Nahanap ni James si Lucifer at binanggit ang hiling niyang maging kakampi niya. Nagtatakang tumingin si Lucifer kay James. May ilang kakampi na si James. Bakit niya siya kukunin sa sandaling ito?Nang naramdaman niya ang iniisip ni Lucifer, nakangiting nagsabi si James, "Walang mahina rito. Ngayon mismo, makikipag-alyansa ang lahat sa isa't-isa. Habang mas marami tayong kakampi, mas tataas din ang tyansa nating matira sa huli at makukuha natin ang ultimate providence."Nagpunta ang lahat dito para sa ultimate providence. Pinag-isipan ito ni Lucifer at nagsabing, "Sige pala, kakampi muna ako sa'yo sa ngayon."Dahil makikinabang lang si Lucifer kapag kumampi siya kay James, hindi siya nagdalawang-isip nang matagal. Nang ganun-ganun lang, nadagdagan ngayon ang kasama ni James. Sa sandaling iyon, may apat na miyembro siya sa team niya — sina Brielle, Qusai, Feb, at Lucifer. Kasama niya, tiyak na makakarating sila sa final stage. Nang nakita ni Qhuv na hinila ni James si Lucifer
Nagbanggan ang dalawang matinding kapangyarihan. Kaagad na tumalsik si James. Kumulo ang Blood Energy sa katawan niya. Kasabay nito, nanginig kaunti ang crystal sa loob ng katawan niya. 'Ang lakas niya…'Hindi napigilan ni James na mabigla. Mas lumakas na siya nang ilang beses kumpara noon. Gayunpaman, napatalsik siya ni Qhuv. Kung hindi dahil sa crystal sa loob ng katawan niya na pumigil sa kanyang nasugatan, tiyak na sumuka na siya ng dugo. "Masyado akong mahina nang wala ang Sacrilegious Ascension."Huminga nang malalim si James at sumigaw, "Sabay-sabay natin siyang atakihin. Dapat natin siyang unang tanggalin." Marami ring iba sa arena. Gayunpaman, hindi sila kumilos. Lalo na't isang tao lang ang pwedeng matanggal sa bawat isang stage. Dahil inaatake na nina James si Qhuv, naupo lang sila sa tabi. Kasabay nito, kinuha nila ang pagkakataon na kumampi sa iba. Sa ngayon, sabay-sabay na umatake sina Qusai, Brielle, Feb, at Lucifer. Lumitaw sila sa paligid ni Qhuv at maban
Walang nangialam para tulungan si Qhuv dahil hindi ngayon ang oras. Palihim na umaasa ang lahat na matanggal ang iba para sila ang matitira sa arena. Nang nanghingi ng tulong si Qhuv, nagpakawala ng isa pang bugso ng mga atake sina James at ang mga kasama niya. Habang hawak ang Imperial Weapon, nilabanan niya sina James. Gamit ng makapangyarihang cultivation methods niya, natagalan niya ang pinagsamang atake nila. Gayunpaman, posible lang ito dahil sa crystal. Kung wala ang crystal, magtatamo siya nang matinding sugat at mawawalan siya ng kakayahang ipagpatuloy ang laban laban sa pinagsamang lakas ng limang malalakas na nilalang. Kahit na ganun, kakasimula pa lang mabawasan ang crystal sa loob ng katawan niya. Kailangan pa ng oras nina James para tuluyang maglaho ang crystal. Mula sa malayo, pinapanood ni Maveth ang laban. Si James ang karibal niya. Naniniwala siyang siya ang isusunod ni James kapag natanggal si Qhuv. Pagdating ng oras na iyon, kailangan niyang lumaban sa lima
Sabi ni Maveth, "Sa puntong ito, ito lang ang magagawa natin. Umatake muna tayo at protektahan si Qhuv."Pagkatapos itong pag-isipan, nagsabi si Matilde, "Sige." …Hindi alam ni James na habang nilalabanan nila si Qhuv nang buong lakas, nakapagdesisyon na si Maveth at naghanap ng kakampi sa intensyong protektahan si Qhuv. Napapalibutan ng mga kalaban si Qhuv nang mag-isa at walang magawa. Habang hinaharap ang mga atake ng limang napakalalakas na cultivators, ginamit niya ang bawat isang taktikang mayroon siya. Ginamit pa niya ang pinakanakakatakot na signature skill ng Fatal Realm, ng Lethal Blade's Fury. Ang Lethal Blade's Fury ay isang signature skill na ginawa ng Fatal Emperor. Napakalakas ng Fatal Emperor, at nang sinamahan niya ito ng Imperial Weapon, ang Lethal Blade, mas lalo pa itong lumakas. Sa kabilang banda, hindi pa ginagamit nina James ang pinakamalalakas nilang atake. Hindi pa nila ginagamit ang pinakamalakas na signature skills nila. Medyo napagod sila sa mga
Silang lima, sina James at ang mga kasama niya, ay nasa pinakamalakas na kalagayan nila. Sa ganitong kalagayan, kaya nilang labanan ang kahit na sinong naroon nang sila lang. Ngayon, lahat silang lima ay lumalaban sa isang tao. Nawalan na ng kaba ang laban. Nang pinanood itong mangyari ni Qhuv, mas naging seryoso ang ekspresyon niya. Hindi siya nakakalamang sa simula pa lang. Ngayon, hindi na nagpapakita ng awa ang mga kalaban niya at pumasok na silang lahat sa pinakamalakas nilang kondisyon. Ang kasunod na pangyayaring ito ay magiging pinakamalaking hamon para sa kanya. Habang hinarap niya ang limang napakalakas na indibidwal na iyon, medyo nawalan ng pag-asa ang puso niya. Gayunpaman, wala siyang sinising kahit na sino. Sinisi niya lang ang sarili niya sa kamalasan niya. Kung hindi siya pinuntirya ni James nang maaga, sa lakas niya, tiyak na makakarating siya sa huli. “Haha.”Nagwawala siyang tumawa habang nalamon siya ng galit niya. "Kung gusto mo kong matanggal,
Mukhang seryoso sina James. Kinausap ni Brielle si James gamit ng isipan niya at nagsabing, "James, di pwedeng magpatuloy to. Kapag nagpatuloy to, mas maraming malalakas na indibidwal ang tiyak na sasali sa mga kalaban natin. Hindi to maganda para sa'tin."Natural na alam ito ni James. Wala nang pagkakataong dapat ibigay sa kanila. Kapag binigyan sila ng oras, tiyak na makakatawag sila ng mas maraming malalakas na indibidwal. Pag nangyari yun, hindi sila makakaatake. "Sugod!" Narinig ang boses ni James. Pagkatapos narinig ang boses niya, sabay-sabay na umatake sina Brielle, Feb, Qusai, at Lucifer. Sa sandaling ito, para bang konektado ang mga puso nila. Pare-pareho sila ng ideya, at iyon ay ang hindi pansinin sina Maveth, Matilde, at Yorick at dumiretso kay Qhuv. Si James ang naunang umatake. Habang hawak ang Crepe Myrtle Divine Sword, humakbang siya paharap. Sa sandaling naglakad siya, naglaho ang katawan niya mula sa orihinal nitong lokasyon at lumitaw ang napakaraming
Ang Ten Primordial Fiends ay sampung mga halimaw ng Fiend Realm noong Primordial Age. Ang lahat ng sampung friends na iyon ay nasa Grand Emperor Rank at kilala sila sa Primordial Age. Hindi kailanman natuloy kung sino ang pinakamalakas at pinakamahina sa Ten Fiends. Ang dahilan nito ay kahit na lahat sila ay nagmula sa Primordial Age, hindi silang lahat nagmula sa parehong panahon. Sa kanila, ang mga Gorger ang naunang lumitaw. Lumitaw sila sa simula ng Primordial Age. Sa kabaligtaran, ang karamihan sa iba ay lumitaw nang mas nahuli. Ngayon, apat sa Ten Fiends ang lumitaw. Gustong malaman ng lahat ng nilalang na narito kung alin sa apat na mababangis na halimaw ang pinakamalakas. Sa pagsali nina Maveth, Matilde at Yorick sa laban, naging apat ang nasa panig ni Qhuv. Samantala, may lima naman sa panig ni James. "Magtig-iisa tayo ng kalaban," kaagad na sinuri ni James ang laban at mabilis na nagsabing, "Brielle, umatras ka muna sa laban sa ngayon. Manonood ka sa labas ng la
Kahit ganun, mukhang medyo hindi maganda ang kondisyon ni Qhuv. “Confinement.”“Cycle of Time.”...Habang ginagamit ni James ang Infinity Stele, gumamit din siya ng Curse Magic. Kaagad niyang kinulong si Qhuv. Kahit na ganun, masyadong malakas si Qhuv. Gamit ng kaalaman ni James sa Curse Magic, hindi pa rin niya siya tuluyang makulong. Sa isang iglap, nagawa niyang makawala sa Confinement at Cycle of Time Supernatural Powers at huminto siya sa pagtanda. Gayunpaman, sa mismong sandaling ito, ginamit ni James ang pinakamalakas niyang Sword Move, ang Samadhi Sword Intent. Isang Sword Energy na may hindi matatawarang Sword Intent ang lumusob at tumagos diretso sa katawan ni Qhuv. Gayunpaman, binalikan ito ng atake ni Qhuv at pinatamaan ang Infinity Stele gamit ng isang nakakatakot na Sword Light. Kahit na hinarangan ng Infinity Stele ang pinsala, medyo nagpapakita ng gasgas ang crystal sa katawan ni James. Ang maliit na gasgas na ito ay kaagad na naging malakas na pwersan