Nanatili si James sa Bane City ng tatlong araw.Kinaumagahan, nagkaroon ng pangitain ng langit at lupa.Isang illusory gate ang nagpakita sa kalangitan sa taas ng Bane City. Sa may gate, mayroong ilang salitang nakasulat.Sa nakalipas na ilang araw, nagcultivate si James sa may courtyard. Napansin niya agad ang illusory gate noong nagpakita ito. Matagal niya itong tinitigan ngunit hindi niya mabasa ang mga salitang nakasulat dito. Ito ay mga misteryoso at sinaunang salita. Tila buhay ang mga ito at patuloy itong nagbabago. Di nagtagal, dumating si Marcello, si Jace, at ang ilan sa mga malalakas na miyembro ng Demon Race. Naglakad si James palapit kay Marcello at nagtanong, "Tingnan mo 'yun. Sumulpot ang illusory gate na 'yun at nakadugtong ito sa seal sa kalangitan. Mayroong ilang salita sa may gate. Nababasa mo ba ang mga salitang 'yun?" Bago makasagot si Marcello, sumagot si Jace, "Kaya ko 'tong basahin."Tumingin si James kay Jace at nagtanong, "Anong ibig sabihin ng m
Lumulutang sa kalangitan ang gate at nasa tabi ito ng basag na seal na nagdudugtong sa Earth sa Three Thousand Worlds.Napakalaki ng gate, na may taas na 100 metro. May isa pang hilera ng mga misteryoso at sinaunang salita ang makikita sa gate. Maging si Jace at ang mga Outsider mula sa Demon Realm ay hindi kayang basahin ang mga salita. Natatakpan ng kulay puting ulap ang likod ng gate, dahilan upang hindi makita ang nasa likod nito. Isa-isang sumulpot sa kalangitan ang mga malalakas na cultivator mula sa Three Thousand Worlds at pumasok sila sa Space-Time Portal, at naglaho sila sa paningin ng mga tao. Pumasok si Jace sa loob ng Space-Time Portal. Sumunod sa kanya ang mga tauhan niya. "Tara na, James."Tumingin si Marcello kay James. "Sige." Tumango si James. Magkasamang pumasok ang dalawa sa Space-Time Portal.Naramdaman ni James ang isang malakas na pwersang pumalibot sa kanya pagpasok niya sa Space-Time Portal. Noong sandaling iyon, nawalan siya ng kontrol sa kany
Pagkatapos niyang pumasok sa Space-Time Portal, napadpad si James sa Provenance. Pagkatapos niyang marinig ang paliwanag, nagkaroon siya ng mas malinaw na imahe ng lugar sa isip niya. Sa pamamagitan ng Provenance, magagawa nilang maglakbay pabalik sa nakaraan noong panahon na unang ginawa ang mundo upang matuklasan nila ang pinakatatagong sikreto ng mundo. Tungkol naman sa dahilan at kung ano ang maitutulong nito sa kanila, wala pa ring kaalam-alam si James. Tumingin siya sa lugar, ngunit walang katao-tao sa lugar. Bumaba si James mula sa kalangitan papunta sa gubat sa may kabundukan. Bumugso ang gintong liwanag mula sa singsing sa kanyang daliri, at nahulog sa lupa ang singsing, at bumalik ito sa pagiging Celestial Abode. Naglakad si James papasok sa Celestial Abode. Pagkatapos, lumiit ang Celestial Abode at lumubog ito sa lupa. Walang makakakita sa Celestial Abode kahit na dumaan sila sa lugar. Nagtipon sila James, Nova, at Sophie sa bakuran ng City Lord's Mansion ng Ce
Ang nag-aalalang sinabi ni Sophie, "Paano ko ba 'to sasabihin? Sa madaling salita, ang Heavenly Path ay isang bagay na nakahihigit at kumokontrol sa lahat, pati ang buhay at kamatayan ng mga nilalang sa mundo."Naguguluhan pa rin si James. Ang sabi ni Nova, "Hindi mo ito kailangang maintindihan sa ngayon. Ang tanging masasabi ko lang sa'yo ay ang layunin ng cultivation ay ang mapalapit sa Heavenly Path. Habang palapit ang isang tao sa Heavenly Path, mas hihina ang kontrol ng Heavenly Path sa taong iyon. Tumango si Sophie at sinabing, "Mhm. Ang mapalapit sa Heavenly Path ay nangangahulugan na malapit ka na sa tinatagong sikreto ng mundo. Magagawa mong alamin ang mangyayari sa hinaharap. Magagawa mo ring labanan ang Heavenly Path at baguhin ang kapalaran."Masyadong malalim ang kanilang paliwanag, at hindi ito maintindihan ni James. Nagtanong si James, "Pagkatapos, ano na ang dapat kong gawin ngayon?" Sumagot si Sophie, "Lumabas ka at kumpletuhin mo ang mga pagsubok, syempre."
Nang marinig niya ito, napalingon si James.Sa malayo, isang lalaki ang mabilis na lumipad papunta sa kanya, at agad na sumulpot ang lalaki sa harap ni James. Nakita ni James ang itsura ng lalaki. Hindi gaanong matanda ang itsura niya, nasa halos dalawampu't lima o dalawampu't anim na taong gulang ang itsura niya. Nakasuot siya ng itim na baluti at mayroong mahabang espada sa kanyang baywang. Nakatayo siya ilang metro ang layo mula kay James at nakatingin siya ng masama kay James. "Sino ka?" Nagtaka si James dahil hindi niya makilala ang lalaking nasa harap niya. Kalaban? Ang sabi ng lalaking nakasuot ng itim na baluti, "Magpapakilala ako. Ako si Quade Hach mula sa Overworld."Nang marinig niya ang Overworld, kinutuban ng masama si James. Marami siyang pinaslang na mga Overworld Outsider at may alitan siya sa mga cultivator mula sa Overworld. Pagkatapos ng ilang sandali, pinagdikit ni James ang kanyang mga kamao at sinabing, "Kinagagalak kitang makilala, Quade…""Ang S
Malakas si Quade, at mapaminsala ang taglay na lakas ng kanyang mga atake. Alam ni James na imposibleng mapatay niya si Quade ng hindi ginagamit ang Sacrilegious Ascension. Noong sandaling iyon, bumugso ang True Energy mula sa kanyang reservoir. Kumalat ito buong katawan at binasag nito ang kanyang spine. Humakbang siya paharap, at naipon sa kanya ang kapangyarihan ng langit at lupa.Hinigop ng kanyang katawan ang kapangyarihan ng langit at lupa at bumuo ito ng isang bagong spine.Humakbang siya paharap, at naramdaman ni Quade ang isang malakas na pwersa na dumudurog sa kanyang katawan.Subalit, hindi pa sapat ang pwersang ito upang mapaatras siya.Hinawakan ni Quade ng mahigpit ang mahabang itim na espada at winasiwas niya ito kayGumawa ng bagyo ang kanyang espadaHumakbang si James paharap ng ilang beses, at nabuo muli ang ilan sa vertebrae niya. Kasabay nito, pinakawalan niya ang bagyo. Ang Sacrilegious Ascension ay isang malakas na signature martial art skill ng Primor
Pagkatapos patayin ni Quade si James, isa pang tao ang sumulpot bago siya makapagpahinga. Isa itong napakalakas na tao na mayroong mas malakas na enerhiya kaysa sa kanya. Pagkatapos niyang salagin ang atake ng lalaki, tumalsik siya. Isa nanamang matinding labanan ang naganap sa lugar. Noong sandaling iyon, nakahiga si James sa mga gumuhong lupa sa ibaba nila habang nanghihina. Nadagdagan ng husto ang lakas niya pagkatapos niyang gamitin ang Sacrilegious Ascension. Subalit, maihahambing lamang ang kanyang lakas sa lakas ng isang tao na nasa Sixth Stair ng Immortal Ascension. Samantala, naabot na ni Quade ang peak ng Sixth Stair ng Immortal Ascension at malapit na niyang maabot ang Seventh Stair. Kahit na parehong nasa Sixth Stair ng Immortal Ascension ang lakas nila, napakalaki ng pagitan nila.Malubhang nasugatan si James ngunit buhay pa siya. Inayos ng Demonic Lotus ang kanyang katawan, kaya hindi pa sapat ang lakas ni Quade upang mamatay siya.Noong maramdaman niya
Matindi ang naging laban ng dalawa at pareho silang sugatan. Pareho na silang pagod. Ngunit sa kabila nito, malakas pa rin sila.“Bw*sit. Nagkamali ako. Masyado akong maagang nagpakita. Dapat naghintay ako hanggang sa hindi na nila kayang lumaban.”Pinalo ni James ang kanyang noo.Nagsisi siya na kumilos siya at masyado siyang maagang nagpakita.Tumingin ang dalawa kay James ng may takot sa kanilang mga mata, lalo na ang lalaking nakaitim na balabal. Noong sandaling iyon, pinagpawisan siya ng malamig.Samantala, nag-iisip ng malalim si James.Wala siyang sama ng loob sa lalaking nakaitim na balabal. Malamang ay iiwas sa gulo ang lalaking nakaitim na balabal kung hindi siya umatake. Subalit, mayroong hidwaan sa pagitan nila ni Quade na kailangan niyang tapusin.Nagdesisyon si James na unahing patayin si Quade.Pagkatapos niyang makapagdesisyon, sinabi ni James na, “Katapusan mo na, Quade.”Umalingawngaw ang malamig na boses ni James, at lumabas mula sa katawan niya ang Demonic