Lumikha ng matinding pagsabog ang makapangyarihang atake na naging sapat para madistort ang space sa paligid nila at pakiramdam nila nasa ibang dimension sila.Sa oras na ito, patuloy na umatake ang iba.Nagpakawala sila ng mga Sword Energy sa cyan dragon mula sa malayo.Patuloy na nabakbak ang kaliskis ng dragon, at naexpose ang mapulang laman nito.Kahit na napinsalaan, malakas pa din ang dragon, at lalong lumakas ang aura nito.Patuloy ito sa pag atake at pagsugod sa mga martial artist.Matapos hindi tumama ang isang atake, pinuntirya ng dragon ang isang psychic at sumugod sa kanya.Alam niyang hindi siya makakaiwas agad, ginamit ng psychic ang isang puti na halo para protektahan ang sarili niya. Balak niya na gamitin ang psychic power para labanan ang atake ng dragon.Lumipad sa kanya ang cyan dragon, humampas gamit ang kuko nito at hinawakan ang psychic.Crack!Nabasag agad ang protective shield ng psychic.Namutla siya at nanlaki ang mgam ata siya, Sumigaw siya, “Kapitan, iligtas
Ang daan-daang mga Sword Energy ay sumugod sa dragon dala ang matinding puwersa.Napasingkit ang mga mata ni Sky sa nakita niya.Nabigla siya sa Sword Storm ni Thomas. Habang batid ang gulat sa mga mata niya, bumulong siya, “Anong klaseng sword technique iyon?”Ang lahat ay umatras.Bzzt! Bzzt! Bzzt!Malakas na sizzling sound ang tunog ng mga Sword Energy sa ere habang pabagsak.Rumble!Tinamaan ng mga Sword Energy ang cyan dragon at sumabog, na naging dahilan para tumalsik ang mga kaliskis nito at dumugo ang katawan ng dragon.Bumagksan ang katawan ng dragon sa bundok.Nasira ang bundok at gumuho sa dagat kasama ang katawan ng dragon.Bigla, sunod sunod na pag angat ng tubig ang makikita mula sa dagat.Biglang lumipad muli ang dragon. Galit na galit ito at namumula ang mga mata. Habang kumikinang ang katawan nito, hinampas nito si Thomas at ilang mga cyan light na liwanag ang sumugod kay Thomas.Itinaas ni Thomas ang Malignant Sword para kontrahin ito.Pero, mas malakas ang dragon sa
Hindi nagtagal, kumalma ang kumukulo niyang dugo.Sa malayo, kita ang labanan ng mga martial artist at cyan dragon.Gumuho na ang makipot na daan sa dagat.Ang kabundukan ay gumuho na din. Kung magpapatuloy ang laban, guguho ang buong isla at lulubog sa ilalim ng dagat.Lahat ng kabilang sa labanan ay sugatan at kabilang ang dragon.Sunod-sunod ang pagsabog sa paligid.Malakas na mga alon ang patuloy na rumaragasa.Isang lalake ang nakatayo sa malayong bundok.Ito ang Prince of Orchid Mountain na palihim na sumama.Nakisalamuha si Langston sa mga tao sa cruise ship, ng hindi nalalaman ng mga martial artist.“Sa tingin ko hindi ito gagana. Kahit na may pinsala na ang dragon, hindi basta basta susuko ang halimaw na ito na may taglay na matinding lakas. Kung magpapatuloy ito, mamamatay ang lahat, “ bulong ni Langston.Alam niyang naghanda si Thea ng mga high-tech na armas.Pero, pupuntiryahin ng dragon ang cruise ship kapag lumapit ito.Maliit lang ang cruise ship at siguradong masisira i
Alam ni James ang tungkol sa Omniscient Deity at sa Prince of Orchid Mountain.Ibinigay ng Omniscient Deity kay Thea ang dugo ng Qilin, at ibinigay ng Prince of Orchid Mountain ang dugo ng phoenix.Sapat na ito para malaman ni James na pareho silang mga imortal na at least isang libong taon ng nabubuhay. Dagdag pa ang imortal ng Blood Race, maraming mga imortal na ang nagpakita dito.Ang mga imortal na ito ay mga ninth-ranked grandmasters. Hindi sigurado si James sa nakamaskara na nagpakita kanina.Pinanood niya ang labanan sa malayo.Sumali si Langston sa labanan. Ang Primordial Dragon Blade na nasa kamay niya ay mala alamat na espada. Nagpakita siya sa harap ng cyan dragon at agad na umatake ng mabilis.Bumaon ang Primordial Dragon Blade sa katawan ng dragon.Splash!Agad na tumalsik ang dugo nito. Nagwala ang cyan dragon.Sumigaw ito, at isang nakakatakot na enerhiya ang nagmula sa katawan nito, at napilit niyang ilabas ang Primordial Dragon Blade na nakabaon sa kanya.Kahit ang ma
Sa oras na nagpakita si James sa ibabaw ng tubig, nagpakita sa harap niya si Sky. Sa oras na ito, magulo ang buhok ni Sky, at puro siya pinsala habang tumutulo ang dugo sa mga labi niya.Tinignan niya si James at nagtanong, “Nasaan si Thomas?”Umiling-iling si James at bumuntong hininga, “Huli na ako. Lumubog na si Lolo sa ilalim ng dagat. Isang pating nagpakita at nilunok siya.”Nabigla si Sky at nagsalita, “ Condolence.”Matapos itong sabihin, umalis si Sky at sumali muli sa labanan.Sa kalangitan, nagpatuloy ang matinding labanan.Kahit na matindi ang pinsala ng dragon, malakas pa din ito. Kahit na maraming malalakas na martial artist ang sumali sa labanan, magiging mahirap ang pagpaslang sa dragon, kahit sa tulong ni Langston. Kung hindi sumali si Langston, ibang iba ang magiging takbo ng labanan.Marahil kanina pa sila natalo kung hindi sumali si Langston.Pinanood ni Wilbur ang labanan mula sa malayo.Habang nakikita ang matinding labanan, kumulo ang dugo niya at nabuhay ang kag
Namatay nang ganun-ganun na lang ang isang eighth-ranked grandmaster. Sa wakas ay napagtanto na ni James ang kasamaan ng labang ito. Buhay na buhay pa rin ang dragon. Mas maraming tao ang mamamatay kapag mas tumagal ang laban. Hindi masyadong pinansin ni James ang laban sa malayo. Wala siyang kinalaman sa buhay at pagkamatay ng mga taong ito. Sa halip, umaasa siyang mamatay ang mga taong ito rito para wala nang magbibigay sa kanya ng problema sa hinaharap. Sa wakas ay magiging payapa na ang mundo. Tumingin siya kay Thea. Nasugatan si Thea ng dragon at may matitinding sugat sa buong katawan niya pati sa loob. Buti na lang, bihasa na siya sa paggamit ng Crucifier at kaya niyang tulungang pagalingin ng mga sugat sa loob ng katawan ni Thea. May ilang sugat na lang ang natitira. Sa lakas ni Thea, hindi hadlang ang mga panlabas na sugat na iyon. "Thea, wag kang sumugod pabalik sa laban. Pabalikin mo muna ang lakas mo. Ayon sa estimasyon ko, hindi pa mamamatay ang drago
Mabilis na sumugod si James at sinalo ang martial artist na tumilapon. Dinala siya ni James sa isang ligtas na lugar, nilapag siya, at nagtanong, "Senior Cabral, ayos ka lang ba?" Magulo ang buhok ni Simon, at may madugong sugat sa braso niya kung saan tumutulo ang dugo. Maputla ang mukha niya nang sumagot siya. "Bw*sit, ang hirap patayin ng h*yop na yun." Pagkatapos niyang sabihin iyon, naghanda siyang sumali ulit sa laban hawak ang espada niya. Mabilis siyang hinila ni James at nagsabing, "Gamutin mo muna ang mga sugat mo." "Tama ka." Napagtanto ni Simon na mamamatay na ang dragon. Kailangan niyang pagalingin kaagad ang mga sugat niya, panumbalikin ang enerhiya niya, at maghanda na agawin ang mga mahahalagang kayamanan mula sa bangkay nito. Bzzt!Patuloy na dumaan sa langit ang mga kidlat. Tumayo sa malayo ang Thunder King at patuloy na gumawa ng kidlat para atakihin ang katawan ng cyan dragon kung saan nalaglag ang mga kaliskis nito. Nasunog ang laman ng dragon n
Dominante si Thomas. Kaagad niyang inutos na kunin niya ang Dragon Essence. "Sino ka ba sa tingin mo, Thomas?" Ang Thunder King ang naunang tumayo laban sa kanya. Tinaas niya ang kamay niya at kumislap ang kidlat mula sa palad niya. Tinitigan niya nang masama si Thomas at nagbanta, "Sino ka ba para kunin ang Dragon Essence? Sa akin yan." Nang nagsalita siya, ilang psychics ang lumapit at tumayo sa likuran ng Thunder King. Nag-iingat nilang tinignan sina Thomas at ang tatlong nakamaskarang lalaki. Sa sandaling magbigay ng utos ang Thunder King, kikilos sila. "Haha," tumawa si Thomas. Hindi niya man lang sineryoso ang Thunder King. Kung hindi lang niya kailangan ang lakas ng mga psychic para patayin ang dragon, matagal na niyang binura ang Thunder King at ang iba pang psychics. "Anong problema? Tumututol ba kayo?" Tinignan ni Thomas ang Thunder King nang nakangiti. "Mamatay ka na!" Hindi na nagsayang ng mga salita ang Thunder King. Tinaas niya ang kamay niya at kumi