Sa piitan…Si Callan at Bennett ay inihagis sa sahig. Namumutla ang mga mukha nila at kulay purple ang mga labi. Malinaw na epekto ito ng lason.Matapos makita na nahuli si Bennett, kinilabutan ang lahat.Sapagkat tinamaan ang acupuncture point niya, hindi niya makita kung anong nangyari sa likod.Si Jackson na nakasandal sa pader ay nagsalita, “Dalawa pa ang nahuli. Ang isa sa kanila ay si Bennett Caden. Hindi ko kilala ang isa pa.”“Callan, ikaw ba iyan?” tanong ni James.“Oo…” sagot ni Callan habang nahihirapan, “Nahulog ako sa patibong ni Lucjan. Mukhang minaliit ko sila.”Natahimik si James.Kahit sina Callan at Bennett ay nahuli, nandoon pa ang lolo niya at Sect Leader ng Celestial Sect.“Argh…”Umungol siya sa sakit.Sinubukan ni James na palayain ang acupuncture points niya sa pag gamit ng True Energy. Pero, sa oras na ginamit niya ang True Energy niya, matinding sakit ang nagmula sa katawan niya.“Sinusubukan mo ba na palayain ang acupuncture points mo, James?”Isang tawa ang
Sinuri ni Ezekiel ang bakal na sinulid. Ngunit, hindi niya maintindihan kung paano naging bakal na sinulid ang Crucifier.“Hindi ko din alam. Hindi ko pa nga naman nakikita ang Crucifier noon. Ngunit, nakita ko si James na ginamit ang bakal na sinulid para pugutan ng ulo ang mga stone figure head. Siguradong magandang armas ito.”“Kung hindi niya sasabihin sa akin ang sikreto ng Crucifier, pagpipirapirasuhin ko siya,” sigaw ni Lucjan.Samantala, malagim ang itsura ni Ezekiel, “Hindi pa nagpapakita si Thomas. Siya ang pinakamalaking problema. Sa oras na mahuli siya, matuturukan na natin ng Gu venom ang katawan nila.”Matapos ito marinig ni Lucjan, nagsalita siya habang nababalisa, “Bakit hindi pa siya nagpapakita? Masyado siyang makapangyarihan. Napagalaman ko na nasangga niya ang atake ni Bennett at Tobias ng mag-isa habang nasa tahanan ng mga Caden at nagawa pa silang itulak palayo. Sa oras na magpakita siya, kailangan natin gamitin ang Thousand-Machinery Formation. Kung hindi, wala t
Sa isang dungeon sa underground palace… Nakaupo si Lucian sa armchair, naninigarilyo habang nakatingin kay James na umaangil sa sakit. Simple niyang sabi, "James, limitado lang ang pasensya ko. Mula ngayon, papatay ako ng isang martial artist dito bawat sampung minuto." Nang marinig ito, dumilim ang ekspresyon ni James. Tinitigan niya nang masama si Lucian at malamig na nagsabing, "Isinusumpa ko papatayin kita kapag may pagkakataon ako." "Sayang naman at hindi darating ang araw na yun." Ngumiti si Lucjan. Walang makakatakas mula sa Thousand-Machinery Formation. Pinitik niya ang daliri niya. Hindi nagtagal, isang disipulo ng Gu Sect ang naglakad papunta sa kanya nang may hawak na orasan. Sa ilalim ng mga utos ni Lucjan, inilagay ang orasan sa harapan mismo ni James para makita niya ang pagdaloy ng oras. Tik tak… Tik tak… Tik tak… Gumalaw ang kamay ng orasan. Ngumiti si Lucian, "James, nagsimula na ang countdown. Isipin mong mabuti ang sinabi ko. Tandaan mo, i
Tinignan ni Lucjan ang lahat ng tao sa dungeon. Huminto ang mga mata niya kay Callan. Nang napansin niyang may kakaiba, nagsabi siya, "Dalhin niyo si Callan dito." Lumapit ang ilang disipulo ng Gu Sect kay Callan, sapilitan siyang kinaladkad, at ibinato siya sa tabi ni James. Nang nakita ang pawis sa noo niya, tumawa si Lucjan. "Callan, sinusubukan mo bang pakawalan ang acupuncture points mo? Hindi na masama. Magaling ka sa pagtitiis ng sakit. Hindi ka man lang sumigaw." Nanatiling tahimik si Callan. Nagpatuloy si Lucjan, "Kapag tapos na ang sampung minuto, uunahin kong patayin si Callan." Sa sandaling iyon, nakahiga si James sa lapag. Alam niyang nauubusan na siya ng oras. Kailangan niyang pakawalan ang acupuncture points niya. Kapag nakawala na ang acupuncture points niya, makakatakas siya kahit na hindi niya iligtas ang iba. Pagkatapos niyang umalis, hindi na siya mapagbabantaan ni Lucjan. Tahimik niyang pinagana ang Heavenly Breath at bumugdo ang True Heavenly Yan
Hindi layunin ni Thomas na magligtas ng tao. Wala siyang pakialam sa kapalaran ng ancient martial artists. Basta't ligtas si James, kuntento na siyang manuod na lang sa tabi. Ang layunin niya ay ang virus na kontrolado ni Lucjan. Hindi lang iyon, may plano siya kaugnay ng First Blood Emperor at ng Blood Race. Hindi niya rin gustong mamatay si Lucjan. Ang Gu Sect ay isang malakas at maimpluwensyang sect simula pa noong isang libong taon ang nakaraan. Sa nagdaang isandaang taon, dahan-dahang naging halimaw ang Gu Sect sa pamamagitan ng pagkuha ng mga talentadong indibidwal. Ang layunin niya ay ang kontrolin si Lucjan at ang buong Gu Sect. Nanatiling tahimik si Thomas. Samantala, tumalikod si Lucjan para umalis sa inis niya. Naiinis siya na nakatakas si James. Sa sandaling iyon, tumatakas si James papasok sa palasyo. Alam niyang ang tanging daan palabas ay binabantayan ng Thousand-Machinery Formation kaya ito lang ang pwede niyang daanan. Kung makulong siya ulit sa Thousand-Ma
"Mukhang wala akong magagawa." Bahagyang tumango si Lucjan. Sa sandaling iyon, isang disipulo ng Gu Sect ang pumasok at lumuhod. "Sir, dumating na ang First Blood Emperor." “Hahaha!” Nang marinig ito, tumawa si Lucjan. Sa wakas, nandito na ang Blood Emperor. Ginawa ni Lucjan ang lahat para saliksikin ang Gu venom. Kahit na maayos ang resulta ng pagsasaliksik niya, may kulang pa rin sa kanya. Kaya hinanap niya ang First Blood Emperor, isang miyembro ng Blood Race na ang dugo ay naiiba sa isang pangkaraniwang tao. "Tara na!" Tumalikod si Lucjan para umalis. Sa isang kwarto sa underground palace… Naghihintay ang First Blood Emperor sa tabi ng maraming Blood Race martial artists. Nakasuot siya ng itim na caped jacket at sumbrero na natatakpan ang mukha niya. Gayunpaman, nakikita pa rin ang itsura niya. Maputla at walang buhay ang mukha niya na parang isang zombie. Nakaupo siya sa sofa sa isang kwarto sa underground palace. Maraming taong may magkakapareho
Kwinento sa kanila ni Thomas ang ilang sikretong matagal na niyang alam. Bago niya patayin ang Spirit Turtle, narinig na niya ang tungkol sa mga dragon. Gayunpaman, hindi niya alam kung buhay pa rin ang dragon. May isang tao na makakakumpirma sa sa sinabi niya—ang First Blood Emperor ng Blood Race. Habang nakatingin sa First Blood Emperor, nagtanong siya, "Tama ba ako, Blood Emperor?" Mahinahong tumango ang First Blood Emperor. "Oo, tama ka. Gayunpaman, isa ito sa top secrets ng Blood Race. Ang Patriarch lang ang nakakaalam nito. Paano mo nagawang makuha ang impormasyong ito?" Nagtatakang tumingin ang First Blood Emperor kay Thomas na nagpapanggap bilang Ezekiel. Paanong nalaman ni Thomas ang top-secret na impormasyon tungkol sa Blood Race? Ngumiti si Thomas at nagsabing, "Natural ay may mga paraan ako. At saka alam ko rin ang ilang sikreto tungkol sa mga dragon." Nang marinig ito, nagkainteres din si Lucjan. "Anong klaseng sikreto?" "Imortalidad," binulong ni Thom
Mas tamang sabihing nagawa niya lang umiyak nang mahina sa halip na sabihing sinubukan nila ang lahat. Pagkatapos ng ilang minuto, initsa ni Tobias ang martial artist sa lapag. Buhay pa ang martial artist, ngunit mabilis siyang tumatanda. Sa loob lang ng ilang minuto, namuti ang buhok niya. Mukha siya noong nasa limampung taong gulang, ngunit ngayon, mukha na siyang nasa pitompu o walompung taong gulang. Maraming tao ang natulala nang nasaksihan nila ang eksena. Sa kabilang banda, may nakakatakot na ngisi si Tobias sa mukha niya. Mabilis siyang lumalakas. Nakakasabik at nakakamangha ang pakiramdam ng paglakas niya. Napansin ni Tobias si James na nakahiga sa lapag sa katabing selda. “James…”Dumilim ang ekspresyon niya. Hindi nagtagal ay lumabas siya ng selda at nilapitan si James. "Tobias, anong binabalak mong gawin?" seryosong sabi ni Bennett na nakaupo sa lapag. "Tatapusin kita pagkatapos kong higupin ang lakas ni James," walang pakialam na sabi ni Tobias haba