Kabanata 1474
Tatlong libo na disipulo mula sa Celestial Sect.

Sa tulong ng tatlong libong disipulo, hindi na niya kailangan mag-alala na baka hindi matupad ang mga plano niya.

Matapos ang ilang sandali, kumalma siya at tinignan si White Eagle. Pagkatapos, nagtanong pa siya, “Anong rason ng Sect Leader para tulungan ako?”

Ngumiti si White Eagle at sumagot, “Itinayo ang Celestial Sect para rumesponde sa parating na kalamidad. Ang layunin ng sect namin ay para panindigan ang hustisya. Kahit na mga desperado kami, naninindigan kami para sa hustiya.”

“Mgm, rasonable naman.”

Sumangayon si James sa mga salita ni White Eagle.

Nakipag-usap siya ng matagal kay White Eagle.

Matapos ang mahigit sa isang oras, umalis na si White Eagle.

Nakahinga ng maluwag si James.

Humarap siya kay Thea sa tabi niya at nagsalita habang nakangiti, “Sa tulong ng Celestial Sect at Mount Thunder Sect, magiging maayos ang takbo ng lahat. Gusto ko makita kung sino ang may lakas ng loob para harangin ako.”

Nakuntento si Thea matapos
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP