Sa panahong iyon, sinadya ni Maxine na mapalapit sa iba pang family heads. Ang mga Caden, Lee, at Sullivan ang mas malalakas sa Ancient Four. Para naman sa mga Johnston, pinatay ni James ang Grand Patriarch nila na si Yaakov at naapektuhan nang malaki ang pamilya nila pagdating sa lakas. Higit pa roon, ang isa sa mga elder nila, si Kennedy, ay pinatay ni Thea. Natakot ang mga Johnston at nanahimik sila. Alam din ni Maxine na magiging imposibleng makuha sila kaya hindi siya nagsayang ng oras. Ang mga Lee at Sullivan ay dalawang pamilyang pwede niyang subukang mapakampi sa kanya. Matagal na nagsalita si Maxine. "Sapat na ang nasabi ko. Pag-isipan niyo yang dalawa." Naunang tumayo si Yasmine at nagsabing, "Seryoso ko tong pag-iisipan. Aalis na muna ako." Pagkasabi niya nito, tumalikod siya at umalis. Tumayo rin si Zaiden at nagsabing, "Magkikita tayong muli." Magkasamang umalis ang dalawa. Nagtanong si Zaiden, "Ano sa tingin mo, Mrs. Lee?" Nag-isip sandali si Yas
"Pero pakiramdam ko lang may kakaiba sa kanila." "Ano naman yun?" "Hindi mo ba naiisip? Bakit ako tutulungan ng Celestial Sect? Wala silang dahilan para gawin yun. Hula ko ang Sect Leader nila ay isang taong kilala ko." Nakangiting sumagot si Maxine, "Baka ang lolo mo. Isang misteryosong tao si Sir Caden at binuo pa niya ng God-King Palace. Hindi nakakagulat kung binuo niya rin ang Celestial Sect. Hindi ba, Thea?" "Oo nga." Tumango si Thea at nagsabing, "Posible yun. Iniisip ko rin si Sir Caden ang leader ng Celestial Sect. Kahit na hindi siya yun, baka tauhan niya. Kung hindi, bakit nila tutulungan si James nang walang dahilan?" Nagtulungan ang dalawa. Nakumbinsi si James sa sinabi nila. "Kung ganun, wala akong dapat ipag-alala. Siya nga pala, nakasalubong ko ang family heads ng mga Lee at Sullivan sa gate niyo. Anong meron?" Nagpaliwanag si Maxine, "Maliit na bagay lang yun. Kinausap ko lang sila at sinabihan silang pumili ng kakampihan. Sinubukan ko silang kumbins
Wala nang atrasan. Wala na talagang paraan si James para makaalis sa sitwasyong ito. Sa mga grupo ng tagasuportang nakatayo sa likuran niya, kailangan niyang ipagpatuloy ang daang ito nang hindi tumitigil. Seryoso siyang tumango at nangako, "Hindi ko kayo ipapahiya." Sa salita ni James, gumaan ang pakiramdam ni Delainey. Kumain ng simpleng hapunan ang tatlo. Pagkatapos ng hapunan, nagmadaling umalis si James at bumalik sa Red Flame Army base. Maliban kay James, nasa opisina rin ng Emperor sina Henry at Nathaniel sa Red Flame Army base. Inayos ni James ang internal list ng mga tao ng Red Flame Army. Maliban kina Henry at Nathaniel, kaduda-duda ang lahat. Lahat sila ay mula sa iba-ibang grupo kagaya ng Orient Commerce, Gu Sect, o ng Hari. Tinignan ni James ang listahang hawak niya. Sa listahan, may dalawang three-star generals. Isa si Graydon, ang deputy commander na bigla na lang na-promote. Ang isa pa ay si Braxton Micah, na pansamantalang hinawakan ang Red F
"Pero…"Bigla na lang, bumukas ulit ang pinto at pumasok si Gloom sa study. Nang nakita niyang naroon rin si Mia, mabilis siyang nagsabi, "Babalik ako mamaya." Pagkatapos niyang magsalita, sinubukan niyang umalis. "Sige lang at magreport ka na." Pinigilan ng Hari si Gloom na umalis. Lumingon siya kay Mia at nagsabing, "Mia, lumabas ka muna. May aayusin lang ako." "Sige." Nilingon ni Mia si Gloom at tumalikod para umalis. Pagkatapos niyang umalis, nagtanong ang Hari, "Anong nangyari at pinuntahan mo ko nang ganitong oras?" Dumilim ang ekspresyon ni Gloom habang nagpaliwanag siya, "Dumating ang balita na ipinadala ang Red Flame Army." "Ano?" Tumayo sa gulat ang Hari at nagtanong, "Ipinadala ang Red Flame Army?" "Oo." Tumango si Gloom at nagsabing, "Isang libong Red Flame Army soldiers ang ipinadala nila. Kinuha ni James ang mga sundalong yun mula sa Southern Plains. Pagkatapos ng ilang segundo, umupo ang hari at nagtanong, "Sino ang pinupuntirya ni James?" Um
Hindi nanlaban si Graydon dahil alam niyang baka mapatay siya kapag ginawa niya iyon. Hawak ni James ang Blade of Justice at may kapangyarihan siyang magsagawa ng batas nang hindi muna ito bibigyan ng katwiran. Kung kaya't pinili niyang magkompromiso. Naniniwala siya na kakalat ang balita at may taong magliligtas sa kanya. Hindi hahayaan ng mga taong nakasuporta sa kanya na sirain ni James ang balanse sa Capital. Pagkatapos arestuhin ni James si Graydon, hindi niya piniling bumalik sa military region. Sa halip, nagpunta siya diretso sa courthouse. Balak niyang tanungin si Graydon buong gabi at patunayang may sala siya. Pagkatapos, pwede siyang patayin ni James kung makukuha niya ang sentensya ng kamatayan. Gustong malaman ni James kung anong mangyayari pagkatapos mapatay ni Grayson. Papatayin niya ang kahit na sinong lumapit para pigilan siya. Habang dinadala ni James si Graydon sa courthouse, nakaupo si Lucjan sa isang sofa sa bahay niya sa Capital. Isa itong courty
Sinubukan ng bawat isang faction na hulaan ang iniisip ng isa't-isa. Nagpasya ang Gu Sect na hindi kumilos. Si Lance, ang pinuno ng Orient Commerce, ay hindi rin kumilos. Naging mabilis ang biyahe ni James kasama ni Graydon papunta sa courthouse. Tinulak si Graydon palabas ng kotse. Nang nakita niya ang gate ng courthouse, bahagya siyang nataranta at nagmadaling sumigaw, "Anong ginagawa mo, James? Anong ginagawa mo?!" Nang naglalakad si James sa unahan ng hukbo, huminto siya at lumapit kay Graydon. Nagsalita siya nang may maliit na ngiti, "Ano pa bang dahilan bakit kita dadalhin sa courthouse? Ang courthouse ay ginagamit para litisin ang maiimpluwensyang tao. Dapat matuwa ka na sesentensyahan ka sa courthouse." "Sino ka ba sa tingin mo para litisin ako? Bitawan mo ko! Gusto kong tumawag! Bigyan mo ko ng phone. Kailangan kong tumawag!" Nataranta si Graydon. Alam niyang kung hindi siya tatawag ng tulong, magiging huli na ang lahat kapag dinala siya sa courthouse at napa
Ang Sol ay isang bansang may istriktong batas at regulasyon. Magiging mahirap na tanggalin ang isang chief justice sa pamamagitan ng pormal na proseso. Para naman kay Graydon, hindi rin dumaan si James sa tamang proseso. Kung hindi, kailangan niyang manghingi ng paglilitis mula sa Hari. Mag-iisyu ang Hari ng dokumento at sasabihan ang ilang partido na aprubahan ito. Maaaresto lang siya ni James pagkatapos pirmahan ng mga partido nang dokumento. Binaba ng Hari ang tawag. Pinag-isipan ito sandali ni James. Inisip niyang kailangan niyang kontrolin ang courthouse para magawa niya ang mga plano niya. Sa hinaharap, ang courthouse ay magiging isang mahalagang lugar. Kung kaya't hindi niya gustong makontrol ng ibang factions ang courthouse. Pagkatapos itong pag-isipan, tinawagan niya si Maxine at nagsabing, "Maxine, kailangan kong mag-imbestiga ka tungkol sa isang tao." Narinig mula sa phone ang boses ni Maxine. "Sino?" "Ang chief justice ng courthouse, si Francesco."
”Walong taon na ang nakakaraan, may nobya kang nabuntis. Balak niyang iluwal ang bata, ngunit palihim kang kumuha ng mga tao para ipalaglag ang bata. Heto ang impormasyon sa treatment records ng nobya mo sa ospital. Meron din kaming DNA report ng hindi nailuwal na bata. “Limang taon na ang nakakaraan, palihim mong pinabagsak ang isang consortium at kumita ng sampung bilyon. Ito ang mga kalakip na ebidensya.”…Tiningnan ni Francesco ang mga nakalahad na ebidensya at binasa ang mga ito isa-isa. Nang marinig ito, namutla ang mukha ni Graydon. Sinigaw niya, “Imposible! Hindi ito maaari! Isa itong paratang! Hindi ko ginawa ang mga ito! Gusto kong makita si Lance! Gusto kong makita ang Hari!“Wala kang kwalipikasyon para litisin ako, James!“Isa akong three-star general, James! Kailangan mo ng naaprubahan na dokumento mula sa Hari para arestuhin at litisin ako! Nasaan na ang dokumento? Kung wala kang dokumento, wala kang karapatan na hatulan ako!”Nataranta si Graydon at patuloy na