Nanatili si James sa bahay ng buong araw. Sa susunod na umaga… Habang mahimbing siyang natutulog, napagtanto niyang may tao sa kanyang balkonahe. Nang maramdaman ang presensya ng hindi gustong bisita, tumayo siya at naglakad patungo sa balkonahe. Pagtingin kay Sky, inabot niya rito ang isang sigarilyo, at sinabing, “Maaga ka.” Kinuha ni Sky ang sigarilyo at tinanong, "Kailan tayo aalis?"Nakangiting sabi ni James, "Mukhang nagmamadali ka.""Paanong hindi?"Nag-aalala si Sky. Matapos malinlang ng Blood Race, gusto niyang malaman ang authenticity ng mapa na ibinigay sa kanya ng Blood Race. Kung ito ay lumabas na peke, mag-iisip siya ng paraan para nakawin ang totoong mapa sa pamamagitan ng paglusot sa punong tanggapan ng Blood Race.“Maghintay ka sa labas. Babalik din ako kaagad pagkatapos kausapin si Thea."Pagkasabi niya nun ay bumalik na siya sa kwarto.Samantala, tumalon si Sky mula sa ikatlong palapag at lumitaw sa labas ng villa ng mga Callahan.Dahil alas otso pa lang
Matapos maghintay ng ilang sandali ay tapos na si James na magpaalam kay Thea. Nagbatian sila, pagkatapos ay agad na tumungo sa rehiyon ng militar.Sa rehiyon ng militar, personal na tinanggap ng Blithe King sina James at Sky."James, handa na ang helicopter at ganap na na-refuel. May dagdag pang gasolina sa helicopter kung sakaling magkagulo. At saka, inatasan pa kita ng piloto.”Sumagot si James, “Maraming salamat.” "Hindi na kailangang maging masyadong pormal sa pagitan natin." Nakangiting sinabi ng Blithe King, “Sige, hindi na kita dapat paghintayin pa. Kung aalis ka ngayon, dapat kang makarating sa lugar ng gabi. Oo nga pala, dahil hindi ako sigurado kung gaano katagal ang biyahe mo, naghanda ako ng isang linggong rasyon para sa inyong dalawa."Ang Blithe King ay gumawa ng mga kinakailangang arrangements. Naghanda pa siya ng rasyon para sa kanila. Hindi naman nagtagal sina James at Sky at agad na sumakay sa helicopter.Dahan-dahang bumangon ang helicopter at umalis sa Can
Pasimpleng kumuha ng rasyon ang dalawa at lumukso sa balsa. Pagkatapos, sinimulan ni Sky ang paggamit ng True Energy para itulak ang balsa pasulong, habang maingat na itinutulak ito sa tamang direksyon.Nagawa nilang tumawid ng 100 kilometro sa loob ng isang oras.Makalipas ang isang oras, madilim na ang langit.Umihip ang unos habang ang mga alon na may taas na sampu-sampung metro ay bumagsak sa dalampasigan.Pinahinto ni Sky ang balsa at itinali ito sa puwesto. Pagkatapos, lumingon siya upang tingnan ang isla sa harap niya, na nagsasabing, “Ito ang dapat na lugar. Batay sa mapa, mayroong isang bangin dito kung saan nakatira ang dragon. Gayunpaman, ito ay impormasyon mula sa isang milenyo ang nakalipas. Maaaring nagbago ang mga bagay."Pinagmasdan ni James ang paligid at sinabing, “Napakalaki ng islang ito. Maghiwa-hiwalay tayo at mag-scout sa paligid. Pupunta ako rito. Bumalik dito pagsapit ng madaling araw anuman ang mahanap natin.""Aalis na ako, kung gayon."Hindi nagtagal
"Anong ibig mong sabihin, 'Paano'?"Biglang tumayo si Sky at tumingin kay James, binibigkas ang bawat salita, “Magigingg pinakamakapangyarihan akong tao sa mundo, James! Hindi mo naiintindihan ang kahulugan ng mga salitang ito dahil hindi ka pa nakakaakyat ng mataas!“Gusto kong sundin ng mundo ang bawat utos ko. Hindi mo maiintindihan kung ano ang pakiramdam na tumayo sa pinakatuktok. Maaaring ikaw ang Dragon King, isa sa pinakamataas na awtoridad sa Sol, ngunit kailangan mo pa ring sumagot sa iyong mga nakatataas. Hindi mo magagawa ang gusto mo."Ngumiti ng mahina si James. Wala siyang pakialam sa pagiging pinakamakapangyarihang tao sa mundo at nais lamang niyang gugulin ang natitirang bahagi ng kanyang buhay kasama ang babaeng mahal niya. Nandito lang siya para patayin ang dragon dahil sa mga kasawiang nangyari sa daan."Kahit ano!" Umupo si Sky at sinabing, “Bakit ako nag-aaksaya ng hininga sa iyo? Hindi mo maiintindihan kung paano gumagana ang kapangyarihan at awtoridad."Pag
Kinurot ni Sky ang ilong niya at bumulong, “Gaano katagal na ba ng may huling tao na naparito?”Nagsalita si James, “Ang huling dragon-slaying expedition ay nangyari ng mahigit sa 1300 taon na. Sapagkat nasa gitna ito ng dagat, sa tingin ko wala pang tao na napunta sa lugar na ito ng mahigit sa isang milenyo. Suriin muna natin ang paligid. Baka may mga bakas ng aktibidad ng dragon.”Sinuri ni Sky ang paligid. Walang bakas ng buhay sa lugar na ito.“Dito.” Itinuro ni James ang daan sa harap niya at tumungo sa direksyon na iyon.Hindi nagtagal, nakakita sila ng mga buto ng isang hindi maipaliwanag na nilalang sa sahig. Ang ilan sa mga labi nito ay buo pa samantalang ang iba naman ay nakakalat.“Huh?”Nanigas si James bago nagtanong, “Bakit maraming mga labi dito sa parte ng islang ito?”Yumuko si Sky at sinuri ang mga labi at sinabi, “Ang mga labing ito ay hindi sa tao. Mukhang galing ito sa isang klase ng macrofauna. Pero may nakasalubong ba tayo na kasing laki nito? Bukod pa dito, baki
Tinitigan ni James ang nilalang sa harap niya.Sobrang nakakatakot ang nilalang na ito dahil hangin pa lang mula sa palad niya ay sapat na para tumalsik sila ni Sky. Marahil naabot na nito ang rurok ng Ninth Stair.Teka, sandali…Naabot na rin ni James ang rurok ng Ninth Stair. Kung mas malakas ang enerhiya ng nilalang na iyo kaysa sa kanya, marahil lumampas na siya sa Ninth Stair.Maaari kayang Ninth-rank?Matapos ito maisip, huminga ng malalim si James at tinitigan ang nilalang sa harapan niya.Nanatiling tahimik ang nilalang. Matapos titigan si James at Sky, bumalik ito sa kuweba.Tumingin si James sa likod niya kung nasaan si Sky. Matapos makita na may bakas pa ng dugo sa mga labi niya, nagtanong siya, “Okay ka lang ba?”“Okay lang ako.” Galit ang itsura ni Sky.Nakarating na siya sa Ninth Stair. Kahit na mas mahina siya kay James, hindi matanggap ni Sky na tumalsik siya sa Palm Energy ng hindi kilalang nilalang sa gitna ng kawalan. Gusto niyang maging pinakamalakas na indibidwal s
Hindi masamang tao si Sky. Base sa pag-uusap nila, napagtanto ni James na hindi imoral at sakim si Sky. Gusto lang niya maging pinakamalakas na indibidwal sa mundo.Nagsalita siya habang nakangiti, “Huwag kang mag-alala, kaya ko siguruhin ang kaligtasan ko kahit nawala akong laban sa nilalang na iyon.”Pagkatapos, tumungo siya sa kuweba.Hindi nagtagal, nakarating siya dito.Ang lagusan papasok ng kuweba ay may tatlong metro ang taas at dalawang metro ang lapad. Sapagkat madilim sa loob, wala siyang makita na kahit na ano.Maingat na tumawag si James, “Sir, nandiyan ka ba sa loob? May ilang mga katanungan ako…”Pero, walang sumagot.“Iisipin ko na payag ka na pumasok ako base sa katahimikan mo. Papasok na ako ngayon…”Sa oras na humakbang siya…Swoosh!Isang matinding Palm Energy ang maririnig, at isang makapangyarihang puwersa ang nagmula sa loob. Sapagkat alerto si James, nagawa niyang umiwas.Matapos ang atake, katahimikan muli.Hindi nagpadalos-dalos na pumasok si James. Nagtanong
Nasabik si Sky matapos niya banggitin ang dragon at pagiging imortal. Ang pangunahing layunin niya ay maging pinakamalakas na indibidwal sa mundo. Kung magiging imortal siya, magkakaroon siyang buhay na walang hanggan. Kung mangyayari ito, kaunting panahon na lang at matutupad na ang gusto niya.“Tama na.” Nag-aalala si James na baka hindi tumigil si Sky, kaya agad niyang pinigilan si Sky at sinabi, “Hindi tayo sigurado na isang milenyo na siyang nabubuhay. Alamin muna natin ang pagkakakilanlan niya.”Nagtanong si Sky, “Hindi nga tayo makalapit sa kuweba, hindi rin siya nagsasalita ng lenguwahe natin. Paano natin ito gagawin?”“Kumalma ka lang.” Sumenyas si James. Habang nakatingin sa mga buto sa sahig, nag-isip siya bago nagsalita, “Kung tama ang hula ko, ang tao sa loob ang may kagagawan ng mga labi dito. Tao nga naman siya. Sa oras na magutom siya, lalabas siya para kumain.”Umirap si Sky, “Hindi ba obvious naman iyon? Kahit ang ancient martial artist kailangan kumain. Bakit hindi m