Inicio / Urban / Realistic / Ang Alamat ng Dragon General / Capítulo 391 - Capítulo 400
Todos los capítulos de Ang Alamat ng Dragon General: Capítulo 391 - Capítulo 400
3800 chapters
Kabanata 391
Ang perang yun ay gagamitin niya dapat bilang kapital para sa pagbangon ng kanyang kumpanya. “Tama siya, nakatanggap siya ng pera mula sa ibang tao. Hindi naman talaga sa kanya ang pera sa simula. Hindi ka lang naman tutunga dyan at papanoorin ang kapatid mo na kikilan ng mga loan shark, tama?” Desperadong sinabi ni David. “Kung hindi ang mga loan sharks ang papatay sayo, ako na ang gagawa!” Sa galit niya sa kawalang hiyaan ng kanyang anak, nagpatuloy si Gladys sa paghampas kay David gamit ng walis.. “Thea, pakiusap. Ako lang ang nag-iisa mong kapatid.” “Pakiusap, Thea… Tulungan mo si David. Alam na niya ang leksyon niya! Hindi na niya uulitin ang pagkakamaling ito kahit na kailan.” Lumuhod ang mag-asawa sa paanan ni Thea at nagpatuloy na nagmakaawa. Pagkatapos bugbugin si David, tiningnan ni Gladys si Thea. “Thea, may pera ka naman sa card mo, tama ba? Bakit hindi mo na lang sila tulungan na bayaran ang utang nila? Kaya mo naman kitain ulit ang pera, pero kapag na
Leer más
Kabanata 392
Walang ibang pagpipilian si Thea. Sa puntong ito, ang tanging magagawa niya ay ilabas ang pera at tapusin ito. Dahil mula naman sa ibang tao ang perang ito, hindi gaanong masama ang loob niya na pakawalan ito. Huminahon si Gladys noong bumigay si Thea sa pangungumbinsi nila. Bumuntong hininga siya, "Salamat, Thea." Humarap siya kay David, at seryoso niya siyang kinausap, "Simula sa araw na 'to, hindi ka na pwedeng umalis ng bahay ng wala ang permiso ko." "Oo, sige." Alam ni David na wala siyang pagpipilian kundi ang pumayag. Pagkatapos ng kanilang mainit na diskusyon, napagdesisyunan ni Thea na ang pinakamabuting gawin ay ang bayaran ang mga utang ng kanyang kapatid. Tok! Tok! Tok! May narinig silang kumakatok sa pinto. "Sagutin mo ang pinto, Benjamin." Ang sabi ni Gladys sa kanyang asawa. Sinagot ni Benjamin ang pinto. Nakatayo sa labas ang isang lalaki at isang babae na nasa kanilang twenties. Nakasuot ng isang suit at tie ang lalaki. Ang bab
Leer más
Kabanata 393
Walang magawa si Gladys kundi pigain ang kanyang mga kamay. Nataranta ang buong pamilya. Noong inakala nila na wala nang ilalala pa ang kanilang sitwasyon, dumating ang sulat mula sa abogado ng mga Xenos upang palalain ang lahat. Inakusahan nito si Thea sa ilegal na pagkuha sa pera ng iba at paggamit sa 500 milyong dolyar. Hinihingi nito na ibalik niya ang pera sa loob ng itinakdang oras. Kung hindi, makakasuhan siya. Gaya ng sabi sa kasabihan, ‘When it rains, it pours.’Bago pa man nila mabayaran ang mga utang ni David, binawi na ng mga Xenos ang pera sa bank account ni Thea. Naharap sa isang napakalaking problema ang mga Callahan.Nagpulong sila. Walang sinuman sa kanila ang makapagsalita. Nakakasakal ang katahimikan.“Umisip ka ng paraan, mom.” Binasag ni Alyssa ang katahimikan sa kanyang desperasyon. Walang magawa si Gladys. Ano namang magagawa niya?May utang pa silang 500 milyon sa mga Xenos. Idagdag mo ito sa mga loan na nagkakahalaga ng 800 milyon at ang mga
Leer más
Kabanata 394
Malaking problema ang kinakaharap ng mga Callahan. Kailangan nilang makaisip ng paraan kung paano aayusin ang problema. Maliban sa mga loan, kailangan nilang maibalik ang 500 milyon na utang nila sa mga Xenos sa lalong madaling panahon. Mayroon pang 100 milyon si Thea sa kanyang company account na maaari niyang i-withdraw. Nasa halos 300 milyon naman ang halaga ng villa na niregalo sa kanya ng Black Dragon. Siguradong madali nila itong mabebenta sa halagang 300 milyon kahit na ibenta pa nila ito ng mas mababa sa market price nito. Subalit, kulang pa din sila 100 milyon. Saang sulok naman ng mundo siya kukuha ng 100 milyong dolyar? Naglakad-lakad siya ng walang patutunguhan. Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa tapat ng Majestic Corporation. Gusto niyang makita ang misteryosong Mr. Caden. May kumakalat na mga balita na nasa Southern Plains siya ngayon at nakikipaglaban sa dalawampu't walong mandirigma sa Mt. Thunder Pass at napapaligiran ng is
Leer más
Kabanata 395
Kung may silbi lang sana ang asawa niya… Kung makapangyarihan at maimpluwensyang tao lang sana si James, hindi sana siya magkakaroon ng ganitong problema. Sa kasamaang palad, basura ang asawa niya. Si James ay isa lang walang kwentang son-in-law ng mga Callahan. Huminahon si James pagkatapos ng tawag. Hinagis niya ang kanyang phone sa mesa at nagtanong siya, "Kamusta ang kondisyon ni Henry?" Sumagot si Levi, "Maayos naman ang lagay niya." "Magaling. Bantayan niyong maigi ang kondisyon niya. Sabihan niyo ako agad kung may problema." "Masusunod." "Iwan mo na ako. Pagod ako. Babalik na ako sa pagtulog." Hinayaan ni Levi na magpahinga ang kanyang commander. Humiga na sa kama si James. Pagod na pagod siya. Napagod siya ng husto pagkatapos ng laban niya sa dalawampu’t walong mandirigma sa Mt. Thunder Pass. Ang malala pa dito, kinailangan niyang tumakas mula sa hukbo ng isang daang libong malalakas na mandirigma buong gabi. Pagod na pagod na ang katawan niya.
Leer más
Kabanata 396
Wala nang ibang pagpipilian si Thea. Ang tanging tao na makakapagligtas sa kanya at sa kanyang pamilya ay si Zavier.Naghintay ang dalawa sa isang restaurant.Nagmadaling pumunta si Zavier. Nakarating siya sa restaurant sa loob lang ng kalahating oras.Napakagwapo at karismatiko siyang tingnan. Nakasuot siya ng isang designer suit at isang mamahaling relo.Pagpasok niya, binati niya ang dalawang babae, “Hello, Thea. Hey, Quincy.”Agad na tumayo si Thea, “M-Mr. Watson.”Nanatiling nakaupo si Quincy. Nakaupo siya sa isang tabi at nginitian niya si Zavier. Tinuro niya ang isang bakanteng upuan sa tabi ni Thea at sinabing, “Maupo ka, Zavier.”Umupo si Thea.Ganun din si Zavier.Nakaupo ang dalawa sa tabi ng isa’t isa. Inusog ni Thea ang upuan niya upang panatilihin ang distansya sa pagitan nila ni Zavier.Tumingin si Zavier kay Thea at nagtanong siya ng may ngiti sa kanyang mukha, “Oo nga pala, nasaan ang asawa mong si James?”“N-Nasa business trip siya.”“Ganun ba?”Nagkibi
Leer más
Kabanata 397
Bakit kinailangan niya siyang pagnakawan? Bakit kinailangan niyang magsugal? Bakit kinailangan niyang umutang ng ganun kalaki?Kung hindi dahil kay David, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Pag-alis ni Zavier, agad niyang pinuntahan ang mga Xenos. Ang mga Watson at ang mga Xenos ay parehong parte ng Five Provinces Business Alliance. Kahit na mula sila sa Cansington at sa North Cansington, malapit ang mga pamilya nila sa isa't isa. Sa villa ng mga Watson sa Goodview Villa District, personal na sinalubong ni Zavier si Zack, "Welcome, Mr. Xenos." "Matagal tayong hindi nagkita, Zavier." Niyakap nila ang isa't isa. Sa bulwagan ng unang palapag ng villa, ngumisi si Zack, "Anong maitutulong ko sa'yo, Mr. Watson?" Nagdesisyon si Zavier na sabihin agad ang pakay niya. "Ang dinig ko nagbigay ng 2 billion dollars ang mga Xenos kay Thea. Narinig ko rin na binawi niyo ang 1.5 billion at gusto niyo ring maibalik sa inyo ang natitirang 500 million." Nagdilim ang mukha ni Zack
Leer más
Kabanata 398
Matagal na itong pinagplanuhan ng mga Watson. Sa mga nakalipas na taon, tanging mga legal na negosyo lang ang ginagawa nila at kailanman ay hindi sila nasangkot sa mga ilegal na gawain. Isa itong napakagandang pagkakataon. Kailangan ng mga Watson ng isang puppet, at si Maximus ang perpektong kandidato para dito. Dahil hindi makakabuti kung magpapakita ang iba sa mga Watson, si Zavier ang tamang tao para sa trabahong ito. Kinumpas ni Zavier ang kanyang kamay, tinanggihan niya ang mga babaeng nakasuot ng malalaswang damit. Tumingin siya kay Maximus at sinabing, "Narinig ko na humiram ng 800 million dollars ang kapatid n8 Thea, na si David, mula sa'yo." "Oo, Mr. Watson. May ginawa ba ang mga Callahan sa'yo?" Kinumpas n8 Zavier ang kanyang mga kamay. "Hindi, gusto kong ipitin mo sila. Mas maganda kung dudukutin mo si David para lalong mataranta ang mga Callahan. Malaya kang gawin ang anumang gusto mo. Basta hindi lang mawala sa kontrol mo ang sitwasyon, pagtatakpan ito
Leer más
Kabanata 399
Ang Pallet Town ay isang malaking siyudad malapit sa border ng Southern Plains. Maraming reporter ang nagtipon sa harap ng consulate general ng Pallet Town. “Ladies and gentlemen, ito ang consulate general ng Pallet Town. Kumakalat ang balita tungkol sa mga pangyayari sa Southern Plains nitong mga nakalipas na araw. May mga balita rin na ang commander-in-chief ng Black Dragon army, ang Black Dragon, ay namatay sa pakikipaglaban sa hundred-thousand-strong army ng twenty-eight nations. Sinasabi rin na ginawang bihag ang mga general ng twenty-eight nations." "Ano ang katotohanan tungkol sa sitwasyon? Hintayin natin ang pagdating ng general…" Sa sandaling iyon, isang convoy ang huminto sa tapat ng consulate general. Bumaba si Levi mula sa convoy. Kasunod nito, lumitaw ang mga armadong sundalo na may dala sa mga general ng twenty-eight nations. Napilitang lumuhod ang mga heneral dahil may nakatutok na baril sa likod ng mga ulo nila. Sumugod ang mga reporter at pinalibut
Leer más
Kabanata 400
Naglaan ang buong bansa ng sampung minuto ng katahimikan upang parangalan ang kabayanihan ng Black Dragon, ang God of War. Pagkatapos niyang ipaalam sa press ang mga nangyari sa pagkamatay ng Black Dragon, pinaalis ni Levi ang mga reporter. Kung sabagay, ang susunod niyang gagawin ay hindi maaaring ipalabas sa telebisyon. Pumasok si Levi sa consulate general.Naparito ang mga kinatawan ng twenty-eight nations para sa negosasyon.Pagpasok ni Levi, binitbit ng ilang mga sundalo ang wala pa ring malay, at sugatang si Henry.Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Levi at seryoso siyang nagsalita, “Alinsunod sa international practices, kailangan niyong magbayad ng ransom para sa bawat bihag. Isang milyon para sa bawat ordinaryong sundalo, 10 bilyon para sa isang general, at 5 bilyon para sa isang lieutenant, at dahil pinatay niyo ang aming commander-in-chief, dodoblehin namin ang halaga ng sampung beses. Hinihiling namin na magbayad kayo agad. Kung hindi, papatayin namin sila ngayon mismo.”
Leer más