Unti-unting kumalma si Yorick. Tumigil siya na labanan ang Infinity Steles at sa halip ay pinili niyang umilag. Balak niyang maghintay ng pagkakataon para makalapit kay James at ilapag ang huling atake. Nakita ni James ang binabalak ni Yorick. Kaagad niyang binawi ang Infinity Steles at pinaikot ito sa kanya. Tumayo siya sa gitna at bumuo ng isang magical formation ang Infinity Steles. Sinubukan ni Yorick na maghanap ng butas pero wala siyang nagawa. Patuloy siyang nagbitaw ng atake kay James, pero hinarang ng Infinity Steles ang lahat ng atake niya. Wala siyang magawa.Walang nangibabaw sa laban nang ilang sandali. "Kailangan ko ba talagang gamitin iyon?"Patuloy na sinubukan ni Yorick na pabagsakin ang depensa ni James pero hindi siya makahanap ng pagkakataon na makalapit. Kahit na malakas ang mga atake niya, pinoprotektahan si James ng Infinity Steles. May isa pa siyang napakalakas na alas pero nagdadalawang-isip siyang gamitin ito dahil gusto niya itong gamitin sa l
Pinalakas siya ng Demonic Lotus. Walang nangibabaw sa kanilang dalawa at para bang huminto ang oras. Para bang huminto ang eksena sa harapan nila. Wala sa kanila ang kumilos, pero lumabas ang malalakas na Sword Energy mula sa espada nila na magkadikit sa isa't-isa. Sa sandaling iyon, libo-libong Sword Energy ang nagbanggaan sa langit. Nanlaban si James gamit ng buong lakas niya ay nag-isip siya ng paraan para manalo. Para matalo si Yorick, kailangan niyang gamitin ang Third at Fourth Stages ng swordsmanship ng Ancestral Sword Master. Gayunpaman, hindi pa rin ito maunawaan ni James. "Wala akong ibang magagawa."Huminga nang malalim si James. Pinagana nga ang Elemental Inversion at pumasok sa espada niya ang Elemental Sage Energy. Sa sandaling iyon, nagbago ang enerhiya ng espada niya. Humalo ang Elementals Sage Energy sa Sword Intent at dumaloy ito sa Crepe Myrtle Divine Sword. Tumama ang pwersa sa katawan ni Yorick at napasuka siya nang dugo. Malapit na magkaugna
Ito ang unang beses na sinubukan ni James na pagsama-samahin ang First, Second, Third, at Fourth Stages ng Five Great Sword Realms. Kaya niyang maglabas ng sumasabog na lakas at palawakin ang pang-unawa niya sa swordsmanship. Natalo si Yorick sa laban. Sugatan siya at nalaglag ang katawan niya mula sa langit. Bumagsak siya sa mga bato sa lapag at hindi siya bumangon. Lumutang sa langit si James. Hinihintay niyang bumangon si Yorick. Dahan-dahang lumipas ang oras. Hindi nagtagal, lumipas ang kalahating oras. Sa wakas, isang tao ang dahan-dahang gumapang palabas ng mga bato. Sa sandaling iyon, pinawala na ni Yorick ang combat form niya. Magulo ang buhok niya at nababalot ng sugat ang duguan niyang katawan. Mukhang matindi ang pagkatalo niya. Umupo si Yorick sa isang malaking bato at hinabol ang paghinga niya. Pagkatapos nito, naglabas siya ng elixir at ininom ito. Pagkatapos kumalma ang mga sugat niya, tumayo siya. Tumingala siya sa langit. Dahan-dahang bumaba si
Hinaplos ni Maxine ang ulo ni Tiara at nakangiting sumagot, "Mahabang kwento. Ikekwento ko sa'yo lahat mamaya.""Sige." Tumango si Tiara. Sa sandaling iyon, ilang henyo mula sa kalawakan ang lumapit. Si Lucifer ang naunang lumapit kay James. Tumayo siya sa tabi at tumingin kay James na nanghihinang nakahiga sa lapag habang pinapagaling ang mga sugat niya. Ngumiti si Lucifer at nagsabing, "Ilang taon na nang huli tayong nagkita, James. Lumakas ka na kumpara noon. Pagkatapos kong mapanood ang laban ni kay Yorick, mahihirapan akong talunin ka kahit na sa kasalukuyan kong lakas."Inisip ni Lucifer ay may lakas na siya para talunin si James pagkatapos magsikap nitong mga nagdaang taon. Gayunpaman, napansin niyang naging nakakatakot ang lakas ni James pagkatapos mapanood ang laban. Kahit na na-master na niya ang Fifth Combat Form, baka hindi pa rin niya matalo si James. Kung lalabanan niya ulit si James, matatalo pa rin siya. Bahagyang ngumiti si James bilang sagot. Sa sandalin
Hindi madali para kay James na manalo sa laban. Gayunpaman, katanggap-tanggap ang mga resulta nito. Pagkatapos makipagtuos sa mga Foreigners, nagpunta si James sa Bane City at nakita niya sina Henry, Tyrus, at ang iba pa. Ayos lang silang lahat. Pagkatapos ayusin ang ilang bagay, dinala silang lahat ni James pabalik sa Wyrmstead. Para naman sa mga tao ng Three Thousand Worlds, hindi sila masyadong pinansin ni James. Binigyan na niya sila ng pagkakataong pumasok sa Mount Bane. Basta't pwede silang pumasok sa Mount Bane, pwede nilang gamitin ang Spiritual Energy doon para pigilan ang sumpa sa mga katawan nila. Mas nag-aalala ngayon si James sa mga pangkaraniwang tao at cultivators na may mababang cultivation ranks. Umupo si James sa pinakamataas na upuan sa council sa main hall ng Wyrmstead. May hawak na report si Quincy at nagsabing, "Hawak ko ang bagong balita, James. Nalagyan na ng sumpa ang buong sangkatauhan. Nasa tatlong milyong tao ang namamatay sa sumpa araw-araw
Hindi inasahan ni James na biglang lilitaw si Brielle. Tumingin si Thea kay James at malokong ngumiti. Pagkatapos, nagsabi siya, "M-May iba pa akong gagawin. Mauuna na ako."Pagkatapos magsalita, tumayo siya at umalis. “Thea…”Tumayo si James at gusto niya siyang habulin, pero pinigilan siya ni Brielle. Hinila ni Brielle ang braso ni James at malamig na nagtanong, "Nasaan ang bodhi tree?""Hayaan mo kong magpaliwanag, Brielle." Namomroblemang tumingin si James kay Brielle. Binitawan ni Brielle si James, pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya, at tinitigan nang masama si James. Seryosong nagsabi si James, "Alam mo na ang sitwasyon sa Earth at ang pagsubok na pinagdaraanan ng mga tao ngayon. Hindi ko ninakaw ang bodhi tree para sa sarili ko, kundi para sa kapakanan ng sangkatauhan. Gusto kong tulungang lumakas nang mabilis ang mga tao.""M-Mahalaga ang bodhi tree para sa pagtagal ng clan ko sa Demon Realm." Tinitigan nang masama ni Brielle si James at nagsabing, "K
Alam ni James na may kasalanan siya kay Brielle. Gayunpaman, hindi niya gusto ng iba pang hindi pagkakaunawaan. Kung kaya't pinili niyang umalis at bumalik sa sarili niyang tinitirahan. Nakabalik na si Thea at nakaupo sa isang bangko sa labas ng bakuran. Hindi siya nagulat na makita si James na bumalik nang ganito kabilis dahil alam na alam niya ang pagkatao ni James. Tumayo siya at palabirong nagtanong, "Bakit ang bilis mo namang bumalik? Dapat sinamahan mo muna siya. Sa nagdaang ilang taon, naglakbay siya kasama ko para hanapin ka." Lumapit si James, umupo, at namomroblemang ngumiti. "Noon, pinakasalan ko lang siya para nakawin ang bodhi tree. Gayunpaman, kailangan ko ngang humingi ng tawad sa kanya. Kailangan kong maghanap ng pagkakataon para makabawi sa kanya."Umupo rin ulit si Thea. "Siya nga pala, anong susunod mong gagawin?"Nag-isip sandali si James at nagsabing, "Hindi pa nagagawa ang elixir para pahinain ng sumpa, at hindi tiyak kung gaano katagal itong magagaw
Pagkatapos umalis ng lahat sa bundok, nalaglag ang singsing sa kamay ni James. Pagkatapos, patuloy itong lumaki hanggang sa maging isang malaking espasyo. Nang nakita niyang lumitaw ang Celestial Abode sa tuktok ng bundok, nakuntento si James. Bumulong siya, "Mananatili ako rito sa ngayon at hihintaying dumating ang third providence pati na rin ang curse-suppressing elixir."Simpleng kumumpas si James. Bumukas ang gate ng Celestial Abode. Pumasok siya sa loob at lumitaw sa isang bundok sa labas ng lungsod ng Celestial Abode. Puno ng Spiritual Energy ang bundok at napakaraming prutas ang nakatanim sa lugar. Ang lahat ng mga prutas na ito ay naglalaman ng matinding kapangyarihan. Ang lahat ng nasa loob ng Celestial Abode ay pagmamay-ari ni James. Nang nakita niya ang mga bagay sa paligid niya, nakaramdam ng kaunting tagumpay si James. Humakbang siya at bumaba sa bundok. Hindi nagtagal, nakarating siya sa city gate at naglakad papunta sa City Lord's Mansion. Pagkatapos la