"Anong ibig mong sabihin, 'Paano'?"Biglang tumayo si Sky at tumingin kay James, binibigkas ang bawat salita, “Magigingg pinakamakapangyarihan akong tao sa mundo, James! Hindi mo naiintindihan ang kahulugan ng mga salitang ito dahil hindi ka pa nakakaakyat ng mataas!“Gusto kong sundin ng mundo ang bawat utos ko. Hindi mo maiintindihan kung ano ang pakiramdam na tumayo sa pinakatuktok. Maaaring ikaw ang Dragon King, isa sa pinakamataas na awtoridad sa Sol, ngunit kailangan mo pa ring sumagot sa iyong mga nakatataas. Hindi mo magagawa ang gusto mo."Ngumiti ng mahina si James. Wala siyang pakialam sa pagiging pinakamakapangyarihang tao sa mundo at nais lamang niyang gugulin ang natitirang bahagi ng kanyang buhay kasama ang babaeng mahal niya. Nandito lang siya para patayin ang dragon dahil sa mga kasawiang nangyari sa daan."Kahit ano!" Umupo si Sky at sinabing, “Bakit ako nag-aaksaya ng hininga sa iyo? Hindi mo maiintindihan kung paano gumagana ang kapangyarihan at awtoridad."Pag
Kinurot ni Sky ang ilong niya at bumulong, “Gaano katagal na ba ng may huling tao na naparito?”Nagsalita si James, “Ang huling dragon-slaying expedition ay nangyari ng mahigit sa 1300 taon na. Sapagkat nasa gitna ito ng dagat, sa tingin ko wala pang tao na napunta sa lugar na ito ng mahigit sa isang milenyo. Suriin muna natin ang paligid. Baka may mga bakas ng aktibidad ng dragon.”Sinuri ni Sky ang paligid. Walang bakas ng buhay sa lugar na ito.“Dito.” Itinuro ni James ang daan sa harap niya at tumungo sa direksyon na iyon.Hindi nagtagal, nakakita sila ng mga buto ng isang hindi maipaliwanag na nilalang sa sahig. Ang ilan sa mga labi nito ay buo pa samantalang ang iba naman ay nakakalat.“Huh?”Nanigas si James bago nagtanong, “Bakit maraming mga labi dito sa parte ng islang ito?”Yumuko si Sky at sinuri ang mga labi at sinabi, “Ang mga labing ito ay hindi sa tao. Mukhang galing ito sa isang klase ng macrofauna. Pero may nakasalubong ba tayo na kasing laki nito? Bukod pa dito, baki
Tinitigan ni James ang nilalang sa harap niya.Sobrang nakakatakot ang nilalang na ito dahil hangin pa lang mula sa palad niya ay sapat na para tumalsik sila ni Sky. Marahil naabot na nito ang rurok ng Ninth Stair.Teka, sandali…Naabot na rin ni James ang rurok ng Ninth Stair. Kung mas malakas ang enerhiya ng nilalang na iyo kaysa sa kanya, marahil lumampas na siya sa Ninth Stair.Maaari kayang Ninth-rank?Matapos ito maisip, huminga ng malalim si James at tinitigan ang nilalang sa harapan niya.Nanatiling tahimik ang nilalang. Matapos titigan si James at Sky, bumalik ito sa kuweba.Tumingin si James sa likod niya kung nasaan si Sky. Matapos makita na may bakas pa ng dugo sa mga labi niya, nagtanong siya, “Okay ka lang ba?”“Okay lang ako.” Galit ang itsura ni Sky.Nakarating na siya sa Ninth Stair. Kahit na mas mahina siya kay James, hindi matanggap ni Sky na tumalsik siya sa Palm Energy ng hindi kilalang nilalang sa gitna ng kawalan. Gusto niyang maging pinakamalakas na indibidwal s
Hindi masamang tao si Sky. Base sa pag-uusap nila, napagtanto ni James na hindi imoral at sakim si Sky. Gusto lang niya maging pinakamalakas na indibidwal sa mundo.Nagsalita siya habang nakangiti, “Huwag kang mag-alala, kaya ko siguruhin ang kaligtasan ko kahit nawala akong laban sa nilalang na iyon.”Pagkatapos, tumungo siya sa kuweba.Hindi nagtagal, nakarating siya dito.Ang lagusan papasok ng kuweba ay may tatlong metro ang taas at dalawang metro ang lapad. Sapagkat madilim sa loob, wala siyang makita na kahit na ano.Maingat na tumawag si James, “Sir, nandiyan ka ba sa loob? May ilang mga katanungan ako…”Pero, walang sumagot.“Iisipin ko na payag ka na pumasok ako base sa katahimikan mo. Papasok na ako ngayon…”Sa oras na humakbang siya…Swoosh!Isang matinding Palm Energy ang maririnig, at isang makapangyarihang puwersa ang nagmula sa loob. Sapagkat alerto si James, nagawa niyang umiwas.Matapos ang atake, katahimikan muli.Hindi nagpadalos-dalos na pumasok si James. Nagtanong
Nasabik si Sky matapos niya banggitin ang dragon at pagiging imortal. Ang pangunahing layunin niya ay maging pinakamalakas na indibidwal sa mundo. Kung magiging imortal siya, magkakaroon siyang buhay na walang hanggan. Kung mangyayari ito, kaunting panahon na lang at matutupad na ang gusto niya.“Tama na.” Nag-aalala si James na baka hindi tumigil si Sky, kaya agad niyang pinigilan si Sky at sinabi, “Hindi tayo sigurado na isang milenyo na siyang nabubuhay. Alamin muna natin ang pagkakakilanlan niya.”Nagtanong si Sky, “Hindi nga tayo makalapit sa kuweba, hindi rin siya nagsasalita ng lenguwahe natin. Paano natin ito gagawin?”“Kumalma ka lang.” Sumenyas si James. Habang nakatingin sa mga buto sa sahig, nag-isip siya bago nagsalita, “Kung tama ang hula ko, ang tao sa loob ang may kagagawan ng mga labi dito. Tao nga naman siya. Sa oras na magutom siya, lalabas siya para kumain.”Umirap si Sky, “Hindi ba obvious naman iyon? Kahit ang ancient martial artist kailangan kumain. Bakit hindi m
Umirap si James at sinabi, “Anong malay ko?”Matapos ang panandaliang pag-iisip, naglabas ng phone si James at nirecord ang mga salita niya. Sapagkat kayang tumanggap ng signal mula sa satellite ang phone niya, makakapagpadala at tanggap siya ng mensahe mula sa kahit anong parte ng mundo. Kaya ipinadala niya ito sa Blithe King sa Cansington.“Blithe King, ikuha mo ako ng translator para alamin kung anong sinasabi niya.”“Masusunod.”Matapos matanggapa ang tawag ni James, inorganisa niya ang pagkuha ng translator.Matapos ang sampung minuto…Nakatanggap ng tawag si James mula kay Blithe King.“James, ito ay Old Ignobarian, isang lenguwahe noong nakaraang milenyo. Natulungan na kita alamin kung anong sinasabi niya base sa ipinadala mo sa akin. Pero, hindi ito ang tunay na sinasabi niya, mababaw na translation lang ito.”“Naaintindihan ko.”Ibinaba niya ang phone at binasa ang text na dumating mula sa Blithe King.[Sino kayo? Anong ginagawa ninyo dito? Naiintindihan ba ninyo ako? Hoy, kin
Hindi makausap ni James ang lalaking nagsasalita ng hindi maunawaang wika. Sa opinyon niya, dapat silang bumalik sa Sol at magdala ng mga translator dito para alamin ang misteryo ng isla. "Hindi pwede. Matatagalan tayo." Diretsong tinanggihan ni Sky ang suhestiyon niya. "Hindi natin siya kailangang kausapin. Ang kailangan lang nating malaman ay kung may mga dragong nakatira rito. Kung meron, uuwi tayo at pagtitipunin ang mga Solean martial artist para sa pagpatay sa dragon." Binanggit ni Sky ang mga naiisip niya. Pinag-isipan ito ni James at nagsabing, "Sige pala. Hihintayin kita rito. Mag-imbestiga ka na." Pagkatapos, umupo siya sa isang bato at nanahimik. Samanatala, umalis si Sky para hanapin ang dragon sa kawalan. Tumingin si James sa bukana ng kweba. 'Sino siya? Nabuhay na siya 1,300 taon ang nakaraan?' Pagkatapos mag-isip sandali, tumayo siya at nagpunta sa kweba. Ngayon naman, hindi inatake si James, at pumasok siya ng kweba nang walang galos. Nasa 300 squ
Sa sandaling napakalma na ni James ang sarili niya, tinangay na siya ng mga alon. Mabilis niyang pinakilos ang sarili niya palabas ng tubig. Fwoosh! Na parang isang ipo-ipo, lumipas siya sa ere at lumitaw limampung metro mula sa ibaba ng tubig. Gayunpaman, sa sandaling nakaalis siya sa tubig, naramdaman niya ang presensya ng isang nakakatakot na Palm Energy. "Bw*sit! Bakit ang bilis-bilis niya?" Tahimik na nagmura si James. Nagmadali niyang ginamit ang Invincible Body Siddhi. Sa sandaling gumana ang Invincible Body Siddhi, isang mala-ilusyong Palm Energy ang bumagsak papunta sa kanya. Kaagad na nabasag ang kulay tansong halo na bumabalot sa balat niya. Tumilapon na naman si James. Nang bumagsak siya sa dagat, sumuka siya ng dugo. Sa sandaling iyon, dumating si Sky. Nang nakita niyang nabasag ang Invincible Body Siddhi ni James at napalipad siya ng Palm Energy, napamura si Sky, "Anong ginawa niya para magalit ang nilalang na yun?" Pagkatapos, tumakas na lang siy