Sa sandaling napakalma na ni James ang sarili niya, tinangay na siya ng mga alon. Mabilis niyang pinakilos ang sarili niya palabas ng tubig. Fwoosh! Na parang isang ipo-ipo, lumipas siya sa ere at lumitaw limampung metro mula sa ibaba ng tubig. Gayunpaman, sa sandaling nakaalis siya sa tubig, naramdaman niya ang presensya ng isang nakakatakot na Palm Energy. "Bw*sit! Bakit ang bilis-bilis niya?" Tahimik na nagmura si James. Nagmadali niyang ginamit ang Invincible Body Siddhi. Sa sandaling gumana ang Invincible Body Siddhi, isang mala-ilusyong Palm Energy ang bumagsak papunta sa kanya. Kaagad na nabasag ang kulay tansong halo na bumabalot sa balat niya. Tumilapon na naman si James. Nang bumagsak siya sa dagat, sumuka siya ng dugo. Sa sandaling iyon, dumating si Sky. Nang nakita niyang nabasag ang Invincible Body Siddhi ni James at napalipad siya ng Palm Energy, napamura si Sky, "Anong ginawa niya para magalit ang nilalang na yun?" Pagkatapos, tumakas na lang siy
Kahit na gustong umalis ni James sa dagat, hindi siya nagtangkang ipakita ang sarili niya. Napakatindi lang talaga ng lakas ng lalaking iyon. Kahit na nakarating na siya sa peak ng Ninth Stair, ang stage kung saan hindi na pwedeng mas dumami ang True Energy niya, at gamitin niya ang Invincible Body Siddhi, natalo siya sa sandaling nagsimula ang laban. Masyadong nakakatakot ang lalaking iyon. Nasa mahirap siyang sitwasyon. Pagkatapos ng ilang sandali nang hindi na niya makayanang pigilan ang paghinga niya dahil sa kawalan ng True Energy, wala siyang magawa kundi umalis sa tubig. Dahan-dahang sumilip mula sa dagat ang ulo niya habang sinuri niya ang paligid niya. Nang nakita niyang nakaalis na ang lalaki, nakahinga siya nang maluwag at lumangoy sa pampang. Nakarating lang siya sa pampang pagkatapos lumangoy ng isang oras. Umakyat si James sa isang bato at simpleng initsa ang Primordial Dragon sa tabi. Pagkatapos, humiga siya sa bato at nagpahinga. Pagkatapos magpahinga nan
Kinuha ng Omniscient Deity ang maliit na piraso ng papel na nakatali sa paa ng kalapati at binasa ito. Pagkatapos, tumayo siya at nagsabing, "Ano? Patay na si James?" Nabigla siya. Si James ay isang martial artist na nakarating na sa peak ng Ninth Stair. Siya ang pinakamalapit nang makarating sa ninth rank sa milenyong iyon. Ngayon, patay na siya. "Gloom!" sigaw niya. Fwoosh! Isang anyo ang mabilis na pumasok sa kwarto at lumuhod sa harapan ng Omniscient Deity. Ang lalaking nakasuot ng itim na balabal ay nagsalita nang may paos na boses, "Anong ipag-uutos niyo, Master?" "Nakatanggap ako ng balita na patay na si James. Hanapin mo kaagad si Sky. Gusto kong malaman ang buong detalye." "Masusunod." Tumango ang lalaki at nagmadaling umalis. Si Sky ang nagpakalat ng balitang patay na si James. Sa maikling panahon, kumalat na ang balita sa buong ancient martial world ng Sol at sa labas nito. Nalaman din ng ilang dayuhang pwersa ang balita. "Hahaha! Patay na si Jame
Matiyagang naghintay si Thea sa bahay pagkatapos tawagan si Callan. Naghintay siya ng isang oras, kung saan ang bawat isang segundo ay para bang isang taon. Hindi niya alam kung paano niya natiis na maghintay. Paglipas ng isang oras… Habang nakaupo si Thea sa swing, isang anyo ang biglang tumalon mula sa labas ng villa at lumitaw sa harapan niya. Sa gulat, napatalon siya sa takot at tinitigan ang hindi inasahang pagdating ng bisita. Iyon ay si Callan. Tumingin siya sa nabiglang si Thea at nagsabing, "Kumusta ka, Thea? Ako si Callan Maverick." Sa sandaling narinig niya ito, nakahinga nang maluwag si Thea sabay kinakabahang nagtanong, "Hello, Mr. Maverick. Inasahan ko mas mukha kang matanda kaysa sa itsura mo… Oh siya, kumusta si James?" Naging seryoso ang ekspresyon ni Callan. Ngayon niya lang din nalaman ang pagkamatay ni James. Hinanap pa niya si Sky para alamin ang buong detalye. Kwinento ni Sky ang pangyayaring naganap sa isla—mula sa pagkatuklas nila sa Dragon
Pagkatapos bumalik ulit sa pampang ng isla, umupo si James sa ibabaw ng malaking bato at pinanood ang malalaking alon sa ibaba na bumangga sa isla. Iniisip niya ang tungkol sa kakaibang lalaki mula sa Dragon Abyss. Nang una niyang nakasalubong ang lalaki, mukha siyang nasa katinuan at nakakausap. Gayunpaman, sa pangalawang beses niyang pagbisita sa kweba, nasa katinuan rin ang lalaki sa umpisa, ngunit bigla bang parang nawalan siya ng bait. "Siguro… Napatakan siya ng dugo ng dragon isang libong taon ang nakaraan, at ang dugo ng dragon, kagaya ng dugo ng Spirit Turtle, ay nakakapagsanhi ng energy deviation?" Naisip ni James. Gayunpaman, naisip niyang medyo malabo ito. Nagmula rin sa dugo ng dragon ang Blood Race, ngunit hindi nakaranas ng energy deviation ang mga miyembro nito. Kung hindi ito dahil sa energy deviation, bakit siya biglang inatake ng lalaki sa isla? Nagalit niya ba ang taong ito sa kung anong paraan? Pinag-isipan ito nang matagal ni James ngunit hindi siya mak
Mabilis na gumaling si Thea. Sa loob lang ng kalahating araw, bumalik ang alaala at lakas niya. Sa kasalukuyan, ang rank niya ay nasa peak ng Sixth Stair ng Skyward Stairway. Maliban roon, may natitira pang enerhiya mula sa dugo sa loob ng katawan niya na hindi pa niya nagagamit. Ang nahigop niya pa lang ay ang enerhiya mula sa dugo ng Spirit Turtle at ilan sa enerhiya mula sa dugong binigay sa kanya ng Omniscient Deity. Nasa isang-kasampu pa lang ng enerhiya mula sa dugo na binigay ng Omniscient Deity ang nahigop na niya. Kung hihigupin niya ang natitira rito, tiyak na makakarating ang lakas niya sa Ninth Stair ng Skyward Stairway. Samantala, sa Cansington… Sa isang villa…Nakaupo si Thomas sa isang sofa habang marahang minamasahe ang sentido niya. Isang lalaki ang lumapit at lumuhod sa lapag. "Master, may mga ulat tungkol sa isang nakakatakot na aura na nagmumula sa bahay ng Callahan family." "Oh? Ang Callahan family?" Kaagad na nawala sa pagkakatulala si Thomas at
Napasigaw si Thea sa gulat at nagtanong, "Talaga?" "Mukhang hindi malayo ang hula ko." Sabi ni Thomas, "Tinignan ko ang ancient scrolls. Ayon sa isa sa mga ito, unang lumitaw ang Jade Sect bandang isang libo't walong daang taon ang nakaraan. Ang Sect Leader nang mga panahong iyon ay tinatawag ding Omniscient Deity. Mukhang hindi ito nagkataon lang para sa'kin."Seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Thomas. May suspetsa siya simula noong nalaman niya ang tungkol sa Four Holy Beasts mula sa Omniscient Deity. Ngayon, nagdala ang Omniscient Deity ng isang klase ng dugo na hindi mas mahina sa Spirit Turtle, kaya inisip niya na ito ang dugo ng qilin. Inisip niya na isang libo't walong daang taon ang nakaraan, pumatay ng qilin ang Omniscient Deity at nakuha ang dugo nito. Bilang resulta nito, naging imortal siya. "Thea, itabi mo sa'yo ang dugo ng dragon. Sa kasalukuyan, nasa katawan mo ang dugo ng Spirit Turtle at ng qilin. Dagdag pa ang dugo ng dragon, nasayo na ang dugo ng tatlong Hol
Samantala, sa ibayong dagat… Bumalik ulit si James sa isla kung nasaan ang Dragon Abyss. May impresyon siya na hindi masama ang kakaiba at mabuhok na lalaki. Ang taong ito, ayon sa pagsusuri niya, ay posibleng kagaya ni Thea noong una siyang napatakan ng dugo ng Spirit Turtle at nakaranas ng energy deviation. Gayunpaman, may Ataraxia si Thea para pigilan ito habang wala nito ang kakaibang lalaki. Gusto niyang tignan siya ulit. Gusto rin ni James na may malaman pa tungkol sa dragon, at malinaw na alam ng taong ito ang tungkol dito. Kung gusto niyang iligtas si Thea, baka kailangan niyang asahan ang taong ito. Lumipas ang dalawang araw at bumalik na ang kalahati sa True Energy niya. Nang bumalik siya sa isla kung nasaan ang Dragon Abyss, hindi siya nagmadaling hanapin ang kakaiba at mabuhok na lalaki. Ang taong ito ay posibleng magkaroon ng energy deviation kahit na anong oras. Kailangan niyang mabawi ang lahat ng lakas niya para makakatakas siya kung kailangan. Nagsimula