Napasigaw si Thea sa gulat at nagtanong, "Talaga?" "Mukhang hindi malayo ang hula ko." Sabi ni Thomas, "Tinignan ko ang ancient scrolls. Ayon sa isa sa mga ito, unang lumitaw ang Jade Sect bandang isang libo't walong daang taon ang nakaraan. Ang Sect Leader nang mga panahong iyon ay tinatawag ding Omniscient Deity. Mukhang hindi ito nagkataon lang para sa'kin."Seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Thomas. May suspetsa siya simula noong nalaman niya ang tungkol sa Four Holy Beasts mula sa Omniscient Deity. Ngayon, nagdala ang Omniscient Deity ng isang klase ng dugo na hindi mas mahina sa Spirit Turtle, kaya inisip niya na ito ang dugo ng qilin. Inisip niya na isang libo't walong daang taon ang nakaraan, pumatay ng qilin ang Omniscient Deity at nakuha ang dugo nito. Bilang resulta nito, naging imortal siya. "Thea, itabi mo sa'yo ang dugo ng dragon. Sa kasalukuyan, nasa katawan mo ang dugo ng Spirit Turtle at ng qilin. Dagdag pa ang dugo ng dragon, nasayo na ang dugo ng tatlong Hol
Samantala, sa ibayong dagat… Bumalik ulit si James sa isla kung nasaan ang Dragon Abyss. May impresyon siya na hindi masama ang kakaiba at mabuhok na lalaki. Ang taong ito, ayon sa pagsusuri niya, ay posibleng kagaya ni Thea noong una siyang napatakan ng dugo ng Spirit Turtle at nakaranas ng energy deviation. Gayunpaman, may Ataraxia si Thea para pigilan ito habang wala nito ang kakaibang lalaki. Gusto niyang tignan siya ulit. Gusto rin ni James na may malaman pa tungkol sa dragon, at malinaw na alam ng taong ito ang tungkol dito. Kung gusto niyang iligtas si Thea, baka kailangan niyang asahan ang taong ito. Lumipas ang dalawang araw at bumalik na ang kalahati sa True Energy niya. Nang bumalik siya sa isla kung nasaan ang Dragon Abyss, hindi siya nagmadaling hanapin ang kakaiba at mabuhok na lalaki. Ang taong ito ay posibleng magkaroon ng energy deviation kahit na anong oras. Kailangan niyang mabawi ang lahat ng lakas niya para makakatakas siya kung kailangan. Nagsimula
"Ang dugo ng phoenix?" Gulat na gulat si Thea. Hindi niya napigilang mapasalita, "Ito ang dugo ng phoenix?" "Oo." Tumango si Tyrus at nagsabing, "Ito nga ang dugo ng phoenix." "Sino ka ba talaga? Bakit nasa sa'yo ang dugo ng phoenix? Napakahalagang nito. Bakit mo to ibibigay sa'kin?" "Sa totoo lang, hindi ko talaga to gustong ibigay sa'yo," sabi ni Tyrus. "Bihirang makahanap ng dugo ng phoenix. Ngayon, kakaunti na lang ang natitira sa'min. Sa ganito kaunting dugo ng phoenix, pwedeng magbago ang pangangatawan ng isang tao at maging imortal. Ayaw kong ibigay to sa'yo, pero regalo ito para sa'yo mula sa ama ko." "Ang ama mo, sino siya?" "Tyrus ang pangalan ko. Ang ama ko… Pwede mo siyang tawaging Prince or Orchid Mountain." "Ano?" Nagulat na naman si Thea nang narinig niya ang mga salitang 'Prince of Orchid Mountain'. "Anong sabi mo? Ang ama mo ay ang Prince of Orchid Mountain? Ang Prince of Orchid Mountain na nagtangkang pumatay sa Spirit Turtle isang libong taon ang nakar
Samantala, sa labas ng bansa… Sa isla kung saan matatagpuan ang Dragon Abyss. Paglipas ng ilang araw, nagawang mabawi ni James ang True Energy na nagamit niya habang gamit ang Fourteen Heavenly Swords.Nalungkot siya sa katotohanan na inabot siya ng ilang araw upang makabawi sa pagkakataong ito. Kung may elixir lang sana siya na makakatulong upang mabawi niya ang kanyang True Energy, hindi niya kakailanganing maghintay ng ganito katagal.Nagdesisyon siya na sa oras na makabalik siya sa Sol, pag-aaralan niya ang Medical book at gagawa siya ng isang elixir na makakatulong sa pagbabalik ng kanyang True Energy. Sa ganoong paraan, kapag ginamit niya ang kanyang True Energy sa hinaharap, mabilis niyang mababawi ang nagamit niyang True Energy. Di kalaunan ay nakarating siya sa Dragon Abyss. Subalit, hindi siya nagmadaling pumasok sa kweba. Gaya nung una, nangaso siya para sa karne. Pagkatapos ay gumawa siya ng apoy at sinimulan niya itong ihawin. Nang magsimulang kumalat ang amoy
”Oo nga pala.”Biglang may naalala si James. Dinala siya dito ng kakaibang lalaki, kaya malamang pamilyar siya sa mga nakasulat sa pader na ito na mula pa noong nakalipas na isang libong taon. Nababasa niya din ang mga salitang ito.Bakit hindi niya gamitin ang ganitong lenggwahe upang makipag-usap sa kanya?Agad niyang binunot ang Primordial Dragon Blade. Paglabas pa lang niya nito, agad na umatras ang kakaibang, mabalahibong lalaki, naging tensyonado ang katawan ng lalaki. Nagtayuan ang kanyang buhok, at naging pula ang kanyang mga mata.Noong nakita ito ni James, nagulat siya. Gusto lang niyang magsulat sa lupa gamit ng espada. Hindi niya inasahan na magkakamali ng intindi sa kanya ang lalaki at magagalit ito sa kanya.Dahil naranasan na niya ito noon, hindi nanatili sa kanyang pwesto si James sa pagkakataong ito, tumakbo siya at naglaho siya sa loob ng kweba sa isang iglap. Mabilis siyang tumakas, tumakbo siya papunta sa dalampasigan.Noong napansin niya na hindi siya hinahab
Nakatingin ng maigi si James sa martial arts na nakasulat sa pader.Nahahati sa dalawang bahagi ang martial arts. Ang unang bahagi ay ang cultivation method at ang general outline nito.Ang pangalan ng martial art na ito ay Lunar and Terra Art.“Ang kakanyahan ng Lunar and Terra Art ay langit at lupa.”“Kaya naman, ang Lunar and Terra Art ay kilala rin bilang ang Heaven and Earth Art.”“Sa pagkucultivate ng Lunar and Terra Art, magagawang i-cultivate ng isang tao ang dalawang uri ng enerhiya, Lunar Energy at Terra Energy, na kilala din bilang ang dalawang enerhiya ng langit at lupa. Ang mga ito ay dalawang magkaugnay na daloy ng True Energy na maayos na nagtutulungan.”Tinuon ni James ang kanyang atensyon sa martial arts na nakasulat sa pader.Subalit, masyado itong malalim. Ang tanging naiintindihan lang niya ay ang maikling introduksyon nito sa umpisa, ngunit hindi na niya maunawaan ang mga kasunod nito.Hindi naman sa hindi niya ito kayang basahin. Sa halip, wala pa sa ganoo
Lumapit si Thomas at sinabing, "Bukas na ang araw na titipunin ni Sky ang mga martial artist mula sa iba't ibang lupalop ng mundo. Papunta ang lahat ng mga martial artist sa Mount Ludis ngayon. Kung tama ang hula ko, nais ni Sky na maging Great Grandmaster ng buong martial community. Napakalakas niya at naabot na niya ang peak ng Ninth Stair ng Skyward Stairway. Ikaw lang ang tanging makakapigil sa kanya ngayon."Tumingin si Thea kay Thomas ng may problemadong ekspresyon sa kanyang mukha. Ang sabi niya, "Pero hindi ko pa naabot ang Ninth Stair. Nasa Seventh Stair pa lang ako. Malaki pa ang pagitan ng lakas at kapangyarihan namin ni Sky.""Nasa Seventh Stair ka pa lang ng Skyward Stairway?" Kumunot ang mga kilay ni Thomas. Kasunod nito, bumuntong hininga siya at sinabing, "Wala na tayong oras. Kung may dalawang linggo ka pa sana, siguradong maaabot mo ang Ninth Stair ng Skyward Stairway sa tulong ng kapangyarihan mula sa dugo ng Four Holy Beasts. Subalit, wala na tayong oras. Kailan
”Sang-ayon ako.”“Ako din.”“Sky, Sky, Sky.”Pagkatapos ng unang tao na nagsalita, sinundan ito ng iba pa. Sinigaw nilang lahat na si Sky ang maging pinuno ng buong martial arts community.Tinaas ni Sky ang kanyang mga kamay, pagkatapos ay bahagya niya itong diniin pababa. Agad na nanahimik ang lahat.Noong tahimik na ang lahat, sinabi ni Sky na, “Kayong lahat, pakiusap pakinggan niyo ako. Hindi ako maaaring maging pinuno ng buong martial arts community. Maraming mga kilala at ginagalang na mga senior martial artist ang nandito ngayon. Nandito si Master Maha mula sa Sylvan Sect, Spirit Master mula sa Heaven and Earth Sect, maging ang Ancient Four, ang mga martial artist mula sa Five Swirling Blades Sect, at pati na rin ang mga martial artist mula sa ibang mga bansa. Kaya naman, hindi ako maaaring maging Great Grandmaster.”Tinanggihan ni Sky ang mga suhestyon nila.Subalit, lihim siyang natutuwa. Nagkukunwari lamang siya na tinatanggihan niya ito.Siya ang pinakamalakas na tao