Chapter 20

Chapter 20

Itinigil ni Gideon ang sasakyan nito sa harapan ng isang malaking bahay—hindi, mansion iyon—sa loob ng isang exclusive subdivision. Excited na sumilip si Summer na hanggang ngayon ay nasa kandungan niya pa rin at hindi pumayag na lumipat sa backseat kanina.

“Daddy, your house is big po,” halos patiling wika ni Summer at mas idinikit pa ang mukha sa salamin ng kotse. 

“You like it?” 

Nilingon nito ang ama at sunod-sunod na tumango na mahinang ikinatawa ni Gideon. An amusing laugh but sexy in her ears. Gusto niyang mangaligkig nang magsitaasan ang balahibo niya dahil sa sexy nitong tawa. 

“Maganda rin po ang house natin now but this is more beautiful, di ba, Mommy?” 

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP