Kabanata 1583
Pagkatapos mag-isip ng mga ilang sandali, seryoso niyang sinabi, “Komplikado ang sitwasyon. May problema siya sa dugo. Hindi lang niya nahigop ang dugo ng Spirit turtle, ngunit nagbago na rin pati ang kanyang dugo. Mahirap na itong gamutin kahit na hindi nagbago ang kanyang dugo. Ikinalulungkot ko ngunit kahit makabagong medisina ay hindi ito kayang gamutin.”

Tanong ni James, “WAla na bang ibang paraan?”

“Ang tanging magagawa na lang natin para pagalingin siya ay sa pamamagitan ng exchange transfusion.”

Nag-isip si Callan ng mga ilang sandali at saka sinabi, “Kailangan palitan ang kasalukuyan niyang dugo ng bagong dugo. Ang kanyang mga lamang-loob ay nasanay na sa dugo ng Spirit Turtle, at nakadepende na sila dito. Hindi na magiging sapat sa kanya ang ordinaryong dugo.

“Tanging dugo na mas malakas sa dugo ng Spirit Turtle ang gagana. Gayunpaman, walang kasiguraduhan kung magtatagumpay ito. Pagkatapos niyang dumaan sa exchange transfusion, baka magkaroon siya ng mga komplikasyon kat
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP