Chapter 9
“Sir!”
“Huwag matigas ang ulo mo!” he hissed and deposited her at the passenger seat of the car.
Bubuka pa sanang muli ang bibig niya nang bigla na lang siyang pagsarhan ng pinto ng hudyo. Nakaawang ang mga labing sinundan niya ito ng tingin nang mag-jog ito patungo sa kabilang side ng kotse.
He placed himself at the driver’s seat and starts the engine of the car. Bumalik ito sa gate ng compound at mabilis na pinausad ang sasakyan palabas.
Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang ilan niyang ka-batch mate na nakatingin sa kotse. Malamang nakita rin ng mga ito nangyari kanina. Hindi na siya magtataka kung laman na siya ng tsismis kinabukasan.
Chapter 9 (Part 2) Gideon tightens his grip on his steering wheel. He was clenching his jaw and doing his best to stop himself from taking a U turn and drive back to the jeep's terminal and drag that woman to his car. He should be in hospital at this point of time or in his office, working his as* off with piles of paper that he needs to study and sign. His father was in the hospital. Nagkaroon ito ng minor heart attack kahapon. He and Carollete drag their ass out of the mall and rushed towards the hospital when his mother called. Matanda na ang daddy niya, naghahanap na ng apo. Akala yata ng matanda ay hinuhugot lang sa tadyang ang bata. Nasa meeting siya kanina kahit kulang siya sa tulog dahil inasikaso niya ang kanyang ama kahapon. Sinamahan niya ang mommy niya sa pananatili nito sa hosp
Chapter 9 (Part 3) Napatanga si Lyzza sa papel na hawak-hawak kung saan nakalagay ang bago niyang schedule. Alas-singko pa lamang nang umaga nang binulahaw siya ni Ms. Helen para sabihing may bago siyang schedule at kailangan na nasa Vesaruis Airlines na siya ng alas-sais dahil maagang aalis ang eroplanong nakatoka sa kanya patungong Davao. At ngayon nga ay nakatanga siya sa papel na hawak-hawak dahil private plane pala iyon at hindi public. Higit sa lahat, super VIP ang nakasakay sa eroplano kaya kailangan talagang maganda ang serbisyo niya. Gusto niyang mapakamot ng kilay dahil hindi niya maintindihan ang trip ni Ms. Helen kung bakit siya inilagay nito roon? Wala pa nga siyang kahit isang experience sa actual field dahil baguhan pa lang siya at nagte-training. Nasaan ba ang mga senior fli
Chapter 10 (Part 1) Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ni Gideon nang makita siya nito. She stilled on her feet and unconsciously held the edge of the plane’s door. “Bakit si Sir Gideon ang nandito?” mahinang tanong ni Ian sa kanyang tabi. Ramdam niya ang pagiging unkomportable nito sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung bakit ganon ang reaksyon nito kay CEO Vesarius. His unexpected visit seems made Ian tensed. Mabilis itong bumaba ng hagdan kaya sumunod na rin siya. “Good morning, Sir. The plane is ready,” wika ni Ian at magalang na yumuko sa harap ng lalaki. “Good morning, Sir.” Bahagya na rin siyang yumuko kahit pa naiilang na naman siya sa mg
Chapter 10 (Part 2) “Ubusin mo ‘yan.” He took a sip on his coffee before pulling his eyes back to his tablet. Gayunpaman ay nakikita niya pa rin ito na pasulyap-sulyap sa kanya. She drank the glass of orange juice when he spoke again. “How’s your foot?” “Ayos na po. Hindi na masakit. Nadala ng hilot at cold compress.” “That’s good. You should dispose your old shoes. Itapon mo na kapag dalawang buwan mo ng gamit.” Nasamid siya sa sinabi nito. Dalawang buwan pa lang, papalitan na niya? Aba, kung mayaman siya, may-ari ng factory ng sapatos at walang naghihirap sa mundo, bakit hindi? Pero dahil hindi siya mayaman, walang siyang sariling pagawaan ng sapatos at maraming nagugutom
Chapter 10 (Part 3) Nang tuluyan silang makalabas sa paliparan at binabaybay ang highway, pasulyap-sulyap siya sa lalaki. Hindi lang pala siya! Maging ito rin ay panay rin ang sulyap sa kanya. Isang beses na nagkasabayan sila ng tingin sa isa’t isa ay namula ang kanyang pisngi at nagbaba ng tingin. Nahihiya siya dahil nahuli siyang nakatingin dito. Eh, ano ngayon? Di ba, tingin din ito ng tingin sa kanya. Mas mabuti pa nga siya at patago lang. Ito kasi ay titig talaga kung titig. Hindi man lang ba ito marunong makiramdam na naiilang siya sa mga titig nitong tagusan? Pakiramdam niya tuloy ay pati kaluluwa niya ay nababasa nito. Muli na naman niyang inamin sa sarili kung gaano ka-gwapo si Gideon Vesarius. Pinagpala ang lalaki—sa lahat lahat! Ilang minuto lang ang nakalipas, iniliko ni Gideon sa isang driveway ng hotel ang kotse nito. Nasa bungad pa lamang sila ay kitang-kita na niya ang malaking pangalan ng lugar. Almeradez Hotel ang nabuo ng mga l
Chapter 11 (Part 1) Umawang ang kanyang mga labi sa gulat nang makitang magkasalubong ang mga kilay na in-end ni Gideon ang tawag at matalim siyang tiningnan na para bang may ginawa siyang kasalan dito. “Akin na ‘yan!” Tinangka niyang agawin ang kanyang cellphone mula rito. Ngunit, dahil sadyang tarantado si Gideon, inilayo pa nito iyon sa kanya. “Ibalik mo ‘yan. Hindi naman ‘yan sa ‘yo.” Pilit niyang inaagaw ang cellphone niya rito na panay naman ang layo nito sa kanya. At dahil matangkad ito at malaki ang katawan ay mistula siyang batang paslit na halos maglambitin sa katawan nito. “Boss, akin na!” Kulang na lang ay pumadyak siya sa inis at halos tadyakan ang lalaki. Chapter 11 (Part 2) Agad niyang ni-dial ang number ni Caius nang marinig niya ang paglapat ng pinto pasara. Dalawang ring lang ay agad na sinagot ng kapatid ang kanyang tawag. “Ate,” bungad nito. “Hinahanap ka na ni Summer. Bakit wala ka pa raw, eh gabi na.” Hinawi niya ang blinds sa ceiling to floor na salaming pader ng suite. Bumungad sa kanyang mga mata ang mga naglalakihang building na buhay na ang mga ilaw. Nag-aagaw dilim na ang kalangitan. Lampas alas-sais na ng gabi. Ganon ba siya katagal natulog? Kaya pala kumakalam na ang sikmura niya dahil hindi siya kumain ng pananghalian kanina. “Paka-usap naman sa kanya Cai. Nandyan ba siya?” “Summer,” tawag nito sa anak niya sa kabilang linya. SandaChapter 11 (Part 2)
Chapter 12 Hinawakan siya nito sa kamay na ikapitlag niya. Voltage of electricity rushed in her system again with the mere touch of their skin. Subalit, hindi katulad kanina ay hindi na siya gaanong nagulat. Mahina siya nitong hinila patungo sa mga nakahilerang mga mesa habang nasa isa nitong kamay ang plato na nag-uumapaw sa dami nitong kinuhang pagkain. Inilapag nito ang dala-dala sa mesa kung saan ito nakaupo kanina. May dalawa pang tao roon na nakatingin sa kanila nang pinaghila siya ni Gideon ng upuan. Ngumiti sa kanya ang babae at naglahad ng kamay. “I’m Ellaine Almeradez.” Nahihiyang tinanggap niya ang kamay nito. “Lyzza Pacammara po, Ma’am.” Naaliw na natawa ito sa sinabi niya. “Just call me, Tita Ellaine.” Tumango siya at sinuklian ng ngiti ang babae. Mukha naman itong mabait at kahit medyo may katandaan na ay nababakas pa rin ang kagandahan nito noong kabataan, Siya kasi ay hindi head-turner. Paran