ang alyansa natin at magkaroon tayo ng isang battle royale. Makaabot man o hindi ang isa sa'tin sa dulo, nakasalalay na ito sa kanya-kanya nating lakas.”“Isang battle royale?” Kumunot ang noo ni James. Kampante si James sa kanyang lakas at alam niya na siguradong makakarating siya sa dulo. Hindi rin siya nag-aalala tungkol sa kanila Feb at Qusai. Gayunpaman, nag-aalala siya tungkol kay Brielle. Malakas si Brielle, ngunit mas mahina siya kaysa kay Maveth at sa kanyang mga kasama. Hindi siya makakaabot sa dulo kapag naglaban-laban silang lahat. “Ayos lang sa'kin ang kahit ano,” ang sabi ni Lucifer. Kampante rin si Lucifer sa kanyang kakayahan. Nakuha niya ang pinakamagandang kayamanan mula sa Second Calamity, ang Elysian Inscription. Pagkatapos niya itong suriin ng maayos, kaya na n