Pagkatapos mag-isip ng mga ilang sandali, seryoso niyang sinabi, “Komplikado ang sitwasyon. May problema siya sa dugo. Hindi lang niya nahigop ang dugo ng Spirit turtle, ngunit nagbago na rin pati ang kanyang dugo. Mahirap na itong gamutin kahit na hindi nagbago ang kanyang dugo. Ikinalulungkot ko ngunit kahit makabagong medisina ay hindi ito kayang gamutin.”Tanong ni James, “WAla na bang ibang paraan?”“Ang tanging magagawa na lang natin para pagalingin siya ay sa pamamagitan ng exchange transfusion.”Nag-isip si Callan ng mga ilang sandali at saka sinabi, “Kailangan palitan ang kasalukuyan niyang dugo ng bagong dugo. Ang kanyang mga lamang-loob ay nasanay na sa dugo ng Spirit Turtle, at nakadepende na sila dito. Hindi na magiging sapat sa kanya ang ordinaryong dugo.“Tanging dugo na mas malakas sa dugo ng Spirit Turtle ang gagana. Gayunpaman, walang kasiguraduhan kung magtatagumpay ito. Pagkatapos niyang dumaan sa exchange transfusion, baka magkaroon siya ng mga komplikasyon kat
Sa totoo lang, hindi malakas ang loob ni James sa kanyang kakayahan na pagalingin si Thea. Walang nakatala sa medical book tungkol sa kondisyon na kapareho ni Thea. Ang tanging pag-asa na lang niya ang gumawa ng himala ang Crucifier.Ang dalawa ay bumalik sa bahay ng magkasama.Sa bahay, sinamahan ni James si Thea ng buong araw na iyon. Ang balak niya talaga at umalis papuntang Divine Sword Villa sa sumunod na umaga. Naalala niya ang impormasyon na nalaman niya mula sa Omniscient Deity. Kailangan niyang makita ang Hari kung gusto niyang malaman ang tungkol sa kinaroroonan ni Xavion. Nag-isip si James ng mga ilang sandali at nagdesisyon na dapat niya munang ayusin ang bagay na ito bago pumunta ng Divine Sword Villa. Kinaumagahan, nagpaalam siya kay Thea at umalis ng bahay. Pumunta siya ng Peace Mansion at nakipagkita sa Hari. Ang Hari ay inalisan na ng kapangyarihan. Bukod sa kanyang titulo, wala na siyang ganap na awtoridad, o kaya naman ay kailangan sa anumang pagpupul
Sinabi ng Hari, “Wala na tayong oras.”“Lulutasin ko ang lahat sa lalong madaling panahon. Susubukan ko itong tapusin sa loob ng isang buwan bago ang halalan.” “Pwes, may natitira ka pang isa’t kalahating buwan.”“Mhm. Kailangan kong umalis ng Capital pansamantala. Kapag nakabalik ako, isuko mo si Xavion sa akin. Ako na ang bahala sa lahat.” Nagkibit-balikat ang Hari at sinabi, “Kung malakas ang loob mo na kaya mong ayusin ang lahat, pwes hindi na kita pipigilan. Lalo na, malapit na akong magretiro. Gugugulin ko ang natitirang sandali ng aking buhay ng masaya nang walang iniisip na anumang suliranin.”Walang pinakitang emosyon ang Hari. May ilang bagay pa ako na aasikasuhin, kaya mauuna na ako.”Wala nang ibang sinabi si James at tumayo na para umalis.Pagkatapos umalis ni James, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon ng Hari. Si Gloom, na nakatayo sa tabi, at nagtanong, “May tiwala ka ba talaga kay James? Sa tingin mo ba ay kayang manalo ni James laban sa Orient Commerce
Ang Divine Sword Villa ay isang mapagkumbaba ngunit malakas na sekta.Angsekta ay halos walang pakialam sa mga isyu sa labas. Kahit noong isang daang taon na ang nakalipas, noong nasa alanganin ang Sol, wala sa Divine Sword Villa Sect ang nagpakita, o kaya ay sumuporta sa Sol sa digmaan.Nagkataon lang na nalaman ni Callan ang tungkol sa Divine Sword Villa. Ito na ang pangalawang beses niya na bumisita sa kanila.Tiningnan ni James ang matarik na bundok na walang katao-tao. Tumango siya at sinabi, “Mhm. Tara na at tingnan natin ang Divine Sword Villa.”“Dito tayo dumaan.”Tinuro ni Callan ang tamang daan.Pagkatapos, nauna siyang naglakad at mabilis na pinangunahan ang daan.Nakasunod naman si James sa likuran niya.Ang dalawa ay mabilis na dumaan sa madawag na kagubatan sa bundok.Matarik ang mga daan sa bundok.Subalit, hindi naman ito nakaapekto sa kanilang dalawa. Makalipas ang isang oras, may ilang mga mukhang sinaunang gusali ang lumitaw sa isang bundok sa unahan
”Ha!”Nang marinig niya ito, humagikgik ang binata na nakaputing robe. Tiningnan niya si Callan ng nakangisi, pagkatapos ay dumilim ang kanyang mukha, at malamig niyang sinabi, “Sino ka ba sa tingin mo? Ang lakas naman ng loob mo na kausapin ako ng ganyan? Hindi na mahalaga kung sino ka sa mundo sa labas. Kapag ikaw ay nasa loob ng Divine Sword Villa, susunod ka sa aming patakaran. Hindi kami tumatanggap ng mga bisista sa ngayon. Umalis na kayo, o kung hindi…”“O kung hindi ay ano?”Tiningnan ni Callan ang lalaki na naka-puting robe.“Mamatay ka na.”Ang lalaki na naka-puting robe ay biglang binunot ang kanyang espada na nakasukbit sa kanyang bewang.Bzzt!Winasiwas niya ang kanyang mahabang espada, at isang hindi makitang Sword Energy ang bumulusok palabas.Tinaas ni Callan ang kanyang kamay at inunat ang kanyang dalawang daliri, na madaling nagpahinto sa mahabang espada. Ang kanyang robe ay pumagaspas dahil sa hindi makitang Sword Energy.“Ano?”Kaagad na nagbago ang ek
Ang totoo, nalaman lang ni Callan ang tungkol sa paglikha ng isang maalamat na espada matapos niya itong marinig mula kay James. At nung nakapasol siya ng Divine Sword Villa, naramdaman niya na may mali, kaya naman sinadya niya na magbigay ng pain para tingnan kung ano ang mangyayari. Sinadya niyang sabihin na nagkita sila kalahating taon na ang nakakaraan.Ang totoo ay nagkita sila ng may-ari ng Divine Sword Villa kamakailan lang, at hindi kalahating taon na ang nakakaraan.Ngayon, sigurado na siya na ang taong nasa harapan niya ay isang impostor.Bagama't magkamukha sila, hindi siya ang aktwal na may-ari ng Divine Sword Villa.Kaya naman, sinadya niya na pag-usapan ang tungkol sa paglikha ng maalamat na espada para makakuha pa ng impormasyon.Alam ni James kung ano ang sinusubukang gawin ni Callan nang marinig niya ang usapan.Alam niya na nakita ni Callan ang may-ari ng Divine Sword Villa kamakailan lang at hindi kalahating taon na ang nakakaraan. “Ah, yun pala ang tinut
”Syempre naman. James ang pangalan mo, tama?”“Oo, tama ka. Ako si James.”“James, hindi naman sa gusto kong magyabang, pero ang Divine Sword Villa ay may koleksyon ng mga maalamat na espada ng mundo. Ang Dragonslayer na lalabas ay napakaespesyal. Ang aming sekta ay gumugol ng higit sa isang libong taon dito. Higit sa sampung henerasyon ang lumahok sa pagpanday ng espada. Kapag nilabas na ito sa mundo, tiyak na lilikha ito ng ingay.”Sinimulan ni Childe na ipagyabang ang kanyang sekta kay James.Masaya siya habang ikinuwento ang tungkol sa Dragonslayer.Nakinig naman ng maigi sa kanya si James.Subalit, pinuri lang niya ang Dragonslayer at wala nang ibinigay na anumang impormasyon.“Mr. Giovanni, pwede mo ba akong ipasyal sa paligid ng villa? Gusto kong makita ang paligid.”Ang ekspresyon ni Childe ay kaagad dumilim, at malamig niyang sinabi, “James, binabalaan kita na huwag maglakad-lakad sa paligid ng villa. Masyadong tensyonado ang lahat ngayon. Ang Dragonslayer ay ilalabas
Sila James at Callan ay magkasamang umalis ng Divine Sword Villa at pumasok sa madawag na kagubatan.Sa labas ng Divine Sword Villa, umupo si James sa isang bato sa isang bakanteng lugar sa loob ng kagubatan. Naglabas siya ng isang sigarilyo, nagbato ng isa kay Callan, at tinanong, “Anong sitwasyon sa panig mo?”Pagkatapos tanggapin ni Callan ang sigarilyo, unti-unting naging seryoso ang kanyang ekspresyon. Sinabi niya, “Dinala ako sa lugar kung saan pinanday ang espada at nakita ang maalamat na espada. Subalit, ang layunin ko ay hindi ang makita ang espada. Ito ay ang may makuha mula sa kanya.”Tanong ni James, “Ano yun?”Sabi ni Callan, “Nalaman ko na ang may-ari ay totoo. Subalit, kinokontrol siya. Kinokontrol ni Lucjan ang mga salita at gawa niya gamit ng Gu venom.”“Ngunit, nagkita kami ni Childe ng Divine Sword Villa at nag-usap kami sandali. Base sa kanyang mga salita, mukhang hindi siya peke dahil patuloy niyang ipinagmayabang ang tungkol sa maalamat na espada ng Divine Sw