Wala na siyang pakialam kung babanggitin niya ang sikreto ng Infinity Steles. At saka kahit kumalat pa ang tungkol dito, hindi na siya natatakot sa kahit na ano. Pagbalik niya sa Earth, wala nang mas malalakas doon. Sa lakas niya, madali niyang malalabanan Ng cultivators ng Three-Thousand Worlds. "I-Ikaw…?!" Nagulat si Quintina. Bilang anak ng pinakamahusay na tayo sa Ancient Realm, alam niyang lilitaw ang Four Calamities sa Earth na susundan ng isang providence bawat isa nito. Nagulat siya. Hindi niya inasahang ang lalaking nasa harapan niya ay ang nakakuha ng providence ng First Calamity sa Earth. "Kaya pala ganito ka kagaling…" Bulong niya. Hindi kapanipaniwala ang lakas ni James. Nang una siyang dumating sa Ancient Realm, mahinang-mahina lang siya. Gayunpaman, hindi nagtagal, nakayanan niya ang mga atake ni Hayden Salvatore. Pagkatapos, maski si Harold ay hindi siya kayang sugatan kahit gamit ang buo niyang lakas. Hindi kapanipaniwala ang bilis ng cultivation niya
Lumitaw si James sa Divinity Sect, na ngayo'y nagkadurog-durog. Pagkatapos, bumalik ulit ang Celestial Abode sa pagiging singsing sa daliri niya. Dahil nag-aalala siyang hindi pa umaalis ang Demon Race, maingat niyang sinuri ang paligid niya at maingat na naglakad. Kagaya ng inaasahan, may isang grupo ng taong naka-itim na balabal sa labas. Lumipat siya ng direksyon. Gayunpaman, kahit saan siya magpunta, napansin niyang napapalibutan ng Demon Race ang buong lugar. Wala siyang daan paalis. Mukhang sigurado ang Protector na nanatili siyang nakatago sa ilalim ng mga bato. Gayunpaman, hindi nila siya mahanap pagkatapos ng matagal na panahon. Iyon ang dahilan kung bakit sinara na lang nila ang lugar. "Anong dapat kong gawin?" Umupo si James sa lapag sa ilalim ng isang malaking bato. Sa sandaling iyon, narinig ang tunog ng mga yabag. Nag-iikot sa lugar ang ilang miyembro ng Demon Race. Pinahina ni James ang aura niya at tinago ang sarili niya. Sa sandaling lumitaw siy
Binalot siya ng enerhiya, pagkatapos ay naglaho siya na parang bula. Napansin ni James na lumabo ang paningin niya. Nang lumitaw siya ulit, nakarating siya sa isang lugar na hindi niya alam. Naglaho ang mga bato at napalitan ng isang magandang tanawin. Habang nakatingin sa mga bundok at ilog sa harapan niya, nakahinga nang maluwag si James at bumulong, "Sa wakas, nakaalis na ako sa Divinity Sect. Ngayong matagal na panahon na ang lumipas, kumilos na kaya ang Demon Race sa Welkin Academy at Ancient Clan?" "Hmm… Kumusta na kaya si Melany sa Welkin Academy…?" Sa sandaling iyon, naisip niya si Melany, ang babaeng nagligtas sa kanya nang una siyang dumating sa Ancient Realm. Balak niyang pumunta sa Welkin Academy sa ngayon para tumingin. Pagkatapos, nagmadali siyang umalis at nagpunta sa direksyon ng Welkin Academy. Naglakbay siya nang ilang araw. Pagkatapos niyang tuluyang makaalis sa rehiyon ng Divinity Sect, binuksan niya ang Celestial Abode at pinalabas silang lahat
Mapilit itong hiniling ni Quintina kaya walang nagawa si James kungdi papasukin siya sa Celestial Abode. Pagkatapos, tumalikod si James at umalis. Pagkatapos alamin ang direksyon, mabilis siyang umusad. Kumalat na ang mukha niya. Kapag naglakad siya sa Ancient Realm nang ganito, matutuklasan nila ang kinaroroonan niya. Kung kaya't nagsuot siya ng maskara. Isa itong kulay pilak na maskarang nakatakip sa kalahati ng mukha niya. Tanging ng ibabang kalahati lang ng mukha niya ang nakikita. Pagkalipas ng isang araw, lumitaw si James sa lungsod. Dahil hindi siya pamilyar sa Ancient Realm, kinailangan niyang bumili ng mapa para mapuntahan ang Welkin Academy. Kahit isa siya ngayong cultivator, kailangan pa rin niyang kumain. Pagkatapos hindi kumain nang medyo matagal, pakiramdam niya ay nawalan ng laman ang puso niya, na para bang may nawala sa kanya. Masagana ang lungsod sa Ancient Realm. Napakaraming tao ang naglalakad sa buong lugar. Sa isang restaurant sa lungsod, isang lalak
"Sandali." Itinabi ng nangungunang mandirigma ang long sword na hawak niya at iniunat ang kamay niya. Ilang simbolo ang lumitaw sa palad niya. Pagkatapos nito, isang liwanag ng True Energy ang umilaw hanggang sa mga ulap. Alam ni James na pinapaalam niya ito sa nakakataas j awtoridad ng Welkin Academy. Matiyaga siyang naghintay. Pagkatapos ng halos sampung minutong paghihintay, lumipad ang ilang tao mula sa malayo. Mabilis ang mga taong ito. Malayo sila, pero sa isang kurap, lumitaw sila sa Moonlit City. Nakita din sila ni James. Sila sina Farley Gideon, ang headmaster, at ang master niya. Lumapit siya at binati sila, "Master, Headmaster, Mr. Gideon." Lumitaw si Farley sa harapan ni James at nagtanong, "James, nakabalik ka na sa wakas. Nasaan si Quintina?" Hindi na naglihim ng kahit na ano si James sa mga taong ito. Tinanggal niya ang singsing sa daliri niya at nagpalit ito ng anyo bilang ang Celestial Abode. Lumaki nang lumaki ang Celestial Abode. Pagkatapos ay kina
Nagsagawa na ang Welkin Academy ng kakailanganing paghahanda para sa mga disipulo nito. Ang lahat ng mga nanatili sa Welkin Academy ay mga malalakas na cultivator. Ang mga cultivator na ito ay nagmula sa iba't-ibang parte ng mundo, hindi lang sa Welkin Academy. Ngayong magkakagulo na ang Ancient Realm, wala nang pakialam ang headmaster at ang iba pa sa Dragon Abyss. Sa halip, binigay nila ang token kay James para buksan ang Dragon Abyss. Sabi ng headmaster, "Pwede lang mapasok ang Dragon Abyss isang beses sa limampung taon. Kapag oras na para buksan ito, kailangan nito ang token. Kapag hindi nabuksan ang Dragon Abyss sa panahong iyon, kailangang maghintay ng limampung taon para mabuksan ito ulit. Ayon sa kwenta ko, oras na para buksan ang Dragon Abyss. May isang buwan pa bago ito magsara. Pwede ka pang umabot kung magmadali ka ngayon. Kapag lumipas ang oras, hindi mo na'to mabubuksan kahit hawak mo pa ang token." Hindi tumutol si James at kaagad na sumagot, "Sige. Kung ganun, p
Nagsimula siyang nagpaliwanag. Pagkatapos niyang magpaliwanag nang ilang sandali, para bang hindi pa rin ito naintindihan ni Quintina. "Medyo hindi ko pa rin to maintindihan." Umiling si Quintina. Sabi ni James, "Hindi mo to kailangang maintindihan ngayon. Mauunawaan mo rin pagkatapos mong pumunta sa Earth at mabuhay doon. Sa madaling salita, isang magandang lugar ng Earth. Tiyak magsasaya ka pagpunta mo roon." Lumilipad ang airship sa pinakamabilis nitong nalilipad. Pagkatapos makipag-usap kay Quintina, pumikit si James at nagpahinga. Pagkatapos, pumasok siya sa cultivation state. "Nagcucultivate ka pa rin kahit habang naglalakbay. Nakakayamot ka naman." Nakasimangot si Quintina. …Walang naging problema sa biyahe nila papuntang Dragon Abyss. Pagkatapos ng halos walong araw, lumitaw ang airship sa Endless Sea. Isa itong malawak na karagatan. Sa isang tingin, para bang wala itong katapusan. Ngayon, kailangan lang nilang maglakbay ng tatlong araw bago makarating sa Dragon
Tinitigan ni James si Lucifer. Masyadong kakaiba si Lucifer. Siya ang anak ng Demon Emperor. Siya ang nag-iisang descendant ng Demon Emperor. Sa ganitong pagkatao niya, isa siyang lapastangan kahit saan siya magpunta. "Niligtas kita, tapos gusto mo kong patayin?" tanong ni James. "Hindi." Kalmado ang ekspresyon ni Lucifer. Sabi niya, "Hindi ako nagbigay ng utos na ipapatay ka. Ang gustong pumatay sa'yo ay ang iba pang mga miyembro ng clan ko, dahil ang token na hawak mo ay nagmula sa Azurean Clan habang ang clan na pinagmulan ko ay ang Hadean Clan. "Lahat kami ay miyembro ng Demon Race. Gayunpaman, dahil sa laban noong sinaunang panahon at pagkatapos mamatay ng ama ko sa laban, bumaba ang katayuan ng clan ko sa Demon Race at pinahirapan ang clan namin. Nagsanhi ito ng problema sa pagitan ng dalawang clan."Pagkatapos itong marinig ni James ay doon niya lang niya ito naintindihan. May iba't-ibang clans sa loob ng Demon Race. "At saka naniniwala akong hindi ka mamamatay." Ba