Chapter 4

Chapter 4

Gideon was talking to a middle-aged man. Wala na ang mahabang balbas nito na siyang nagbigay ng mas malakas na appeal sa lalaki. Maangas pa rin ang pagkakaman-bun ng buhok.

            Ang mukha ay seryoso pa rin pati na rin ang pagkakatindig ay lalaking-lalaki na para bang ipinapakita nito na ang ka-angasan sa lahat.

            “Students, this way!” narinig niyang anunsyo ng kung sino dahilan upang maalis ang paningin niya sa lalaki. Gayundin ang mga babae niyang kaklase na naghagikhikan pa habang naglalakad sila paalis sa main entrance ng building.

            “We will divide you in to two groups. One of the groups will be interviewed by the CEO himself and the rest will be interviewed by me—the head HR,” wika ng babaeng nasa harap nila. The girl is prim and proper. She looks like a strict professor of the university. Iyong tipong matandang dalagang propesor na ibabagsak ka sa subject niya.

            “I’m Ms. Hillary. Group yourselves now, Students. I don’t care kung hindi kayo magkaka-block.” Sinundan pa iyon nito ng palakpak.

            “Magkagroup tayo, Ate,” nakangising sabi ni Quincy sa kanya na muling pumwesto sa tabi niya matapos pumunta sa kumpulan ng mga babaeng kaklase upang makipagdaldalan kaninang sakay sila ng elevator. “Doon tayo sa i-interview-hin ng CEO.”

            “Di ba parang mas mahirap do’n?”

            “Iyon na nga eh, dapat challenging para magpa-impress.”

            Kunot-noong tiningnan niya ito. Bahagyang tinaasan niya ito ng kilay dahil alam niya ang klase ng kislap ng mata nito.

            “Eh kasi, Ate. Sabi ng mga kaklase nating babae, ‘yong nasa lobby daw na mukhang Greek God ang CEO. Ang gwapo, kinilig pati atay at balun-balunan ko,” sabi nito at halos maglambitin pa ito sa braso niya habang pumapadyak-padyak ang mga paa.

            Napaawang ang kanyang bibig at nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Quincy.

            “Iyong lalaking tinitingnan natin sa lobby? Siya ang CEO?”

            Nginisian siya nito at sinudot-sundot sa tagiliran. “Oh, di ba? Tiningnan mo din. Ang gwapo ‘no?”

            “Siya?” kulit niya pa rin dahil hindi nito sinasagot ang tanong niya. May ideya na siya pero gusto niyang makasigurado.

            “Oo, Ate. Kaya do’n na tayo sa CEO magpa-interview. Gustong kong makasilay ulit ng anghel na bumaba sa langit.”

            Naagaw niya ang braso na hawak-hawak nito. “H-Hindi. Doon na lang ako sa head ng HR.”

            Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang naduwag sa kaisipang makakaharap niya ang lalaking bumili sa kanya.

            “Ha?! Bakit do’n, huwag doon.” Mas lumapit si Quincy sa kanya. “Tingnan mo nga iyang head ng HR. Mukhang masungit. Kamukha niya yong propesorang nagbibigay ng singko sa grades,” mahinang bulong nito sa tainga niya.

            Mahina siyang natawa at pabirong siniko ito. “Marinig ka niyan. Auto-bagsak ka.”

            Quincy laughed. “Kaya nga. Kung babagsak din lang naman sa interview, aba doon ka na sa makakasilay ng hulog ng langit.”

            Sasagot pa sana siya ngunit naitikom niya ang kanyang bibig nang tumikhim si Ms. Hillary. At saka pa lamang nila napansin na tahimik na nakatingin sa kanila ang mga kasamahan.

            “If the two of you still wants to gossip, the door is open. You can leave freely,” masungit na wika ni Ms. Hillary habang nakataas ang isang kilay.

            Napayuko siya at napapikit. Unang araw pa lang eh.

            “I’m sorry po,” nahihiya niyang paghingi ng paumanhin.

            “Well, you should be. You, what’s your name?” baling nito kay Quincy Mae.

            “Q-Quincy.”

            “And you wish to be interviewed by the CEO, right?”

            Ngumiti ng malaki ang kanyang kaibigan. “Yes, Ma’am.”

            “Then you will be interviewed by me.”

            “P-Pero,” tutol nito.

            “No buts. Kung may reklamo ka, I can directly give you fail remark at this very moment!”

            “Ako na lang po sa inyo, Ma’am,” singit niya.

            Ngunit sa halip na sundin, umiling ito at tiningnan siya ibabaw ng suot nitong salamin. “No, you are going to be interview by the CEO.”

            Wala na silang nagawa dahil tumalikod na ito at iginiya ang mga estudyante patungo sa HR department. Nagkatinginan sila ni Quincy Mae at napangiwi siya.

            Maya-maya pa ay pumadyak ito sa kinatatayuan at mataray na humalukipkip. “Bad trip na Ms. Hillary na iyon. Menopausal yata, hmp!”

            “Bata pa ‘yon. Ilang taon lang yata ang tanda sa akin,” aniya.

            Muli itong pumadyak at bumusangot. “Ah, basta. Menopausal siya.”

            Napanganga siya nang mabibigat ang mga paang sumunod ito sa grupo.

            Minutes later, she found herself sitting in one of the benches outside the chief executive office. Alam naman niyang malamig ang paligid niya nang mga oras na iyon. Pero hindi niya malaman kung bakit literal na nanginginig ang kanyang mga kamay at paa nang mga oras na iyon. Dahil ba iyon sa aircon o sa kaba?

            Lihim niyang hinihiling na sana ay hindi siya nito mamukhaan. It’s been four years at sigurado siya na magiging awkward ang muli nilang pagkikita kung sakaling mamukhaan man siya nito. At sigurado rin siya na bagsak siya sa interview na ito.

            “Ms. Lyzza Pacamara?” narinig niya ang tinig ng lalaking sekretarya ng CEO.

            Gusto niyang magtaas ng kamay ngunit hindi niya magawa. Tumatambol sa kaba ang kanyang dibdib.

            “Ms. Lyzza Pacamara? Is she here?” ulit ng secretary dahilan para magsilingunan ang kanyang mga kasama sa kanya.

            Napalunok siya at halos kinailangan pa niya ng tulong ng kaliwang kamay para maitaas niya ang kanang kamay.

            “A-Ako…” aniya.

            The secretary of the CEO eyed her from head to toe and back to her face. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya at binuksan ang pinto ng opisina ni Gideon.

            “You are next. Sir Gideon Vesarius is waiting for you,” banggit nito sa buong pangalan ng lalaki. Iba ang dating sa kanya ng tunog ng pangalan na iyon.

            Gideon sounds powerful. Dinagdagan pa ng apelyidong Vesarius, the owner of Vesarius Airlines.

            Gusto niyang manliit.

            “T-Thank you,” wika niya at kiming pumasok sa pinto na binuksan nito.

            “Goodluck!” the secretary said as she went outside.

            Pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa kanyang ribcage dahil sa lakas ng tibok niyon. Nagwawala sa kaba.

            Nakayukong naglakad siya patungo sa gitna ng opisina, sa harap ng malaking office table ng chief executive officer. Hindi niya man itaas ang paningin, sa gilid ng kanyang mga mata, nakikita niya ang malaking bulto ng tao na naka-upo sa swivel chair na nasa likod ng mesa.

            Kabadong pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri sa kamay habang nakayuko pa rin nang marinig niya ang pagtikhim ng kasama niya sa loob ng kwartong iyon.

            “Introduce yourself, please,” wika ng pamilyar na boses. Pamilyar na pamilyar sa kanyang pandinig, utak—sa buong sistema niya.  Deep, dangerous and sexy. Lalaking-lalaki ang dating.

            Muli siyang napalunok. Kung binibilang lang niya kung naka-ilan na siyang lunok ng araw na iyon ay baka kulangin ang mga daliri niya sa isang kamay.

            Ilang sandali niya pang pinaglaruan ang mga daliri bago siya humugot ng malalim na hininga. Itinaas niya ang kanyang ulo at tiningnan ito.

            “M-My name is Lyzza Pacamara, Sir,” she stuttered as she met those dangerous deep brown eyes.

            Ngayong nakita niya ulit ito nang malapitan matapos ang apat na taon, natanto niyang may nagbago rito.

            Wala na ang mahabang balbas nito na dati ay magpapakamalang pulubi dahil doon. May mga stubbles pa rin ito sa pisngi at panga na mas nakapagpadagdag dito ng appeal. His hair is still in a man bun. He was still the ruggedly handsome she met four years ago. But now, he was in suit and tie inside his wide and luxurious office.

            “Lyzza,” namutawi sa mga labi nito ang kanyang pangalan at hindi niya napigilan ang sarili na bahagyang pangaligkigan dahil sa klase ng pagkakabanggit nito sa pangalan niya. It was like, he was tasting her name in his sinful and sexy mouth.

            She saw him took a glimpse on her resume that was on his table. Tumagal iyon ng ilang segundo bago muling ibinalik ang tingin sa kanya.

            ‘Please don’t let him remember me,’ piping dalangin niya. Gusto niyang makapasok sa kumpanyang ito para sa anak niya—anak nila na hindi alam nito at hindi iyon mangyayari kung mawawala siya sa pokus dahil sa kaharap niya ang lalaking ito.

            Ngunit sadya yatang hindi nakikisama sa kanya ang tadhana sapagkat mas tinitigan siya ni Gideon. Kapagkuwan ay ipinatong nito ang mga siko sa glass cover ng mesa nito at ipinagsiklop iyon.

            “So, your name is Lyzza, huh.” Gideon Vesarius smirks like he was mocking her. “I thought its Rona.”

            “Hindi ko po alam ang sinasabi niyo, Sir,” pagsisinungalin niya at itinaas ang noo para ipakitang hindi nga siya nagsisinungalin.

            She chose to lie. Kunyari hindi niya ito kilala o kaya ay hindi niya alam ang nangyari sa pagitan nila ng gabing iyon.

            Gideon forehead creased. Halos magdikitan ang makakapal at itim na itim nitong mga kilay dahil sa sinabi niya. 

            Halos mapa-atras siya nang tumayo ito mula sa pagkaka-upo sa swivel chair nito. Mabuti na lang at nakurot niya ang sarili para huwag gawin iyon. If she did that, mahahalata nito na kabado siya at nagsisinungalin.

            He walks towards her at hindi siya nagbaba ng tingin. Pinanood niya ang paglapit nito sa kanya at sinalubong niya ang mga mata nito. Nagtatapang-tapangan lang siya sa harap nito ngunit ang totoo ay halos pangatugan na siya ng tuhod dahil sa kaba at pagkapahiya sa sarili.

            Gideon stops in front of her. And just like before, halos manliit siya sa harap nito. He was literaly towering her. Masyado itong matangkad at malaking tao. She has no idea kung paano niya ito nakaya ng gabing iyon.

            “You don’t know me. Is that you are trying to imply, Ms. Pacammara?” mahinahon nitong tanong ngunit may bahid ng pagka-inis.

            “Well,” simula niya at humabi na naman ng kasinungalingan. “Kilala po kita kasi nababanggit ka po ng mga kaklase ko.”

            “Po? I am too old for you to put ‘po’ in your words, Ms. Pacamara?”

            Binasa niya ang kanyang labi bago ito muling sinagot. “You are the CEO of the Vesarius Airlines, Sir and you are older than me so, as a respect I am using that word. Yes.”

            “I am just thirty-three, d*mn it!” singhal nito. Hindi niya alam kung siya ba ang sinisinghalan dahil tumingin ito sa ibang direksyon. Pero dahil sila lang namam dalawa ang naroroon, malamang siya nga ang sinininghalan nito.

            “Still older than me po,” sagot niya.

            She saw how his jaw clenched as he looked at her again. “And you said that you don’t know me.” Ulit nito, makulit din. 

            “Yes, Sir.”

            “Playing, huh?!” tumango-tango pa ito na para bang alam na nito ang ginagawa niya. And that makes her more nervous.

            “Hindi po ako naglalaro—”

            “Four years ago. In the auction…at the hotel,” putol nito sa kanya.

            Napahawak siya sa laylayan ng kanyang suot-suot na pencil skirt. “Hindi ko po alam ang sinasabi ni’yo.”

            Bakit ba nito kailangan ipaalala?

            “Mukhang kailangan kong ipaalala sa ‘yo,” he said in a deep and husky voice. With that, he grabbed her waist and pulled her against his hard and muscled chest.

            Hinawakan nito ang kanyang pisngi at bago pa man siya makagawa ng kahit anong reaksyon, lumapat ang labi nito sa labi niya. Bolta-boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong sistema niya dahil sa halik na iyon. Halik na nagpawindang sa buo niyang pagkatao.

            Nanlalaki ang kanyang mga mata at ang tanging nagawa lamang niya nang mga oras na iyon ay mas humigpit ang pagkakahawak sa laylayan ng kanyang suot na skirt.

            His lips move. Giving her hot kisses, French kissing her. Trying to get a response from her. Ngunit dahil masyadong siyang gulat sa ginawa nito, hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan.

            Then, his pace changed. Mas naging marubdob ang halik nito sa kanya. He was frustrated at halos kainin na nito ang labi niya. When he lightly bites her lower lip, saka pa lamang siya natauhan.

            Malakas na itinulak niya ito sa dibdib. Gusto niya itong sampalin, ngunit hindi niya magawa. Hindi niya mahanap ang sarili na magalit dito. Dahil aminin man niya sa sarili o hindi, pinanghinaan siya ng tuhod sa halik na iyon. She wants to grip his shirt and clung to his neck and kiss him back just like what she did that night.

            Gideon grins at her and put his thumb on his lips. Dinilaan nito ang sariling labi at hinaplos iyon.

            “Now, you can’t deny. I know it’s you. The same addicting strawberry perfume and same taste of lips that I ravished,” wika nito.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng gilid ng kanyang mga mata. Ravished? P****k ba ang tingin nito sa kanya?

            Bumuka ang bibig niya at pinilit ang sarili na huwag umiyak. “It was me,” amin niya. Nagpasalamat siya na hindi pumiyok ang boses niya. “Can we now procced to my interview, Sir.”

            Pinili niyang langkapan ng pagkaseryoso ang kanyang tono. Hindi na niya ito tiningnan sa mukha bagkus nanatili ang mga mata niya sa dibdib nito.

            Ang akala na niya ay hindi na ito muling magsasalita pa dahil nanahimik ito ng ilang sandali. But she heard his voice after a while.

            “You can go. You’re done.”

            Tuluyan ng tumulo ang isang butil ng luha sa kanyang pisngi. Yumuko siya bilang paggalang at para huwag nitong makita na umiiyak siya. 

            Mabigat ang dibdib na tinalikuran niya ito at lumabas ng opisina. She felt so low. Alam na niyang hindi siya matatangap sa paliparan na iyon. Pinaramdam ni Gideon sa kanya na ang katulad niyang nagbenta ng katawan ay hindi karapat-dapat paglaanan ng oras.

            Hindi nga ba’t hindi man lang siya nito ni-interview?

            How heartless!

pariahrei

Enjoy reading

| 77
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo