Ang Dark Keep ang pinakamisteryosong organisasyon sa Land of Tabal at tinatag ito napakaraming taon na ang nakalipas.Ang kasalukuyang master ng Dark Keep ay isa rin sa pinakamalakas na tao sa Land of Tabal.Ang pangalan niya ay Miguel Hadecus, at siya ang nakatatandang kapatid ni Saturio.Para sa kanya, kailangang mamatay si James dahil sa pagpatay niya sa nakababata niyang kapatid.Ayaw niyang mag-aksaya ng panahon sa pakikipag-usap sa isang tao na balak niyang patayin. Ang tanging gusto niya lang ay ang makuha ang kayamanan ng Targwyn family na nasa mga kamay ngayon ni James. Inunat ni Miguel ang kanyang kamay ng may malagim na ekspresyon at sinabing, “Ibigay mo sa’kin ang jade pendant, at sisiguraduhin ko na iiwan ko ng buo ang bangkay mo.”Arogante at mapagmataas ang ugali ni Miguel.Tumingin si James sa jade pendant na hawak niya. Sa pamamagitan lamang ng isipan ni James, naglaho ito at nalipat ito papasok sa Celestial Abode.“Kung gusto mo itong makuha, kailangan mo itong
Sa bulubundukin sa labas ng Liberty City, sumugod si Miguel sa harapan ni James at hinarangan ang daan niya. Tumalikod si James para tumakas, ngunit nakasunod din sa kanya si Cloyd. Pinalibutan nila siya at naharangan ang mga daan niya patakas. Sa harap ng dalawang malalakas na nilalang na ito, nanatiling kalmado si James. "Huling beses ko na tong sasabihin sa'yo, g*go ka. Ibigay mo ang treasure, at iiwan namin nang buo ang katawan mo," mapanganib na sabi ni Miguel. "Ha," tumawa si James. Pinagana niya ang Sacrilegious Ascension at lumabas ang malakas na True Energy mula sa energy reservoir niya. Ilang ilog ng True Energy ang nagsama-sama at lumakas ang aura ni James. Pagkatapos, binasag ng True Energy niya ang sarili niyang spine. Sa sandaling iyon, nagsama ang kapangyarihan ng langit at lupa para bumuo ng bagong spine. Humakbang si James paharap, sabay yumanig ang mga bundok sa paligid dahil dito. Hindi nakayanan ng mga bundok ang pwersa ng technique at nagsimula itong
Pakiramdam ni Miguel ay pinipisat siya ng pwersa at bumagsak siya mula sa langit, sabay bumagsak sa mga bato sa ibaba niya. Bumaba si James mula sa langit at dahan-dahang lumapag sa isang bato. Isang matandang lalaking nababalot ng dugo ang gumapang palabas ng mga bato sa harapan niya. Iyon ay si Miguel. Napakalakas nga ng Sacrilegious Ascension. Kaya durugin ni James ang lahat ng mga kalaban niya gamit ng kapangyarihan ng langit at lupa. Kahit na nasa Third Stair ng Immortal Ascension si Miguel, hindi niya nakayanan ang pwersa at nagtamo siya ng mga sugat. Tinitigan niya nang masama si James habang nahirapan siyang tumayo, sabay galit na sumigaw, "Bw*sit ka! Mamatay ka na!"Bigla na lang, ginamit niya ang secret art niya at lumakas ang aura niya. Nasa Third Stair siya ng Immortal Ascension pero kaya niyang puwersahing pataasin ang ranggo niya hanggang sa Fourth Stair ng Immortal Ascension. Lumakas nang matindi ang aura niya. "Mamatay ka na!" Sumigaw si Miguel nang may
"I-Isa kang demonyo?" Nanlaki ang mga mata ni Miguel at napuno ng pagkataranta ang mukha niya. Kalmadong nagsabi si James, "Hindi mahalaga kung ano ako. Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Kung hindi ka sasagot, ipaparamdam ko sa'yo ang buong lakas ng galit ko."Lumabas ang Demonic Energy mula sa itim na lotus at binalot nito si Miguel. Sobrang nataranta si Miguel. Alam niyang mamamatay siya kapag hindi siya nagsalita. Takot na takot siya. Sa harap ng kamatayan, nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay. "W-Wag mo kong patayin. Sasagutin ko ang mga tanong mo." Doon lang inatras ni James ang Demonic Lotus. Nagdududa ring tinignan ni Laelia si James. Alam niya ang tungkol sa mga demonyo mula sa mga alamat na narinig niya. Hindi niya talaga inasahang magkakaroon ng nakakatakot na Demonic Energy ang isang taong nagmula sa Earth. Gayunpaman, wala na siyang pakialam sa puntong ito. Wala siyang pakialam kung nakikipagsabwatan siya sa mga demonyo basta't maililigtas nito ang
Mabilis na umalis si Laelia kasama ng pamilya niya. Hindi sila natagalan na makalayo sa Soul Beast Mountain Range kung nasaan ang kinatatayuan ng base ng Dark Keep. Umiyak sa tuwa si Laelia pagkatapos nilang umalis sa mountain range. "Napakasaya kong ayos ka lang, Ama. Mabuti at walang nangyari sa'yo. Malupit na pinagpapatay ang buong Tabalham. Akala ko…" "Huhu…"Nang maisip niya ang lahat ng pinagdaanan niya kamakailan, nagsimulang umiyak si Laelia Isang prinsesa si Laelia na lumaki sa royalty at hindi pa siya hinabol para patayin noon. Bumuhos ang mga emosyong pinipigilan niya nang naalala niyang isa-isang sinakripisyo ng mga kasama niyang gwardya ang mga sarili nila para sa kanya. Nahiga sila sa sarili nilang dugo habang tumakas naman siya. “Laelia.”Niyakap siya ni Zoe at marahan siyang inalo, "Ang dami mong pinagdaanan." "Anong nangyayari, Laelia?" "Paano mo kami nailabas ng Dark Keep?" "Ibinigay mo ba ang jade pendant ng pamilya natin sa Dark Keep?"Pinalib
Pagkalipas ng ilang araw, nakarating sila sa Tabalham. Ang dating Tabalham na puno ng tao ay patay na. Nakatambak sa buong lungsod ang mga bangkay, dumaloy ang dugo sa mga kalsada, at umaalingasaw rito ang masangsang na amoy. Pagkatapos bumalik ni Zoe, kaagad siyang nagpadala ng mga sundalo mula sa mga malalapit na lungsod para linisin ito. Sa loob lang ng ilang araw, nalinis nang maigi ang Tabalham. Dahil maraming problemang kailangan ayusin ang Targwyn family, pansamantala silang hindi makakapaghanda ng rasyon para kay James. Sa mga oras na iyon pansamantalang nanatili si James sa kanila. Nagtagal nang kalahating buwan ang pagtira niya roon. Pagkalipas ng kalahating buwan, itinayo muli ang Tabalham at dahan-dahang bumalik ang operasyon nito. Umupo si James sa isang nag-iisang courtyard sa likod ng Imperial Palace ng Tabalham. Hinigop niya ang Empyrean Spiritual Energy at ginamit ito para magcultivate. “James.”Isang maliit na boses ang narinig mula sa labas ng pint
Tunay na interesado si James sa Burial Jade.Sapagkat binanggit ni Zoe ang bagay na ito, ipinakita ni James na interesado siya dito.Para naman sa Targwyn’s ancestral land, alam ni James na kilala ang mga Targwyn noon. Ang mga ninuno ng clan na ito noon ay ang pinakadakilang clan sa isang punto ng kasaysayan.Kaya, walang duda na ang ancestral lang ng mga Targwyn ay nasa pambihirang lokasyon.Napukaw nito ang interes ni James at naintriga siya na makita ito.Nag-alinlangan ng kaunti si Zoe matapos tanggihan ni James na ikasal siya kay Laelia.Ang jade pendant ay pamana ng pamilya niya, at hindi nila ito ibibigay kahit ang kapalit ay buong lungsod nila, kaya imposible na ibigay lang nyia ito ng ganoon na lang kay James.Kahit na iniligtas ni James ang pamilya nila, hindi payag si Zoe na ibigay ito bilang pasasalamat.Ibibigay niya lamang ito kay James kung ito ay bilang dowry.“Mr. Caden, ang jade pendant ay pamana ng mga ninuno namin at napakalaki ng sentimental value nito sa aming pam
Tumalikod si Laelia at umalis.Nagcultivate ng buong araw si James sa hardin.Hindi nagtagal, dumating ang gabi.Nakaupo si James sa hardin at tinitigan ang kalangitan habang tulala.Habang nakatingin sa kalangitan na puno ng bituin, nanliit siya.Hindi niya alam kung anong nasa kabilang panig ng kalangitan o kung gaano karaming mga lihim ang itinatago nito.May limitasyon ba ang kalangitan?Habang iniisip ito, lumipas ang gabi.Kinabukasan, nagpakita si Laelia sa hardin.Nakasuot siya ng magarang damit, maganda pa din at may dating na marangal.“James.”Tinawag niya si James gamit ang maganda niyang boses.Tumango si James at sumagot, “Mhm.”“Umalis na tayo. Isasama kita sa ancestral land.”“Sige.”Interesado si James sa ancestral land ng Targwyn at napapaisip kung may iniwan na pamana talaga ang makapangyarihan na ninuno ng Targwyn.Naglakad palabas ng palasyon ang dalawa.Naupo ang dalawa sa karwahe na nakakabit sa lumilipad na nilalang. Matapos sumakay sa karwahe, nagsimulang lumip