Nagtago si James sa dilim at tinago niya ang sarili niya. Samantala, lumapit doon si Sophie. Sa sandaling nilapitan niya ang bodhi tree, kaagad siyang nakita. Biglang bumukas ang mga mata ng Great Elder ng Labhrann Clan. "Sinong nandiyan?" Bigla siyang tumayo dahil dito. Mabilis na tumalikod si Sophie at tumakas. Mabilis na hinabol ng Great Elder ng Labhrann Clan si Sophie at pareho silang naglaho mula sa lugar. Nang nakita ni James na naitaboy ang Great Elder ng Labhrann Clan, mabilis siyang lumapit sa bodhi tree. Tumalon siya sa ere at pinagana ng true Essence niya. Lumabas ang malakas na True Essence mula sa mga braso niya at hinila niya ang bodhi tree para subukan itong mabunot. "Sige na!"Nabunot ng biglaang malakas na pwersa ang bodhi tree mula sa lupa. Gamit ng isip niya, tinabi ni James ang bodhi tree sa Celestial Abode. Ang buong proseso ng paglapit sa bodhi tree at pagbunot dito ay inabot lang ng sampung segundo. Pagkatapos makuha ang bodhi tree, mabilis
Pagkatapos magbukas ni Sophie ng isang spatial passage, pumasok dito sina James, Henrik, at Qusai at umalis sa Demon Realm. Gayunpaman, hindi alam ng tatlo kung saan sila dadalhin ng spatial passage. Pagkatapos pumasok sa spatial passage, dumilim ang paningin nila at kaagad silang nawalan ng malay. Pagkatapos ng ilang segundo, nagising sila at napansin nilang nakarating sila sa isang disyerto. Kaagad na hinanap ni James sina Henrik at Qusai sa paligid niya. Gayunpaman, hindi niya sila nakita. Bumulong si James sa gulat, "Anong nangyayari? Nasaan sila?" Pumasok sila sa spatial passage at magkasamang umalis sa Demon Realm, pero mag-isa na lang ngayon si James. "Anong nangyayari, Ms. Sophie? Nasaan ako? At saka nasaan sina Henrik at Qusai?"Tinanong ni James si Sophie sa Celestial Abode. Sa sandaling iyon, nakapasok na si Sophie sa Time Formation at naghahanda siyang mapag-isa para pabilisin ang paggaling niya. Malala ang mga sugat niya pagkatapos siyang atakihin ng Heavenl
Nang dumating si James, maraming tao ang bumati sa kanya. Bumati rin siya pabalik natin nakangiti. Pagkatapos, nag-utos siya, "Tawagin niyo ang lahat papunta rito. May importante akong iaaanunsyo."Hindi nagtagal, maraming tao ang nagtipon sa bukana ng nayon. Tumingin ang lahat kay James. Tumingin si James sa kanila at tinignan ang mga cultivation base nila. Sa kabila ng maraming taon ng pananatili nila rito, hindi sila masyadong lumakas. Nagawa lang nilang makaakyat ng isa o dalawang sub-ranks."Bakit mo tinawag ang lahat dito, James?" tanong ni Cynthia. Tumingin si James sa kanila at sumagot, "Nakakuha ako ng mahiwagang puno mula sa labas. Kapag kinain mo ang prutas nito, makakarating ka kaagad sa Sage Rank." Nang narinig nila ang anunsyong ito, nagulat ang lahat. “Isang Sage?”"Totoo ba to?" "Mayroon ba talagang ganitong nagmimilagrong puno sa mundong ito? Talaga bang magiging Sage kami pagkatapos naming kainin ito?".Gulat at hindi makapaniwalang tumingin ang la
Limitado ang buhay ng bawat isang nilalang. Ang cultivation ay tungkol sa pagkuha ng magagandang biyaya at manghiram ng kaunti pang oras mula sa kalangitan. Ang landas ng cultivation ay puno ng balakid. Marami kang makakasalubong na panganib at malamang ay mamamatay ka kung hindi ka mag-iingat. Isa itong mahabang paglalakbay. Ang Empyrean fruits at herbs ay ginawa ng kalawakan at nabuhay para lumakas ang mga cultivator. Alam na alam ni James ang katotohanang ito. Gayunpaman, paulit-ulit siyang pinaalalahanan ni Sophie na huwag siyang masyadong aasa sa mga ito. Kung hindi, guguho ang pundasyon niya at magiging imposible para sa kanyang marating ang tuktok ng cultivation."Ayos lang. Di ako kukuha." Mahinang umiling si James. Narating na niya ng First Stage ng Mage Rank. Hindi siya mahihirapang marating ang Sage Rank balang araw. Higit pa roon, hindi ang pagiging Sage ang huling punto para sa kanya. Itinuturing lang itong tunay na simula para sa landas ng isang ta
Kahit na anak siya ng Mortal Dimension’s clan leader, hindi niya puwede maargabyado ang mga tao na nagmula sa Divine Dimension.Tinignan ng guwardiya si Brielle at sinabi ng mahina, “Kagabi, may problema na nagsimula sa Labhrann Clan.”“Huh? Anong klaseng problema?” gulat na tanong ni Brielle.Sumagot ang guard, “Isang powerhouse ang pumasok sa bundok kung saan nakatanim ang bodhi tree. Nilinlang ng magnanakaw ang guardian ng puno at ninakaw ito.”Noong narinig ito ni Brielle, nanginig siya.“Nanakaw ang bodhi tree?”Hindi siya makapaniwala.Miyembro si Brielle ng Labhrann Clan at naiintindihan niya kung gaano kahanga-hanga ang bodhi tree.Sa nakalipas na mga taon, ang bodhi tree ay nakatulong ng malaki para sa mga miyembro ng clan para makatawid sa Sage Rank. Kahit na hindi nagiging napakalakas at nakakapasok sa Divine Dimension ang mga kumakain sa prutas nito, nagagawa nilang patuloy na lumikha ng mga Sage Rank kung bibigyan ng sapat na panahon.Ang bodhi tree ay may malaking kontrib
Ang lahat ng mga malalakas na miyembro ng Labhrann Clan ay bumalik na sa Divine Dimension.Matapos bumalik sa Divine Realm, ang mga powerhouse ay nagtipon at gumamit ng divining formation para malaman ang pagkakakilanlan ng magnanakaw.Sa normal na pagkakataon, magbibigay ng kaunting kaalaman ang Heavenly Path para makatulong sa kahit na sinong nagsusubok gumamit ng divining formation.Pero, walang ibinigay na kahit ano sa pagkakataong ito.“Kakaiba ito.”Nagdilim ang ekspresyon ni Txomin, “Wala tayong makita na kahit na ano sa pagkakakilanlan ng taong ito? Marahil kaya na sobrang lakas ng taong nagnakaw sa bodhi tree at nahaharangan nito ang Heavenly Path?”“Anong gagawin natin ngayon, Lord Labhrann?”“Kahit ang Heavenly Path hindi tayo matulungan.”“Anong gagawin natin? Kung wala ang bodhi tree, siguradong hihina ang clan natin kapag tumagal.”Marami sa mga miyembro ng Labhrann Clan ang nag-alala.Nag-isip si Txomin at sinabi, “Wala tayong magagawa sa ngayon. Ang magagawa lang natin
”Sige.” Magalang na sagot ng guwardiya at umalis ito.Naghintay sa hardin si Brielle.Matapos ang ilang sandali, bumalik ang guwardiya kasama si Thea.“Ms. Labhrann, isinama ko na po ang bisita,” yumuko ang guwardiya at nag-ulat kay Brielle.Sumenyas si Brielle at sinabi, “Okay. Maaari ka ng umalis.”“Masusunod po.”Tumalikod ang guwardiya at umalis.Nakatayo si Thea at tinignan si Brielle.Nakaupo si Brielle sa gazebo at tinignan si Thea.Matapos tignan ng buo ni Thea si Brielle, humanga siya at naisip sa sarili niya, “Nasa Demon Realm si James ng ilang taon pero nakakuha siya ng ganitong kaganda na babae. Napakaganda niya at bagay na bagay para kay James.”Tinitigan ni Brielle si Thea pero hindi makita ang mukha niya sapagkat may belo ito.Itinuro niya ang upuan sa tabi niya at ngumiti. “Ikaw siguro si Thea, tama? Maupo ka. Magrelax ka din.”Matapos marinig ni Thea na tinawag siya ni Brielle, sigurado siyang si ang hinahanap niyang lalake ay ang asawa niya.Naupo si Thea. Sinulyapan
Hinabol ni Brielle si Thea.Hindi niya alam kung paano hahanapin si James noong una. Mabuti na lang, nagpakita si Thea sa tamang oras.Ngayon, basta sundan niya si Thea, mahahanap at mahahanap niya si James.Napasimangot si Thea sa mga salita ni Brielle. Hindi niya gusto na sundan siya ni Brielle.Matapos ito isipin, nagsalita si Thea, “Hindi mo ba naisip na hindi maganda na sundan mo ako?”Sumagot si Brielle ng nakangiti, “Wala naman masama doon. Ikinasal na kami ni James. Narinig ko ang tungkol sa iyo mula kay James. Sinabi ko na sa kanya na ikaw ang unang asawa at ako ang pangalawa.”Sapagkat mapilit si Brielle, hindi na tumanggi si Thea. Tumango siya at sinabi, “Gawin mo kung anong gusto mo.”Matapos magsalita, umalis agad si Thea,Sumunod naman si Brielle sa kanya.Samantala, si James ay nasa hindi pa kilalang mundo.Kahit si Sophie hindi alam kung anong lugar ito. Ang alam lang niya ay may malakas na formation sa paligid ng planeta na hindi niya maintindihan.Kung pagtutugmain an