Galit na galit si Yorick.Isa siyang prodigy na ipinanganak na masarap ang buhay.Dagdag pa dito, anak siya ng Grand Emperor at ipinanganak na may Sage Energy. Hindi pa siya nagkakaroon ng pinsala buong buhay niya.Ngunit, nagawa siyang iwan ng pinsala ni James.Tinignan niya ang pinsala sa dibdib niya.Galit na galit si Yorick at isang malakas na aura ng pagpatay ang kumalat sa paligid.Unti-unti siyang tumayo at lumipad sa kalangitan.Itinaas ni Yorick ang kamay niya at isang puwersa ng mahika ang nagpakita sa palad niya.Lumutang ang puwersa patungo sa dibdib niya at ginamot ang pinsala habang malinaw na nakikita ang mabilis na paghilom nito.Kasabay nito, lumakas ang enerhiya na nagmumula sa katawan niya.Ang light blue na armor ay nagbago at naging puti. Mas maraming mga ugat ang makikita sa translucent na pakpak sa likod niya.Isang sungay ang tumubo sa noo niya at naglabas ng kapangyarihan.“N-Nagtransform na naman siya?”“Mas malakas ang enerhiya niya. Maaaring nagtransform siy
Nakaramdam siya ng panganib sa puso niya.Sumigaw si Yorick, “Ahhh!!!”Mabilis niyang ipinagaspas ang mga pakpak niya at matinding enerhiya ang lumabas. Pinilit niyang kumawala sa Confinement ni James. Matapos kumawala, lumipad muli ang Athuran Sword niya sa kalangitan.Kinuha niya ang espada at hiniwa si James.Itinaas ni James ang espada niya para harangin ang atake.Clank!Maririnig sa ere ang tunog ng mga espada nila.Nakaramdam ng matinding puwersa si James mula sa Crepe Myrtle Divine Sword. Namanhid ang mga braso niya at naapektuhan ang Blood Energy niya. Sa tindi ng puwersa, bumagsak siya mula sa kalangitan.Bago siya bumagsak sa sahig, isang matinding Sword Energy ang sumugod sa kanya.Nabigla si James at agad na umiwas.Matapos maiwasan ang Sword Energy, nagpakita si Yorick bigla sa tabi niya at sinaksak ang likod niya.Napakalakas at bilis ni Yorick matapos ang ikatlong transformation niya.Nalamangan niya ng husto si James sa lahat ng aspeto. Hindi agad nakakilos si James at
Ang akala ng lahat ay patay na si James.Ngunit, may itim na liwanag na lumabas at umabot hanggang sa kalangitan. Nakatitig ang mga manonood sa liwanag.Isang tao ang lumutang sa ere.Magulo ang buhok niya, at puno siya ng pinsala. Napakamiserable ng itsura ni James habang nakatayo siya sa itim na lotus na may siyam na dahon.Isang malakas na enerhiya ang nagmula sa itim na lotus.Matapos makita ang lotus, napahakbang palapit si Lucifer at nagulat.Agad niyang nakilala ang Natal Demonic Lotus ng ama niya.“Ano iyon?”“May napakasamang enerhiya na taglay ang lotus.”Maraming mga prodigy ang nabigla sa Demonic Lotus.Itim na enerhiya ang nagmumula dito.Ang enerhiya ay kumalat sa paligid at ang lahat ng halaman na nadikitan nito ay nalanta.“Hindi pa siya patay?”Hindi makapaniwalang nakatitig si Yorick kay James.Alam niya kung gaano kalakas ang atake niya kay James, pero nabuhay pa din siya. Ipinakita ni James muli kung gaano siya katatag.“Napakatibay na kalaban.”Nagdilim muli ang mu
Matapos magsalita ni James, itinaas niya ang Crepe Myrtle Divine Sword at nagpakawala muli ng atake.Nagpakita siya bigla sa harapan ni Yorick.Sa oras na iyon,kumulo ang dugo ni Yorick at lumabas ang enerhiya mula dito.Ginamit ni Yorick ang kapangyarihan mula sa dugo niya.Ginising niya ang Athuran Bloodline. Agad niyang naalis ang Curse Magic ni James at unti-unting nabawi ang buhay niya at naging bata muli.Sa oras na lumapit si James, umatake si Yorick.Nagkasalubong muli ang mga espada nila.Bang!Isang malakas na tunog ang narinig.Tumalsik si James dahil sa lakas ng puwersa.“T*ng ina!” nagmura si James.Matapos niya gamitin ang sumpa, hindi pa din niya napatay si Yorick.Nakakatakot na kalaban si Yorick.“Haha!!!” tumawa si Yorick.“Kahanga-hanga ka talaga, James. Nasagad mo ako ng husto. Hindi ko pa ginagamit ang kapangyarihan ng bloodline ko kahit na kailan.”Noong narinig ito ng mga manonood, nagulat sila.“Anong sinabi niya? Ginamit ni Yorick ang kapangyarihan ng bloodline
Unti-unting kumalma si Yorick. Tumigil siya na labanan ang Infinity Steles at sa halip ay pinili niyang umilag. Balak niyang maghintay ng pagkakataon para makalapit kay James at ilapag ang huling atake. Nakita ni James ang binabalak ni Yorick. Kaagad niyang binawi ang Infinity Steles at pinaikot ito sa kanya. Tumayo siya sa gitna at bumuo ng isang magical formation ang Infinity Steles. Sinubukan ni Yorick na maghanap ng butas pero wala siyang nagawa. Patuloy siyang nagbitaw ng atake kay James, pero hinarang ng Infinity Steles ang lahat ng atake niya. Wala siyang magawa.Walang nangibabaw sa laban nang ilang sandali. "Kailangan ko ba talagang gamitin iyon?"Patuloy na sinubukan ni Yorick na pabagsakin ang depensa ni James pero hindi siya makahanap ng pagkakataon na makalapit. Kahit na malakas ang mga atake niya, pinoprotektahan si James ng Infinity Steles. May isa pa siyang napakalakas na alas pero nagdadalawang-isip siyang gamitin ito dahil gusto niya itong gamitin sa l
Pinalakas siya ng Demonic Lotus. Walang nangibabaw sa kanilang dalawa at para bang huminto ang oras. Para bang huminto ang eksena sa harapan nila. Wala sa kanila ang kumilos, pero lumabas ang malalakas na Sword Energy mula sa espada nila na magkadikit sa isa't-isa. Sa sandaling iyon, libo-libong Sword Energy ang nagbanggaan sa langit. Nanlaban si James gamit ng buong lakas niya ay nag-isip siya ng paraan para manalo. Para matalo si Yorick, kailangan niyang gamitin ang Third at Fourth Stages ng swordsmanship ng Ancestral Sword Master. Gayunpaman, hindi pa rin ito maunawaan ni James. "Wala akong ibang magagawa."Huminga nang malalim si James. Pinagana nga ang Elemental Inversion at pumasok sa espada niya ang Elemental Sage Energy. Sa sandaling iyon, nagbago ang enerhiya ng espada niya. Humalo ang Elementals Sage Energy sa Sword Intent at dumaloy ito sa Crepe Myrtle Divine Sword. Tumama ang pwersa sa katawan ni Yorick at napasuka siya nang dugo. Malapit na magkaugna
Ito ang unang beses na sinubukan ni James na pagsama-samahin ang First, Second, Third, at Fourth Stages ng Five Great Sword Realms. Kaya niyang maglabas ng sumasabog na lakas at palawakin ang pang-unawa niya sa swordsmanship. Natalo si Yorick sa laban. Sugatan siya at nalaglag ang katawan niya mula sa langit. Bumagsak siya sa mga bato sa lapag at hindi siya bumangon. Lumutang sa langit si James. Hinihintay niyang bumangon si Yorick. Dahan-dahang lumipas ang oras. Hindi nagtagal, lumipas ang kalahating oras. Sa wakas, isang tao ang dahan-dahang gumapang palabas ng mga bato. Sa sandaling iyon, pinawala na ni Yorick ang combat form niya. Magulo ang buhok niya at nababalot ng sugat ang duguan niyang katawan. Mukhang matindi ang pagkatalo niya. Umupo si Yorick sa isang malaking bato at hinabol ang paghinga niya. Pagkatapos nito, naglabas siya ng elixir at ininom ito. Pagkatapos kumalma ang mga sugat niya, tumayo siya. Tumingala siya sa langit. Dahan-dahang bumaba si
Hinaplos ni Maxine ang ulo ni Tiara at nakangiting sumagot, "Mahabang kwento. Ikekwento ko sa'yo lahat mamaya.""Sige." Tumango si Tiara. Sa sandaling iyon, ilang henyo mula sa kalawakan ang lumapit. Si Lucifer ang naunang lumapit kay James. Tumayo siya sa tabi at tumingin kay James na nanghihinang nakahiga sa lapag habang pinapagaling ang mga sugat niya. Ngumiti si Lucifer at nagsabing, "Ilang taon na nang huli tayong nagkita, James. Lumakas ka na kumpara noon. Pagkatapos kong mapanood ang laban ni kay Yorick, mahihirapan akong talunin ka kahit na sa kasalukuyan kong lakas."Inisip ni Lucifer ay may lakas na siya para talunin si James pagkatapos magsikap nitong mga nagdaang taon. Gayunpaman, napansin niyang naging nakakatakot ang lakas ni James pagkatapos mapanood ang laban. Kahit na na-master na niya ang Fifth Combat Form, baka hindi pa rin niya matalo si James. Kung lalabanan niya ulit si James, matatalo pa rin siya. Bahagyang ngumiti si James bilang sagot. Sa sandalin