Kabanata 2551
Kahit na anak siya ng Mortal Dimension’s clan leader, hindi niya puwede maargabyado ang mga tao na nagmula sa Divine Dimension.

Tinignan ng guwardiya si Brielle at sinabi ng mahina, “Kagabi, may problema na nagsimula sa Labhrann Clan.”

“Huh? Anong klaseng problema?” gulat na tanong ni Brielle.

Sumagot ang guard, “Isang powerhouse ang pumasok sa bundok kung saan nakatanim ang bodhi tree. Nilinlang ng magnanakaw ang guardian ng puno at ninakaw ito.”

Noong narinig ito ni Brielle, nanginig siya.

“Nanakaw ang bodhi tree?”

Hindi siya makapaniwala.

Miyembro si Brielle ng Labhrann Clan at naiintindihan niya kung gaano kahanga-hanga ang bodhi tree.

Sa nakalipas na mga taon, ang bodhi tree ay nakatulong ng malaki para sa mga miyembro ng clan para makatawid sa Sage Rank. Kahit na hindi nagiging napakalakas at nakakapasok sa Divine Dimension ang mga kumakain sa prutas nito, nagagawa nilang patuloy na lumikha ng mga Sage Rank kung bibigyan ng sapat na panahon.

Ang bodhi tree ay may malaking kontrib
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP