Matapos masiguro na totoo ang sinasabi ng Sword Master, tumalikod si Walganus at bumalik sa Yanina Peak para makausap si Yanina para sa susunod nilang gagawin.“Walganus, ang Sangria ay nilulusob ng mga hukbo ng Korinth. Kung magpapatuloy ito, mauubos ang Sangria sa loob ng ilang taon. Sa oras na bumagsak ang Sangria, magiging balakid ito sa paghahanap mo sa Imperial Jade Seal at Crepe Myrtle Divine Sword.”Nababalisa si Yanina.Samantala, walang pakielam na sinabi ni Walganus, “Anong plano mo, kung ganoon?”Mukhang takot si Yanina kay Walganus. Maingat niyang sinabi, “Sa tingin ko dapat natin ayusin muna ang sitwasyon ng Sangria bago hanapin ang Imperial Jade Seal at Crepe Myrtle Divine Sword. Sapagkat nakakulong ang Empress, ang prioridad natin ay dapat humanap ng papalit sa kanya.”Sinulyapan siya ni Walganus at malamig na sinabi, “Hindi ka ba masyadong desperada para maging Empress?”Agad na sinabi ni Yanina, “Walganus, wala akong interes sa pagiging Empress. Naniniwala ako na kail
Habang hawak ang deklarasyon, nilisan ni Walganus ang piitan at hinanap si James.Noong nakita ni James si Walganus, nagtanong siya, “Anong problema, Walganus?”Habang malagim ang ekspresyon, sinabi niya, “Nakatanggap ako ng balita na umalis si Empress Xianna at ang Crepe Myrtle Sword Master.”“Umalis?” naguluhan si James, at nagtanong, “Saan sila nagpunta?”Sumagot si Walganus, “Nag-iwan ng mensahe si Empress Xianna na sinasabing natutunan niya na para makuha ang pamanang swordsmanship ng Crepe Myrtle Sword Pavillion, kailangan makuha ang dalawang bagay—ang Crepe Myrtle Divine Sword at ang Imperial Jade Seal ng Sangria. Pero, sapagkat matagal ng nawawala ang mga ito, umalis sila para hanapin ito.”“Totoo?” nagdududa si James.“Tignan mo ito.”Inilabas ni Walganus ang deklarasyon ni Xianna.Tinanggap ni James ang scroll at binuksan ito. Sa oras na iyon, ang mga nakasulat at nabuhay at naging pigura ito ni Xianna.Habang nakatayo sa harapan ni James, nagsalita si Xianna, “Ako si Xianna
Pagkatapos, nilisan ng dalawa ang Crepe Myrtle Sword Pavillion.Para naman sa mga problema ng Crepe Myrtle Sword Pavillion, inayos ni Walganus na si Yanina ang aasikaso sa mga ito mismo. Sapagkat isa siyang Sect Elder, madali lang para sa kanya ang maging Sword Master.Hindi nagtagal, dumating sila sa Imperial Capital ng Sangria.Ang hukbo ng Korinth ay umaatake sa Macchia City, kaya maraming mga cultivator ng Sangria ang sumama sa hukbo. Samantala, ang mga mahihina ay nilisan ang nasyon sa takot na baka madamay ila. Kaya, wala na ang dating ningning ng Imperial Capital.Nakasarado ang mga gate ng lungsod, armadong mga sundalo ang nagpapatrolya sa mga pader ng nito. Ang mga kalsada ay walang katao-tao, at sarado ang mga bilihan. Ang buong Imperial Capital ay ibang-iba mula sa unang pagbisita ni James.Tumungo ang dalawa sa palasyo.Noong dumating sila sa gate, hinarangan sila.“Ipinagbabawal kayong pumasok sa palasyo.”Ilang mga babaeng guwardiya ang pumigil sa kanila.Inilabas nila an
Matapos maging Emperor ng Sangria si James, nilisan niya ang Imperial Capital kasama si Walganus at agad na tumungo sa lungsod ng Macchia.Marami silang nadaanan na mga lungsod. Ang mga buhay na buhay na lungsod noon ay puno ng mga nagagandahang mga babae. Pero ngayon, dahil sa digmaan, wala ng tao. Ang mga kalsada ay wala ng tao at iilang mga tao na lang ang makikita na naglalakad.Noong makita ito ni James, bumuntong hininga siya, “Isang napakagandang nasyon… ng dahil sa digmaan, umalis na ang karamihan sa populasyon.”Tinapik ni Walganus ang balikat ni James at sinabi, “Magiging okay din ang lahat. Ang bagay na ito ay maaayos din. Sa oras na sumuko ang Korinth at umatras, babalik ang mga cultivator na nilisan ang Sangria.”“Bilisan natin.”Hindi na nanatili pa si James sa lungsod na walang katao-tao. Ginamit niya ang True Essence niya at mabilis na lumipad.Matapos lumipad ng dirediretso ng ilang araw, dumating na din sila sawakas sa lungsod ng Macchia.Ang Macchia City ay lungsod n
Kahit na maraming mga tao sa lungsod, walang nagsasalita. Nakakatakot na katahimikan ang maririnig sa paligid.Hindi nagtagal, dumating sila sa City Lord’s Mansion.Sa foyer, ilang dosenang mga heneral ang nakaluhod. Lahat sila nagtataglay ng malakas na puwersa, na umaabot sa Tribulation Rank, pero wala pa sa kanila ang nagiging Sage.Naupo si James sa pangunahing puwesto at kumaway, at sinabi, “Tumayo kayo.”“Maraming salamat, Kamahalan.”Tumayo ang lahat. Nagtanong muli si James, “Anong sitwasyon natin ngayon?”Humakbang palapit ang babaeng heneral at nagsalita, “Kamahalan, ang hukbo ng Korinth ay umatras sa border ng Sangria. Base sa impormasyon na nakalap ng mga scout natin, umatras sila sa Yoruba Valley at nakapuwesto sa gubat doon.”Nagtanong si James, “Kumusta ang sitwasyon ng labanan?”“Kamahalan, inaatake ng hukbo ng Korinth ang Macchia City kailan lang. Ilang beses nakipaglaban ng matindi ang mga sundalo natin para protektahan ang teritoryong ito.“Sa simula pa lang, naghand
Hindi masukat ni James ang lakas ni Walganus. Dalawa lang ang ibig sabihin nito. Una, umabot na sa punto na hindi niya masukat ang lakas ni Walganus. Ikalawa, may cultivation method si Walganus para hindi makita ang cultivation base niya.Ngumiti si Walganus at sinabi, “Pangkaraniwan lang ako. Halos sa Sage Rank’s Fourth Stage pa lang ako.”“Hindi na masama. Sapat na iyon.” Tumango si James ng kaunti.Nakakatakot na ang lakas na ito sa Earth. Kahit sa Planet Galileo, makukunsidera siyang top fighter.Nagtanong si Walganus, “Anong plano mo gawin, James? Balak mo ba labanan ang Korinth hanggang sa dulo? Sa tingin ko hindi ito gagana. Maraming mga tao lang ang mamamatay ng walang saysay.”Nahihirapan magdesisyon si James. Ano pa ba ang pagpipilian niya?Matapos ang pag-iisip ng kaunti, may ideyang sumagi sa isip niya.“May alam akong formation para mapalakas ang hukbo ng Sangria. Pero, matagal bago matutunan ang formation na ito. Sa ngayon, hindi ito mamamaster ng hukbo ng Sangria.”Nagta
Noong narinig niya ang paliwanag ni James, sumagot si Henry, “Gusto ko ang makipaglaban sa digmaan! Bakit hindi mo ako palabasin, James?”Kumaway ng kaunti si James at sinabi, “Hindi puwede, kakaibang lugar ang Sangria. Hindi maaaring manatili ang mga lalake ng mahigit sa isang buwan sa Sangria. Kung hindi, isusumpa sila.”“Huh?” natulala si Henry at nagtanong, “Hindi ako makapaniwala. May ganoong lugar ba talaga sa mundo?”“Mhm.” Tumango si James at ikinuwento ang nakraan ng Planet Galileo.“Sayang naman…” bumuntong hininga si Henry. Kung ganoon, nagsalita siya habang nakangiti, “Pero pagkakataon ito, James. Sa oras na maayos mo ito at makuha ang walang kapantay ng swordsmanship kasama ang Curse Magic, lalakas ka muli ng husto.”“Sigh… Kailangan ko makipag-usap kay Sophie tungkol dito.”Hindi na alam ni James ang gagawin niya. Ang natitira na lang niyang pagpipilian ay ang gamitin ang Nine Heavens God- Annihilating Formation.Ngunit, hindi mamamaster ng hukbo ng Sangria ang Nine Heave
Ang bodhi fruit ay misteryosong berry na makukunsiderang bibihira kahit sa Demon Realm. Isang berry lang ay sapat na para gawin na Sage ang isang tao agad-agad.Matapos kainin ang bodhi fruit, lumakas ng husto si Winnie, at agad siyang umabot sa Sage Rank’s Fifth Stage.“Ama, marami kang paghihirapan na pinagdaanan sa Planet Galileo, walang paraan para matulungan ka kung hindi ako. Kaya palabasin mo na ako.” Pagmamakaawa ni Winnie.Gusto niya talagang tulungan si James. Bukod pa doon, hindi na niya gustong manatili sa loob ng Celestial Abode at manood na lang sa isang tabi.Napaisip si James.Sa tabi niya, nagsalita si Delainey, “James, maaari din ako umalis dito para tulungan ka. Nasa Sage Rank’s Fifth Stage na din ako.”Bumuntong hininga si James at tinignan si Winnie at sinabi, “Puwede kang umalis. Pero, kailangan mo ako sundin palagi. Naiintindihan mo?”Noong narinig niya ito, tumalon siya at niyakap si James. “Opo, Ama! Salamat!”Bumuntong hininga si James.Hindi niya gusto na tah