Alam ng tagapag-alaga na kung mas malaki ang potensyal ng isang tao, mas magiging kakila-kilabot ang isa sa hinaharap pagkatapos na mahawa sa dugo ng Apat na Banal na Hayop. Gusto niya talagang patayin si Thea. Ngunit, si Thea ay isa sa mga martial artist na nagtataglay ng pinakamalaking potensyal. Magiging kawalan lamang ng sangkatauhan kung siya ay papatayin."Dahil mahina pa rin ang kanyang Demonic Energy, may mga paraan pa rin para harapin ito," bulong niya. Sa labas, parang baliw na paulit-ulit na nilalaslas ni James ang pinto. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto, at lumabas ang isang babaeng nakasuot ng puting damit. Sa sandaling lumitaw siya, isang alon ng Sword Energy ang tumama sa kanya. Ngunit, ang nakakatakot na Sword Energy ay agad na nawala nang makipag-ugnayan sa kanya. Walang epekto sa kanya ang Sword Energy ni James. Napatingin siya kay James at sa Omniscient Deity na nakatayo sa labas. "Sino ka?" Sumigaw si James, “Wala akong pakialam kung sino ka. Paka
Naisip ito ng tagapag-alaga at sinabing, "Kung ganoon, sumunod ka sa akin." Siya ay tumalikod at pumasok sa pintuan, habang ang Omniscient Deity at James ay sumunod malapit sa likuran.Bagama't nakakulong pa rin si Thea sa cage, kumalma ang dugo sa kanyang katawan. Nang makita niya si James pagkatapos ng malay, sumigaw siya, "Darling!" Gusto niyang pumunta sa tabi nito. Ngunit, sa sandaling siya ay lumapit sa hawla, siya ay walang kamalay-malay na sumuray-suray na paatras na parang nabugbog ng isang kidlat. “Ako’y…” Sumulyap si James kay Thea bago tumingin sa babae na nagmamakaawa, sinabing, “Pwede mo bang palayain ang asawa ko?” Ikinumpas ng babae ang kanyang braso, at malakas na enerhiya ang natipon sa kanyang palad. Pagkatapos, sa isang iglap, ang cage ay nawala nang walang bakas. Napatulala si James. Anong sorcery ito? Lumapit si Thea kay James, na hinawakan siya sa kamay. Tumingin si James sa babae at tinanong, "Kailangan ba talaga niyang manatili dito?" Malungko
Tumungo si Thea sa bluestone at tumayo sa harap ng bagay. Pagkatapos, lumingon siya at nagtanong, "Ididikit ko na lang ba ang mga palad ko sa ibabaw ng bato?"Bahagyang tumango ang custodian. Nang makita ito, itinaas ni Thea ang kanyang mga kamay at idiniin ang kanyang mga palad sa bato.Sa sandaling iyon, naramdaman niya ang isang kapangyarihan na nagmumula sa loob ng bato, na kumalat mula ulo hanggang paa. Naramdaman niya ang mainit at nakakaaliw na agos na dumadaloy sa buong katawan niya. Pagkatapos, kumislap ang mga misteryosong simbolo sa bluestone. Crack! Sa sandaling iyon, lumitaw ang isang siwang sa lupa, na unti-unting lumaki. Pagkatapos, lumitaw ang isang daanan sa ilalim ng lupa. “Congratulations.” Tuwang-tuwang sinabi ng babae, “Ikaw ay kinilala at nabigyan ng access sa Chamber of Scriptures. Sa sandaling makapasok ka sa daanan, makakakuha ka ng isang lihim na Supernatural na sining na tumutugma sa iyong lakas." Sinulyapan ni Thea ang underground passage at wala
"Anong nangyari, Darling?" Sa sandaling lumitaw siya, dumating ang boses ni Thea.Habang masaya, sinabi ni James, “Nakakamangha ang nagawa ko. Ikaw?” Ngumiti si Thea at sinabing, "Ako rin." “Sige.” Lumapit sa kanila ang tagapag-alaga at tumingin kay James at sa Omniscient Deity, na nagsasabing, “Ngayong may nakuha na kayo, umalis kaagad. Huwag kang bumalik dito bago pa matanggal ang selyo.” "Tara na, Thea." Hinawakan ni James ang braso ni Thea at tumalikod na para umalis. "Hindi siya maaaring umalis." Sabi ng custodian habang nakaharang sa dinadaanan niya. Huminto si Thea sa kanyang paglalakad at tumingin kay James, sinabing, “Dapat kang bumalik, Darling. Mananatili ako at lilinisin ang aking Demonic Energy." “Pero…” Nag-atubili si James na makipaghiwalay sa kanya. Aabutin ng ilang taon bago sila muling magsama. Nakangiting sabi ni Thea, “Huwag mag-alala, ilang taon lang naman. Kapag nalinis ko na ang Demonic Energy ko, babalik ako para sa iyo." Tapos, naging mal
Hindi nagtagal, nilisan ni James ang Mount Tai. Pero, hindi siya dumiretso sa Dragonville agad bagkus, tumungo siya sa Cansington. Sapagkat nangako siya kay Thea na titignan niya si Winnie.Pitong buwang gulang na si Winnie. Umalis si James bago pa siya maging isang buwan. Simula noon, hindi pa niya nabibisita si Winnie. Nahihiya siya dito at naniniwala na hindi siya mabuting ama.Sa mga Callahan sa Cansington…Sa pagdating ni James, natuwa ang mga Callahan.Nagdiwang si Lex, “Ipatawag ang mga prominenteng mga tao sa Sol. Gusto ko icelebrate ang pagbabalik ni James!”Hindi na sikreto sa Sol ang mga ginagawa ni James sa Southern Plains at ang pagiging independent ng Dragonville. Matapos ito marinig, ipinagyabang siya ng mga Callahan. Simula noon, iprinoklama nila ang sarili nila bilang royal family ng Dragonville.Sa hardin ng mga Callahan, niyakap ng mahigpit ni James si Winnie. Mataba ang mukha niya, at malinaw ang mga mata. Masunurin siya at naupo lamang sa yakap ni James at hindi na
Matapos ang maiksing pag-uusap, inimbitahan si James na manatili sa hardin.Pagkatapos, matiyagang naghintay si James.Hindi nagtagal, lumipas ang limang araw, at nagawa na ang damit ni James.Isa itong jacket na gawa sa quartz steel.Habang nakatingin sa jacket, napangiti si James habang isinusuot ang damit.“Maraming salamat, Waylon.”Hindi siya nanatili ng matagal. Matapos isuot ang damit, nagpaalam siya kay Waylon at mabilis na umalis.Matapos niya umalis, nakahinga ng maluwag si Waylon.Pagkatapos, tumungo siya sa underground cavern sa bundok sa likod ng Divine Sword Villa.May espada doon. Kahit na kamukha ng espadang ito ang Primordial Dragon Blade, nagtataglay ito ng maitim na aura.. Ang espadang ito ay nilikha gamit ang buto ng dragon at iba pa na kakaibang mga materyal.Ang tawag dito ay Doomsday. Sapagkat masama ang espadang ito, walang may kakayahan na gamitin ito.Habang nakatingin sa Doomsday, bumulong siya, “Kung alam ko lang na masamang espada ito, hindi ko na ito sana
Sapagkat gawa ang Doomsday gamit ang buto ng dragon, halos hindi ito masisira. Ang espadang ito ay Demonic Sword din. Kahit si Waylon hindi ito magamit ng tama. Sa tuwing hinahawakan niya ang Doomsday, nakakaramdam siya ng kagustuhan na pumatay.Ngayon, nasa mga kamay na ni Maxine ang espada.“Kamatayan!”Sumigaw siya habang baluktot ang mukha niya. Isa lang ang nasa isip ni Maxine—ang pumatay. Sapagkat hindi niya kayang mapasakanya ang gusto niya, wawasakin na lang niya ang lahat.“Maxine, masama ang espadang ito. Bitiwan mo ito ngayon din!” sigaw ni Waylon.Ngunit, hindi siya binigyan pansin ni Maxine. Habang hawak ang Doomsday, naglaho siya ng parang bula.Samantala, sumakay si James sa eroplano patungo ng Dragonville. Nagrequest siya sa Divine Sword Villa na lumikha ng damit na may bigat na 300 kilograms para sanayin ang pisikal na abilidad niya.Ang Novenary Golden Body Siddhi ay cultivation method para sa pisikal na katawan. Para magkaroon ng katawan na hindi nasisira, kailangan
“Naabsorb ko na ng husto ang Phoenix Essence. Ngayon, ang misteryosong lila na berry na lang ang natitira. Magagawa kong abutin ang Supernatula level kapag inabsorb ko ito. Ngunit, hindi pa tugma ang pisikal na lakas ko dito,” bulong ni James.Ang pisikal na kakayahan niya ay malayo pa sa realm niya.Tumayo siya at sinuntok ang hangin gamit ang kamao niya. Walang True Energy ang suntok na ito at purong lakas lang ng mga muscle niya, pero matinding lakas ang dumaan sa ere at yumanig sa bundok sa malayo.“Ang pisikal na lakas ko ay marahil nasa lebel ng lakas kung saan nakawala ako sa unang kadena. Ito ay noong ginamit ko ito kasabay ng lakas ng mga muscle ko.”Sinukat ni James ang lakas niya.“Ang Novenary Golden Body Siddhi ay hinahayaan ang isang tao na mabuhay matapos dumaan sa matinding mga pagsubok. Sa tuwing nanganganib ang buhay ko, ito ang perpektong oras para icultivate ito. Kailangan ko makipaglaban.”Nakawala na si James sa ikatlong kadena, pero naniniwala pa din siya na mahi