"Hindi galing sa daigdig?" Nagulat ulit si James. "Ang totoo, galing sila sa daigdig. Medyo." Natulala si James. 'Anong ibig sabihin ng isang taong hindi galing sa daigdig pero medyo ganun na nga?' "Ang guro ko ay mula sa Sealed Realm." Dahan-dahang nagsimulang magsalita ang Omniscient Deity at nagbanggit ng isang sikreto. Huminga nang malalim si James para pilitin ang sariling manatiling kalmado at nagtanong, "Ano ang Sealed Realm?" Sabi ng Omniscient Deity, "Wala rin akong masyadong alam tungkol dito. Noon, sinabi sa'kin ng guro ko na ang Sealed Realm, sa katotohanan, ay nasa Daigdig. Gayunpaman, isinara ang espasyo nito at hindi tayo makakapasok. Nang paalis ang guro ko, sinabi nilang pagkatapos ng halos isang libong taon, mapapakawalan ang Sealed Realm."Kapag nasira ang seal, magagawang lumitaw ng martial artists mula sa Sealed Realm sa mundong ito. Sa panahong iyon, makakaranas ng daigdig ng nakakagulat at malalaking pagbabago. At sa kung ano naman ang magiging kalab
Binisita ni James ang Omniscient Deity upang makakuha ng impormasyon tungkol sa Void Sect. Hindi niya inasahan na ibubunyag ng Omniscient Deity ang mga lihim na ito sa kanya. Ang pagbalik ng Spiritual Energy, ang malaking pagbabago sa mundo… ang lahat ng ito ay higit pa sa inaasahan niya. Subalit, ngayong naabot na niya ang ninth rank at mayroon na siyang Empyrean Spiritual Energy, nagawa niyang tanggapin ang mga ito. Maging ang mga nilalang na gaya ng mga dragon ay nakita na niya. Ano pa bang hindi niya kayang tanggapin? Nagpatuloy ang Omniscient Deity, "Ang apat na mga seal. Sa nakalipas na mga taon, nakolekta ko ang tatlo sa mga ito. Isang seal na lang ang kulang."Pagkatapos niya itong sabihin, nilabas niya ang tatlong seal at binigay niya ito kay James.Nagulat si James at sinabing, “Bakit mo binibigay ang mga ‘to sa’kin?”“Kunin mo ang mga ito.”“Sige.”Kinuha ni James mga ito at sinuri niya ito sa kanyang mga kamay. Tatlong seal, na may tatlong magkakaibang kula
Pinag-usapan nila kung ano ang kailangang gawin ngayon."Kung natagalan ka pa sa pag-abot sa ninth rank, baka kailanganin ko pang humanap ng paraan upang nakawin ang seal mula sa Prince of Orchid Mountain at buksan ang seal. Pagkatapos mabuksan ang seal, madali kong masasakop ang Sol at masisiguro ko ang kaligtasan ng mga Solean. "Ngayong naabot mo na ang ninth rank, hindi natin kailangang magmadali na buksan ang seal. Aayusin muna natin ang Sol.""Sige. Naiintindihan ko."Tumango si James. Hindi niya iniisip na nagbibiro ang Omniscient Deity. Base sa maliit na misteryosong halaman na nakuha niya, halos sigurado na siya na totoo ang sinasabi ng Omniscient Deity. "Mga banyaga, mga mababangis na nilalang, isang panibagong mundo…" Ang sabi ni James. Sa kasalukuyan, medyp nasasabik din siya tungkol dito. Inaabangan niya ang pagbubukas ng seal at ang pakikipaglaban sa malalakas na mga martial artist. Gayunpaman, si Thea pa rin ang pinakamahalaga sa ngayon. Kailangan niya muna
"Sa wakas nandito ka na, James."Si Callan ang unang lumapit sa kanya. Binati niya siya at tinanong, "Oo nga pala. Nagpunta ka sa Mount Jade upang tanungin ang Omniscient Deity tungkol sa pinagmulan ng Void Sect. May nakuha ka bang kasagutan?" Naging seryoso ang ekspresyon ni James. Totoong nakakuha siya ng mga sagot. Subalit, masyadong komplikado ang pinagmulan ng Void Sect. Kapag binunyag niya ito, siguradong magdudulot ito ng kaguluhan. Kung hindi, hindi sana ililihim ng Omniscient Deity ang tungkol dito sa loob ng napakatagal na panahon. "May mga bagay akong nalaman tungkol dito, pero hindi pa ako sigurado kung totoo ito.""Ano ang pinagmulan nila?" Naging interesado si Callan. Tumingin ang lahat kay James. Ang nakangiting sinabi ni James, "Yung totoo, wala namang espesyal sa kanila. Isa lang silang sect na nanatiling nakatago sa loob ng maraming taon. Dalawang libong taon na silang nabubuhay at nanatili lamang silang tahimik. Pagkatapos mapatay ang dragon at maraming m
"Masusunod."Tumalikod ang disipulo at umalis. Di-kalaunan ay sinabi ni Kaj na, "Sir, si James lang ang tanging tao na nakatalo sa isang disipulo ng Void Sect. Bago natin hanapin ang apat na seal, dapat makontrol muna natin ang Earth. Kailangan nating bumuo ng reputasyon natin. Dinala ko ang asawa ni James sa Mount Bane upang mapilitan si James na magpakita. Hindi nila tayo gagalangin at susundin hangga't hindi natin natatalo si James at ang bawat isang martial artist sa Earth.""Mhm." Tumango ang elder at sinabing, "May tiwala ako sa kakayahan mo. Bibigyan kita ng sampung taon. Hanapin mo ang apat na mga seal. Kasabay nito, sakupin mo ang buong Earth. Kapag napagbuklod mo na ng tuluyan ang Earth, iyon na ang oras upang buksan ang seal.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumayo siya. Mayroong bahid ng kasakiman sa kanyang ekspresyon.“Magiging pagmamay-ari na ng Void Sect ang mundo.“Ang taong magbubukas sa seal ay makakamit ang biyaya ng mundo at isang magandang pagkakataon. Kaj,
Gusto ni James na bumalik si Thea sa Cansington dahil masyadong mapanganib dito. Subalit, ayaw bumalik ni Thea. "Hihintayin kita, Mahal. Kapag natalo mo ang mga tao mula sa Void Sect, babalik ako sa Cansington kasama ka."Pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito, nagdesisyon si James na hindi na paalisin si Thea dahil nandito naman siya upang bantayan si Thea. "Sige."Kasunod nito, naghintay si James doon ng ilang araw. Di-nagtagal, dumating na ang araw ng laban. Gaya ng napagkasunduan, gaganapin ngayong araw ang laban sa pagitan ni James at ng Void Sect. Magbubukang liwayway na. Nakaupo si James sa isang lotus position sa tuktok ng Mount Bane. Hinihigop niya ang Empyrean Spiritual Energy at ginagawa niya itong True Energy niya. Nitong mga nakaraang ilang araw, mas marami pang mga martial artist ang dumating sa Mount Bane. Ang kabuuang bilang ng mga tao, bata at matanda, ay nasa halos sampung libo. Ang sampung libong taong ito ang haligi ng kasalukuyang ancient m
Sumimangot si James pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Kaj. Akala niya ay isa lamang itong ordinaryong dwelo kung saan pagdedesisyunan nila kung sino ang panalo. Hindi niya inasahan na isa itong laban hanggang kamatayan.Lumutang sa ere si Kaj, at sumayaw sa hangin ang mahaba at kulay pilak niyang buhok. Isa siyang gwapong lalaki na may napakagandang mukha. Mayroong nang-iinis na ngisi sa kanyang mukha. Natalo ni James si Damian, at nagdulot ito ng kahihiyan sa Void Sect. Nagmula ang Void Sect sa Sealed Realm. Maging sa loob ng Sealed Realm, tinuturing silang isang makapangyarihang sect at taglay nila ang lakas na maikukumpara sa isang divine site. Para sa kanila, ang Earth ay isa lamang tuyong lugar na walang Spiritual Energy. Ang katotohanan na natalo ang isang disipulo ng Void Sect sa isang martial artist na mula sa Earth ay magiging dahilan upang pagtawanan sila ng iba pang mga divine site sa Sealed Realm. Ito ang dahilan kung bakit determinado si Kaj na t
Napakabilis ng atake ni James. Hindi kalabisan na sabihin na kasing bilis ito ng kidlat. Bago bumagsak ang espada, umikot ang alikabok sa paanan ni Kaj. Agad na nawasak ng enerhiya niya ang mga bato na tinatapakan niya. Mahinahon pa rin si Kaj. Noong tatarak na ang espada sa kanyang ulo, sumipa siya pataas, na sinundan ng isang gintong liwanag. Noong sandaling sumipa siya, isang napakalakas na enerhiya ang nabuo. Sumalpok ang kanyang True Energy sa espada ni James. Boom!Isang pagsabog ang naganap sa lugar. Kumalat ang enerhiya gaya ng mga alon sa tubig at winasak nito ang lahat ng madaanan nito. Nadurog ang mga bato, at sumabog ang mga puno pagkatapos itong tamaan ng malakas na pwersa ng pagsabog. Nakakagulat ang pagkawasak na dinulot nito. Nagulat si James. Naramdaman niya ang nakakatakot na pwersa na papunta sa direksyon niya at namanhid ang mga braso niya sa lakas nito, at halos mabitawan niya ang kanyang espada. Pagkatapos nilang magpalitan ng atake, nauna