Tumalsik siya palabas ng Mount Penyet. Samantala, ang mga nilalang na nagtipon sa labas ng bundok ay umatras sa takot na baka madamay sila sa labanan.“Ikunsidera mo na suwerte ka. Hahayaan kita sa pagkakataong ito.”Sa oras na nagpalitan sila ng atake, alam ni James agad kung gaano kalakas ang mga Celestial Ants. Kahit na kumpiyansa siya na kaya niyang ubusin ang mga ito, alam niyang magtatamo siya ng matinding pinsala kung magkakaroon ng labanan. Sapagkat hindi pa oras para makuha ang ultimate providence, hindi niya kailangan mag aksaya ng oras dito. Sa lakas ng talsik niya, ginamit niya ito para makatakas.Sa isang iglap, nagpakita siya sa harap nila Qusai, Brielle at Maxine at kumaway siya. Malakas na enerhiya ang naipon sa palad niya at napasok sila sa Celestial Abode. Pagkatapos, mabilis siyang umalis.Hindi siya hinabol ni Maveth.Matapos umalis ni James, nagtransform siya mulis a pagiging tao at bumagsak sa sahig, nasa bingit siya ng kamatayan.“Boss.” Naging anyong tao si Kaku
Ngayon, tatlumput isa na War Order na ang nagpakita, at dalawa na lang ang natitira. Sa oras na magpakita ang huling dalawa at bumukas na ang Thirty-Three Stages Celestial Palace, oras na para makipagkumpitensiya para sa ultimate providence.Walang ideya si James kung anong itsura ng Thirty-Three Stages Celestial Palace. Ngayon, ang magagawa na lamang niya ay ang maghintay. Naniniwala siya na malapit na magpapakita ang huling dalawa at makakapasok na siya sa Thirty-Three Stages Celestial Palace.Hindi nagtagal, naghilom ang mga pinsala niya sa katawan.Hindi sila nagtagal sa loob ng Celestial Abode. Sa halip, ikinubli nila ang mga sarili nila sa masukal na gubat at nanatili doon ng pansamantala.Sa rurok ng bundok, nakaupo si James ng lotus position. Nakatitig siya sa malayo habang malalim ang iniisip.Lumapit si Brielle sa tabi niya at naupo. Sapagkat tahimik si James, nagtanong siya, “Anong iniisip mo?”Inayos ni James ang sarili niya at sumagot, “Matagal akong nasa closed-door medit
Habang napapaisip siya, pumasok siya sa Celestial Abode.Sa City Lord’s Mansion sa Celestial Abode, tumayo ang Spirit Tool sa tabi ni James habang binabati siya ng magalang, “Master.”Tinignan siya ni James at nagtanong, “Spirit Tool, ano ang alam mo tungkol sa Sword Realm ng Ancestral Sword Master?”Umiling-iling ang Spirit Tool at sumagot, “Ang Ancestral Sword Master ay pigura noong Primeval Age. Kahit na ipinama niya ang swordsmanship niya, ang sarili niyang likha na Five Great Sword Realms ay ang basehan ng swordsmanship sa panahon ngayon. Ngunit, kaunti lamang ang nalalaman ko sa bagay na ito. Maaaring mas marami kang nalalaman kaysa sa akin.”Noong narinig ito ni James, nadismaya siya.Napakalakas na pigura ng Spirit Tool, at gusto niyang humingi ng payo mula dito. Alam din ng Spirit Tool na lumapit si James para hingin ang payo niya.Nag-isip siya at sinabi, “Base sa pagkakaintindi ko, ang First at Second Sword Realm ay simple. Basta magcultivate ka ng maigi, magbubunga ang pagh
Iba-iba ang pagkakaintindi sa Way. Minsan, maiintindihan ito sa pag-iisip lamang. Minsan naman, hindi ito maiintindihan kahit na isang milenyo ka na nasa closed-door meditation.Kasalukuyang nararanasan ni James ang huli. Para ihalo ang Murderous Energy sa swordsmanship, kailangan muna niyang makontrol ang Murderous Energy sa katawan niya at gawin itong kapangyarihan.Napakahirap nito. Matapos subukan ng ilang ulit sa loob ng mahabong panahon, halos magawa lang niya ito.Bago pa niya maihalo ang Murderous Energy sa swordsmanship, nagbago ang mga War Order. Mabilis siyang tumigil, inilabas ang War Order at lumabas ng Time Formation.Kasabay nito, tumayo sina Brielle at Qusai.Matapos makita si James na lumabas ng Time Formation, nagtanong si Brielle, “Nagbago ang mga War Order. Marahil nagpakita na ang lahat ng tatlumput tatlong War Order. Malapit na magbukas ang Thirty-Three Stages Celestial Palace.”“Mhm.” Tumango si James.Nagtanong si Qusai, “Kumusta ang closed-door meditation mo, J
Matapos ito marinig, naguluhan ang lahat.Nagpatuloy ang guardian, “Ngayon, ang mga War Order ay sumanib na sa katawan ninyo. Naging crystal sila sa loob ng katawan ninyo. Sa tuwing magtatamo kayo ng pinsala, ang crystal ang magtatamo ng pinsala. Sa oras na maglaho ang crystal, matatanggal kayo.”Noong narinig nila ito, sinuri ng mga kalahok ang katawan nila.Ganoon din ang ginawa ni James. Napagtanto niyang may mala crystal na bagay sa elixir field niya sa tiyan.“Huwag ninyong maliitin ang crystal. Providence din ito. Matapos madurog, ang lakas nito ay mahihigop ng katawan ninyo, at ang Sage Energy ninyo at pisikal na katawan ay lalakas. Kaya, kahit na anong mangyari, makakakuha kayong lahat ng providence matapos dumating sa arena na ito.”Dumadungdong ang boses ng guardian.“Siyempre, ang pagkasira ng crystal ay may kinalaman sa lakas ninyo. Habang mas malakas kayo, mas mabagal ang pinsala na matatamo ng crystal ninyo sa tuwing aatakihin kayo. Basta ba hindi masira ang crystal, hind
May tiwala si James sa lakas ni Feb. Isa siyang Gorger mula sa Gorger bloodline. Simula noong Primeval Age, walang ni-isang naging Ancestral God. Gayunpaman, may ilang napakalapit nang maging Ancestral God. Kabilang doon ang Grand Patriarch ng mga Targwyn at ang Gorger—ang ama ni Feb. Kapag nagsanib-pwersa sila, tiyak na makakayanan nila lahat ng problema. Tinitigan ni Qusai si Feb. Hindi siya makapaniwala na ang mukhang inosenteng babaeng ito ay isang Gorger. "I-Ikaw ang Gorger na pumatay ng lahat ng nadaanan mo sa Yandul?" nagtatakang tanong ni Qusai. Aroganteng nagsabi si Feb, "Wag mo kong titigan gamit ng mga mapangmatang mata mo. Naiilang ako."Kaagad na lumingon palayo si Qusai. Humakbang paharap si Brielle at nagsabing, "Sige na, tama na yan. Anong susunod nating gagawin?"Tinignan ni James ang paligid niya. Umatras na ang mga nakapalibot na nilalang papunta sa likod at nanatiling malayo sa isa't-isa sa takot na maatake. Napansin rin ni James ang ilang mga pamilyar
Kahit na ang mundong iyon ay hindi isa sa pitong Greater Realms, maikukumpara ang lakas nito sa kanila. Ang Fatal Realm ay isang nakakatakot na mundo sa kalawakan. May isang napakalakas na nilalang sa mundong ito na kilala bilang ang Fatal Emperor, at pangalan lang niya ay nagbibigay na ng takot sa mga nilalang ng mundong iyon. Ang lalaking ito ay si Qhuv Sephtis, isang Inner Disciples ng kasalukuyang Lord ng Fatal Realm. Nagpunta siya rito sa Earth para makuha ang ultimate providence. Nang nakita niyang sabay-sabay na lumapit sina James sa kanya, dumilim ang mukha niya habang nakatikom nang maigi ang kamao niya. Bumakat ang mga ugat sa braso niya. "Anong ibig sabihin nito, James?" Malamig niyang sabi, "Iniisip mo bang mahina ako? Gusto mo ba akong tanggalin kaagad?"Dumating si James sa isang lugar hindi malayo sa kanya. Habang hawak ang Divine Sword, nagsabi siya nang may maliit na ngiti, "Hindi naman. Wala ditong mahina. Hindi ko lang talaga alam kung sinong aatakihin. At s
Nahanap ni James si Lucifer at binanggit ang hiling niyang maging kakampi niya. Nagtatakang tumingin si Lucifer kay James. May ilang kakampi na si James. Bakit niya siya kukunin sa sandaling ito?Nang naramdaman niya ang iniisip ni Lucifer, nakangiting nagsabi si James, "Walang mahina rito. Ngayon mismo, makikipag-alyansa ang lahat sa isa't-isa. Habang mas marami tayong kakampi, mas tataas din ang tyansa nating matira sa huli at makukuha natin ang ultimate providence."Nagpunta ang lahat dito para sa ultimate providence. Pinag-isipan ito ni Lucifer at nagsabing, "Sige pala, kakampi muna ako sa'yo sa ngayon."Dahil makikinabang lang si Lucifer kapag kumampi siya kay James, hindi siya nagdalawang-isip nang matagal. Nang ganun-ganun lang, nadagdagan ngayon ang kasama ni James. Sa sandaling iyon, may apat na miyembro siya sa team niya — sina Brielle, Qusai, Feb, at Lucifer. Kasama niya, tiyak na makakarating sila sa final stage. Nang nakita ni Qhuv na hinila ni James si Lucifer