Tumalikod si Laelia at umalis.Nagcultivate ng buong araw si James sa hardin.Hindi nagtagal, dumating ang gabi.Nakaupo si James sa hardin at tinitigan ang kalangitan habang tulala.Habang nakatingin sa kalangitan na puno ng bituin, nanliit siya.Hindi niya alam kung anong nasa kabilang panig ng kalangitan o kung gaano karaming mga lihim ang itinatago nito.May limitasyon ba ang kalangitan?Habang iniisip ito, lumipas ang gabi.Kinabukasan, nagpakita si Laelia sa hardin.Nakasuot siya ng magarang damit, maganda pa din at may dating na marangal.“James.”Tinawag niya si James gamit ang maganda niyang boses.Tumango si James at sumagot, “Mhm.”“Umalis na tayo. Isasama kita sa ancestral land.”“Sige.”Interesado si James sa ancestral land ng Targwyn at napapaisip kung may iniwan na pamana talaga ang makapangyarihan na ninuno ng Targwyn.Naglakad palabas ng palasyon ang dalawa.Naupo ang dalawa sa karwahe na nakakabit sa lumilipad na nilalang. Matapos sumakay sa karwahe, nagsimulang lumip
Si James ang unang tagalabas na makakabisita sa ancestral land ng Targwyn simula noong unang panahon.Isang libong taon lang ang nakararaang ng lumipat sa labas ang mga Targwyn. Bago ito, naninirahan sila sa kanilang ancestral land kung saan nakatago sila sa mula sa mundo sa labas.Lumapit ang karwahe ng halimaw sa bagyo. Kahit na malayo pa sila, bumilis ang tibok ng puso ni James dahil sa bagyo.Lumabas ng karwahe si Laelia at tinignan ang bagyo sa dagat. Kinagat niya ang daliri niya at tumulo ang dugo.Inilapit niya ang dugong tumulo palapit sa bagyo.Sa oras na ito, isang kakaibang pangyayari ang naganap.Hinigop ng bagyo ang dugo at bigla tumigil ang malalakas na hangin at nagkaroon sila ng daan papasok.“Tuloy lang.”Inutusan ni Laelia ang karwahe ng nilalang na pumasok sa bagyo.Matapos pumasok sa bagyo, pumasok sila sa isang rehiyon na puro fog. Mahirap makita ang malayo sa harapan nila.Nagtanong si Laelia, “Nakikita mo ba ang makapal na fog na ito, James?”Tumango si James at
Matapos makarating sa village, nagpaliwanag si Laelia, “Libong taon na ang nakararaan, dito nanirahan ang mga ninuno namin.”Tumango si James ng kaunti at sinabi, “Mhm. Mukhang pangkaraniwan ang isla sa unang tingin, pero may mga kakaibang bagay dito. Malinaw na iniwan ito ng isang makapangyarihang tao. Ngunit, iniwan ba talaga niya ang pamana niya dito?”Umiling-iling si Laelia at sinabi, “Hindi ako sigurado doon. Base sa tradisyon na ipinapasa ng pamilya namin, nag-iwan siya ng pamana para sa susunod na henerasyon ng pamilya namin. Maaari kami bumalik sa isla para subukan na hanapin ito. Ngunit, walang nakahanap sa mga miyembro ng pamilya namin kahit na isa mula noon hanggang sa ngayon.”“Ganoon ba?”Kinuwestiyon siya ni James, “Ito ang ancestral land ng pamilya ninyo. Dito nanirahan ang mga ninuno niyo sa isla kaya dapat alam nila kung saan dapat maghanap, tama?”Tumango si Laelia at sinabi, “Mukhang pangkaraniwan ang ancestral land namin kumpara sa ibang isla. Ang kakaiba lang dito
Ang taong ito ay ang pinakamataas na awtoridad sa Targwyn family ay si Sylvester.Siya ang nag-iisang tao na maaaring makasagot kung may kinalaman ang jade pendant sa seal.Umiling-iling is Sylvester at sinabi, “Hindi rin ako sigurado. Pira piraso ang kasaysayan natin. Ang alam ko lang na ang jade pendant ng pamilya ay isang one-of-a-kind at may malaking lihim na nakatago dito.”Kahit si Sylvester hindi alam ang sikreto nito.“Sige.”Bigo si Laelia, pero hindi na siya nagtanong pa. Pinalitan niya ang pinaguusapan nila at sinabi, “Sir Sylvester, isama na muna natin si James sa grotto.”“Yuliana, isama mo sila doon.”Inutusan ni Sylvester ang babae sa tabi niya.Bata pa siya, mukhang nasa 17 o 18 anyos. Simple ang suot niya at nakasuot ng bughaw na dress. Kahit na mukhang pangkaraniwan siya na tao, maganda siya.“Opo, Lolo.”Tinignan ni Yuliana si Laelia at James at sinabi, “Dito po.”Isinama niya ang dalawa sa likod ng village.Sa likod ng village ay kabundukan.Puno ng mga ugat ang daa
Sa tulong ng dalawang babae, maaari siyang makakuha ng isang kapakipakinabang na bagay mula sa grotto.Tinignan niya si Laelia at nagtanong, “Paano kaya kung maghiwalay tayo?”Sapagkat nasa ancestral land siya ng mga Targwyn, hindi niya gusto manatili sa tabi ni Laelia. Kung mahahanap niya ang pamana ng pamilya, siguradong magagalit ang mga ito sa kanya. Kahit na hindi siya takot dito, gusto niya ito na iwasan.“Sige.” Tumango si Laelia.Matapos ito, nagpatuloy si James sa isa sa mga lagusan.Naglakad si Laelia papunta sa kabilang direksyon.Nakita ni James na maraming lagusan habang palalim ng palalim ang paglakad niya sa loob ng grotto. Hindi siya sigurado kung saan siya pupunta.“Nova, Nova…!”Matapos humiwalay kay Laelia, tinawag niya ang Spirit Tool ng Celestial Abode.Hindi nagtagal, isang boses ang sumagot sa isip niya, “Ano po iyon, Master?”Nagsalita si James, “Nakarating ako sa ancestral land ng Targwyn. Kakaiba ang lugar na ito. Natutunan ko na may pamana na iniwan ang isang
Ipinaliwanag ni Sophie na hindi niya maaaring tulungan ng direkta si James para patayin ang mga kalaban niya. Sapagkat mataas ang rank niya, ang bawat kilos na gagawin niya ay may kaakibat na masamang epekto.Lahat ng gagawin niya ay magreresulta ng chain reaction. Ang Karma na dala ng mga kilos niya ay matindi at maaaring hindi niya ito kayanin.Interesado si James sa bagay na ito.Ngunit, hindi na nagpaliwanag pa si Sophie. Sinabi na lang niya na marami pa siyang pagkukulang sa maraming mga bagay, kaya, hindi pa niya ito kailangan malaman.Walang magawa si James kung hindi sumuko.Tinignan niya si Sophie na nakasuot ng puti na dress at nagtanong, “Ms. Sophie, ano ang kasalukuyan mo na rank? Gaano ka kalakas?”Ngumiti lang si Sophie at hindi sinagot ang tanong ni James.“Anong ibig mo sabihin?” napasimangot si James.Sumagot si Sophie, “Ilang beses ko na sinabi sa iyo. Hindi mo kailangan maintindihan ang mga bagay na ito ngayon. Kapag lumakas ka pa, maiintindihan mo din ang lahat.”Pa
Sumunod si James sa likod niya.Maluwag ang loob ng bato na bahay at maliwanag.Sa loob ng bahay, may kakaibang formation. Hindi ito maintindihan ni James pero nakakita siya ng hindi mabilang na dami ng mga simbolo na magkakasama at lumikha sa isang kakaibang pattern.Sa gitna ng formation na ito ay isang itlog.Malaki ang itlog, isang metro ang lapad. Kulay lila ang eggshell, at may misteryosong mga lila na karakter ang gumagapan sa eggshell.Sa oras na lumapit siya sa bato na bahay, nakaramdam ng malakas na puwersa si James. Noong nakita niya ang itlog, pakiramdam niya may nakasalubong siya na malaking halimaw. Sa oras na ito, pakiramdam niya wala siyang kuwenta.Nagtanong si James habang napapaisip, “A-Ano ito?”Tinitigan ito ni Sophie ng matagal. Unti-unti naging malungkot ang itsura niya at huminga siya ng malalim. “Haah!”“Anong problema?” tanong ni James.Inayos niya ang sarili niya at sinabi, “Hindi ko inaasahan na may makikita akong napakagandang bagay sa loob ng grotto.”“Nap
Natunaw ang dugo ni James sa eggshell at naabsorb ito, naglaho ng walang bakas.Sa oras na ito, isang makapangyarihan na enerhiya ang nagmula sa eggshell at mabilis na hinigop ang dugo ni James. Maraming dugo ang nawala kay James sa loob ng maikling panahon, at namutla siya.Mukha siyang hihimatayin na at gusto na bawiin ang kamay niya.Ngunit, malakas ang puwersang nagmumula sa eggshell at hindi niya mabawi ang kamay niya.Unti-unti siyang nahilo.Noong hihimatayin na siya, bigla naglaho ang puwersa, at napahiga siya sa sahig. Wala siyang lakas na bumangon.Inipon niya ang True Energery niya.Pumasok at dumaloy ang True Energy sa katawan niya, at ginamit niya ang mabilis na paghilom sa dugo niya.Nahirapan si James bumangon, pagkatapos naupo siya ng lotus position at tinitigan ang eggshell.Sa harap ng mga mata niya, nagsimula kuminang ng lila ang itlog.Crack!Habang tulala, narinig ni James ang tunog ng unti-unting pagkapisa.Makikita ang mga lamat sa eggshell at kulay lila na liwan