Sa nakalipas na mga taon, naintindihan ni James ang katotohanan.Kailangan niyang lumakas pa kung ayaw niyang matalo.Ito ang walang hangganan na katotohanan.Iniwan niya ang Energy Pool kung saan nagcucultivate si Xavia at tumungo sa bundok sa gitna ng isla.Ito ang pinakamataas na punto at nakikita niya ang buong isla dito.“James…”Isang boses ang nagmula sa Celestial Abode. Si James lang ang nakarinig dito sa pamamaraan ng telepathy.Nagtanong si James, “Anong problema?”“May mali sa lugar na ito.”Narinig niya sa isip niya ang boses ni Sophie.Naguluhan si James at nagtanong, “Hmm? Anong kakaiba dito?”Sa oras na iyon, nakatayo si Sophie sa harap ng City Lord’s Mansion sa Celestial Abode.Sapagkat suot ni James ang Celestial Abode, nararamdaman niya ang paligid ng mansion.Matapos suriin ang paligid, nagsalita siya, “Hindi mo ba napansin? Mayroong tatlumpung tatlo na bundok sa isla. Kakaibang formation ang layout ng mga ito. Ang Energy Pool ay ang kayamanan na nasa ibabaw. Sa ting
Tumingin sa paligid si Marcello.Rumble!Habang nakatingin ang mga tao sa paligid, mabilis na gumalaw ang mga bundok Ang tatlumput tatlong mga bundok ay mabilis na umikot sa paligid ng sentro ng isla. Sa loob ng maikling panahon, nagbago ng husto ang itsura ng isla.Nagbago ang mga bundok, lupa, at paligid ng husto.Boom!Bigla, ang bundok na kinatatayuan ni James at ng iba ay bigla nagkalamat at may malakas na tunog ng pagsabog.Tumalon ang lahat sa ere.Sa oras na nasa ere na ang lahat, nahati sa dalawa ang bundok, at isang sinaunang lungsod ang matatagpuan.Isang malaking lungsod ang nakatago sa kabundukan.Maayos na nakapreserve ang lungsod. Ang mga pader ng lungsod ay gawa sa itim na mga bato at napakataas. Ang mga gusali ay itim din ay may bakas ng Demonic Energy.Lahat sila gulat na nakatitig sa lungsod.Bigla kumilos ang lungsod na tila itinaas ito ng isang bagay. Matapos iyon, ang isla ay nagsimula rin na kumilos.“Huh?” nabigla si James.Natanga ang lahat.Isang kumikilos na
Hindi natuwa si Sophie na pinuri siya ni James. Sa halip, ang sumagot siya, “Kahit na kahanga hanga ang formation para sa iyo, wala lang ito sa akin. Simpleng bagay lang ito para maloko ang mga tao.”“Kahit na, kahanga hanga ka talaga!”Humahanga talaga si James kay Sophie.Hanggang sa ngayon, hindi alam ni James ang cultivation rank ni Sophie. Ang sigurado lang siya na bagay ay makapangyarihan siya.“Huff.”Bumuntong hininga ng malalim si Sophie.“Nasa pinakamagandang panahon tayo pero ito din ang pinakamadilim na panahon. Hindi natin mahulaan kung anong mangyayari sa hinaharap.”Natahimik si Sophie matapos ito sabihin.Sa oras na ito, ang mga humabol sa Dead City ay nagbalik.Hindi lang sa hindi sila nakahabol sa Dead City, pero nawala na din ang pagkakataon nila para magcultivate sa Energy Pool.Nilisan ni Yerick at Xavia ang lugar kasama ang mga alalay nila.Samantala, sinundan ni James si Marcello at Jace palayo sa lumiliwanag na Pacific Ocean.…Sa oras na makabalik sila sa Sol,
Nagsalita si James, “Matagal na simula ng naganap ang First Calamity sa Earth. Ngunit, wala pa din providence. Gusto ko pumasok sa Celestial Abode para magsanay bago dumating ang providence para makuha ko ito.”Mahina si James kumpara sa mga powerhouse tulad nina Jace, Yerick at iba pa.Sa kasalukuyan na lakas niya, imposible makipagkumpitensiya sa kanila.Ngunit, hindi makukuha ang providence ng gamit lamang ang lakas. Kailangan din nito ng kaunting suwerte.Alam ni James na mas mahina siya kumpara sa iba kaya gusto niyang magpalakas.“Sasama ako sa iyo,” sagot ni Thea.Kahit na malakas na martial artist siya mula sa Earth, hindi siya makakapantay sa ibang mga cultivator mula sa ibang realm.Herculean na si Thea, at gamit ang Four-Quadrant Art, magagawa niyang pumatay ng mga powerhouse na nasa Immortal Ascension. Ngunit, hindi pa sapat ang lakas niya.Hindi na siya makasabay sa mga Outsider. Kaya, gusto niyang magsanay.“Sige.”Hinawakan ni James ang kamay ni Thea at sinabi, “Mag-ensa
Hindi inaasahan ni James na dadating na agad ang providence.Naglakbay si James papunta ng Bane City para magtanong tungkol sa providence na magpapakita pagkatapos ng First Calamity. Pagkatapos, balak niyang magsanay sa Time Chamber para mapalakas ang sarili niya at makipagkumpitensiya para sa providence.Hindi niya inaasahan na magpapakita ang providence pagdating niya sa Mount Bane.Sa oras na ito, ang mga liwanag ay nagmumula sa Mount Bane. Hindi lang iyon, pero hindi mabilang na dami ng mga liwanag ang nagmumula sa iba’t ibang parte ng Earth, at maraming hindi kilalang mga rehiyon na may concentrated an Empyrean Spiritual Energy ang nagpakita.Nagtanong si James, “Ms. Sophie, nandito ba ang providence? Ano ang providence na magpapakita pagkatapos ng kalamidad? Bakit naparaming mga Outsider ang gusto itong makuha?”Sa isip niya, sumagot si Sophie, “Hindi ko alam kung ano ang providence. Pero, siguradong wala itong katulad. Magpapakita ito sa loob ng ilang mga araw sapagkat nagsisimu
"Kung ganun, ano ang providence sa pagkakataong 'to?" Ang tanong ni James. Marahang umiling si Jace. Hindi niya alam kung ano ba talaga ito. Maging ang kanyang master ay walang depinidong sagot. Walang sinuman sa kalawakan ang nakakaalam kung ano ba talaga ang providence at kung ano ang Four Calamities na darating sa Earth. Nagpatuloy si Jace, “Wala akong sagot sa tanong mo. Ang tanging alam ko lang ay ang darating na providence kasabay ng Four Calamities ay may kinalaman sa pinakatatagong sikreto ng langit at lupa. May kinalaman din ito sa pag-atake ng pamilya namin sa Earth noong sinaunang panahon.”“Oh?” Naging interesado si James sa kanyang narinig.Hanggang ngayon, hindi niya alam kung bakit inatake ng Demon Race ang Earth noong sinaunang panahon at kung bakit sila nagdesisyong umalis noong malapit na nila itong masakop.Tinanong na niya kay Marcello ang tungkol dito noon, ngunit tumanggi siyang magpaliwanag.Pinakita ni James ang kanyang interes sa bagay na ito.Ma
Nanatili si James sa Bane City ng tatlong araw.Kinaumagahan, nagkaroon ng pangitain ng langit at lupa.Isang illusory gate ang nagpakita sa kalangitan sa taas ng Bane City. Sa may gate, mayroong ilang salitang nakasulat.Sa nakalipas na ilang araw, nagcultivate si James sa may courtyard. Napansin niya agad ang illusory gate noong nagpakita ito. Matagal niya itong tinitigan ngunit hindi niya mabasa ang mga salitang nakasulat dito. Ito ay mga misteryoso at sinaunang salita. Tila buhay ang mga ito at patuloy itong nagbabago. Di nagtagal, dumating si Marcello, si Jace, at ang ilan sa mga malalakas na miyembro ng Demon Race. Naglakad si James palapit kay Marcello at nagtanong, "Tingnan mo 'yun. Sumulpot ang illusory gate na 'yun at nakadugtong ito sa seal sa kalangitan. Mayroong ilang salita sa may gate. Nababasa mo ba ang mga salitang 'yun?" Bago makasagot si Marcello, sumagot si Jace, "Kaya ko 'tong basahin."Tumingin si James kay Jace at nagtanong, "Anong ibig sabihin ng m
Lumulutang sa kalangitan ang gate at nasa tabi ito ng basag na seal na nagdudugtong sa Earth sa Three Thousand Worlds.Napakalaki ng gate, na may taas na 100 metro. May isa pang hilera ng mga misteryoso at sinaunang salita ang makikita sa gate. Maging si Jace at ang mga Outsider mula sa Demon Realm ay hindi kayang basahin ang mga salita. Natatakpan ng kulay puting ulap ang likod ng gate, dahilan upang hindi makita ang nasa likod nito. Isa-isang sumulpot sa kalangitan ang mga malalakas na cultivator mula sa Three Thousand Worlds at pumasok sila sa Space-Time Portal, at naglaho sila sa paningin ng mga tao. Pumasok si Jace sa loob ng Space-Time Portal. Sumunod sa kanya ang mga tauhan niya. "Tara na, James."Tumingin si Marcello kay James. "Sige." Tumango si James. Magkasamang pumasok ang dalawa sa Space-Time Portal.Naramdaman ni James ang isang malakas na pwersang pumalibot sa kanya pagpasok niya sa Space-Time Portal. Noong sandaling iyon, nawalan siya ng kontrol sa kany