Inicio / Romance / Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig / Capítulo 731 - Capítulo 740
Todos los capítulos de Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig: Capítulo 731 - Capítulo 740
2077 chapters
Kabanata 731
Tumango si Sabrina.Nakatulog nang maigi si Sabrina sa hotel nung hapon na yun.Gabi na din nung siya ay nagising na.Nung dinilat niya ang mga mata niya, hindi niya nakita ang asawa o anak niya.Naisip niya na baka dinala ni Aino si Sebastian sa baba para maglakad lakad sa labas, siguro para bumili ng kung ano man.Nung oras na yun, tumunog ulit ang telepono niya. Nanginig si Sabrina. Ang tawag na natanggap niya kanina ay galing kay Selene. Si Selene kaya ulit ang tumatawag?Kung siya man yun, hindi mapapakali si Sabrina.Kaya nagdesisyon siyang 'wag nang sagutin.Hindi pinansin ni Sabrina ang tumutunog niyang telepono at hindi niya ito sinagot.Sa bandang huli, wala pang isang minutong nakalipas, tumunog ulit ang phone niya.Kinuha niya ang telepono at sinagot ito nang may pagkayamot sa mukha niya, "Hello!""Kamusta ka, Sabrina?" Sa kabilang linya ay ang malambing at nag-aalalang boses ni Yvonne."Yvonne, ikaw pala yan! Bakit naman bigla mo akong naisipang tawagan sa oras
Leer más
Kabanata 732
Si Sabrina ang nakabangga sa taong ito, at natapakan pa nga niya ang paa ng babaeng yun.Kaya agad naman siyang humingin ng tawad, "Pasensya na, pasensya na! Sumakit ba ang paa mo nung natapakan ko?"Naiinis na hinusgahan ng babae si Sabrina, at ang tono niya ay para bang nakikipag-usap siya sa isang hayop, "Nakasuot ka ng pantulog, at ang buhok mo ay magulo. Saan ka ba nanggaling?! Pumunta ka ba dito para ibenta ang katawan mo? Isang taong tulad mo ang tumapak sa paa ko? May sakit ka ba? Ah... nakakadiri naman, alis na, alis na, alis na!"Pinisil ng babae ang ilong niya bago ito umatras ng ilang hakbang, nagpatuloy itong maliitin si Sabrina, "Ikaw babae! Idistansya mo ang sarili mo sakin! Sobrang baho mo nung kinausap mo ako! Lumayo ka sakin! Sobrang nandidiri ako!"Walang nasabi si Sabrina.Tumingala siya at tiningnan nang maigi ang babae.Ang babae ay parang nasa tatlumpung taong gulang. Kulay castañas ang buhok niya, at ang buhok niya ay maayos na inalagaan. Pero, ang balat n
Leer más
Kabanata 733
Bigla niyang naramdaman na parang medyo pamilyar ang babaeng yun.Pero, hindi niya talaga maalala kung sino nga ba ang babaeng yun.Siguro nakilala niya ang babaeng yun nung bata siya, pero ngayon malaki na sila at nagbago na."Sino ka ba talaga?" kalmadong tinanong ni Sabrina."Mary Smith!" malamig na sumagot ang babae, "Hindi mo man lang ako naalala. Isa ka talagang taong walang utang na loob!"Mary Smith?Palagi na lang sila ng nagkukrus ang landas ng mga kaaway niya.Oo, ang babaeng nasa harap niya ay si Mary.Nung siya ay maliit pa, nanatili ang pamilya ni Mary sa probinsya. Ang mga magulang niya ay parehong opisyal. Si Mary ay mataas ang karangalan sa kumpanya pagdating sa estado.Samantala, si Sabrina naman ang pinaka hindi kapansin-pansin na tao sa probinsya.Siya ay mas mababa pa nga sa isang karaniwang tao.Ito ay dahil ang pamilya ni Sabrina ay sobrang hirap nung bata pa siya.Si Sabrina ay nanatili lang sa loob ng county village at hindi ito nagkaroon ng pakiki
Leer más
Kabanata 734
Namaga ang mukha ng labindalawang taong gulang na babae matapos siyang sampalin, at ang marka ng limang daliri ay kitang-kita.Si Sabrina ay sobrang natakot na hindi siya nagtangkang umiyak.Tiningnan niya lang ang mga magulang ni Mary ng may takot at pagkagulat.Ayaw niya talagang pumunta sa bahay ng isang mayamang tao.Kailangan niyang alagaan ang tatay niya pagkatapos ng eskwela araw-araw at magdala ng tubig para sa nanay niya bukod sa lahat ng mga takdang aralin niya.Pero, pinili siya ng pamilyang yun. Kung hindi sana siya pumunta sa aktibidad na yun, hindi niya maipapasa ang takdang aralin niya. Bukod pa dito, ang tatay niya ay hindi makakatanggap ng tatlumpung dolyar na binibigay sa mga mahihirap para sa gastusing medikal kada buwan.Sumunod lang siya sa kagustuhan ng nanay niya.Hindi niya naisip na ang pamilyang yun ay sobrang tapang, pero hindi nagtangka si Sabrina na sabihin ito sa mga magulang niya dahil sa pag-aalala na baka masaktan niya sila.Matapos siyang sampa
Leer más
Kabanata 735
Bigla namang sinabi ni Sabrina, "Alam ko po tumugtog ng piano."Ang pagtugtog ng piano ay isang bagay na tinuro sa kanya ng nanay niya.Sa dami ng insulto at pang-aapi na natanggap nila sa lahat ng tao sa village na yun, walang ni isa ang nakaalam na si Sabrina pala ay marunong mag-piano. Ang pagtugtog ng piano ay ang paboritong bagay ni Sabrina sa buhay niya.Wala silang piano sa bahay nila.Pero, may kakilala ang nanay niya na mahilig sa musika. Nag-drawing ng nanay niya ng piano sa isang piraso ng papel para kay Sabrina at hinayaan niya itong magsanay dito.Si Sabrina ay napakatalino. Kahit na ito ay hindi totoong pagsasanay, sineryoso at tinutukan pa rin ito ni Sabrina.Tuwing weekend, nagsusuot ang nanay ni Sabrina ng damit na pwede nilang maisuot ng isang beses lang sa isang linggo at dadalhin niya si Sabrina sa siyudad. Hahanapin nila ang nag-iisang simbahan sa probinsya, at pagkatapos na puriin ang lahat tao sa choir, pinayagan nila si Sabrina at ang nanay niya na magsa
Leer más
Kabanata 736
Ang labindalawang taong gulang na bata ay namilipit sa sahig matapos na sipain, at tumutulo ang sariwang dugo galing sa bibig niya.Hindi niya alam kung ano ang problema nila Mr. at Mrs. Smith.Masyado ba niyang ginalingan ang pagtugtog?"Lumayas ka! Ikaw hampaslupa ka! Lumayas ka! Umalis ka na ngayon sa bahay ko!" Nung gabing yun, isang labindalawang taong gulang na babae ang pinalayas palabas ng bahay ng mga Smith.Naglakad nang mag-isa si Sabrina pabalik sa bahay nila. Alas dose na ng gabi nung makarating siya sa bahay nila.Ang tatay niya, na nakahiga sa kama, at ang nanay niya, na nagtatrabaho pa sa malayo, ay tumingin nang umuwi ang anak nila ng dis oras ng gabi. Ang maliit niyang mukha ay maputla na may bakas pa ng dugo sa labi niya. Kumirot ang mga puso nila habang naninikip ang dibdib.Ang tatay niya biglang bumangon sa kama."Anak ko! Anak ko! Sino ang nagtangkang apihin ang anak ko?!" Sinuntok ng tatay niya ang kamao niya sa sahig, at ang balat niya ay nasugatan hab
Leer más
Kabanata 737
Hindi man lang siya umiyak kahit isang patak nung siya ay binugbog, tinapakan, at pinagalitan.Gusto niya lang na magmadali na yung mga tao yun at umalis. Gusto niyang maligo sa ilog, para linisin ang sarili niya para hindi ito malaman ng tatay niya.Masyadong malala ang sakit ng tatay niya. Kapag nalaman niyang inapi siya sa labas, hindi ito kakayanin ng tatay niya.Hindi niya sana gustong sabihin sa tatay niya, pero may ibang taong nagsabi sa kanya.Matapos na hugasan ni Sabrina ang dumi sa mukha at ulo niya, umuwi siya sa mga miserableng iyak ng nanay niya.Nagulat si Sabrina at tumakbo papasok ng bahay.Nung nakapasok na siya, ang tatay niya ay humihinga na lang paloob. Tumigil na siyang huminga palabas.Nung pumasok si Sabrina sa bahay, binuksan ng tatay niya ang mga mata nito at hinang-hinang sinabi, "Sabbie... Sabbie... Pa... pasensya na. Hindi kita nabigyan ng magandang buhay, at naging pabigat pa nga ako sa inyong dalawa ng nanay mo... Makinig ka sakin, pag namatay na a
Leer más
Kabanata 738
Kinilabutan si Mary nung nakita niya na nagsharpen ang expression ni Sabrina.Pagkatapos nito, nanghahamak niyang nginitian si Sabrina, “Sabi ng pinsan mo ay nakabalik ka na, at iniisip ko na fake news ito. Sabi pa niya sakin bumalik ka dito para simulan ang ganung business at kaya mo ang ilang dosenang lalaki sa isang gabi. Ayoko paniwalaan ito.”“Pero, ngayon, naniniwala na ako. Mukhang okay ang business mo na wala ka ng oras para magpalit ng damit. Ginagawa mo ba ang business mo ng nakasuot ng pajamas?”“Nakasuot ka na ba sa loob nito?”Kalmado si Sabrina nung tinanong niya, “Mary, may sama ba tayo ng loob sa isa’t isa?”Sa puso ni Sabrina, wala siyang sama ng loob para kay Mary.Pero, sa ngayon lang yun.Kahit na ang pagkamatay ng tatay nito ay dahil sa Smith family dati, alam ni Sabrina na ang kondisyon ng tatay nito ay imposible ng magamot. Ang tatay niya ay hindi tatagal ng kalahating taon kahit wala pa ang mga Smiths.Dagdag pa dito, walang sama ng loob si Sabrina sa Sm
Leer más
Kabanata 739
Pero, may mga maganda siyang connections.Kahit na siya ay isang middle school graduate, nakahanap siya ng paraan para makahanap ng magandang trabaho sa county. Dagdag pa dito, ikinasal siya sa isang university graduate.Siya ay isang noble pa rin sa county.Siya ay may talented na asawa na umuusbong ang career at may cute din siyang anak. Ang anak niya ay inaalagaan ng retired niyang mga magulang, kaya naman ay silang mag-asawa ay araw araw na namumuhay ng passionate at sweet.Ang asawa niya rin ay napromote. Kaagad itong naging head ng area, kaya naman ang posisyon ni Mary ay nasolidified na sa county.Marami sa kanyang dating mga classmate ang umattend sa university bago magtrabaho, pero hindi ganun kaganda ang marriage, o walang posisyon ng katulad sa kanya.Dahil dito, sanay na si Mary na maging mapagmataas.May babae siyang kaklase na isang teacher sa isang high school sa county. Lagi niyang pinagsasabihan na hindi ito parang isang teacher at mas parang prostitute ito. Isa
Leer más
Kabanata 740
Sagot ni Sabrina, “Ano naman ang plano mo?”Ayaw niyang may masaktan na kahit sino.Ang tanging alam niya lang ay ang pasensya ng asawa niya sa county na ito.Hindi nagpapakita ng emosyon ang asawa niya. Ang desisyon nito na pumatay ng tao ay desisyon nito talaga at hindi ito ipinapakita palabas. Si Sabrina lang ang nakakaalam ng walang awa nitong personality.Kaya naman, kalmadong tiningnan ni Sabrina si Mary nung mga sandaling yun.Ayaw niyang may masaktan na iba. Pero, ang kaya niya lang gawin ay magkibit balikat kapag may mukhang mamamatay.Gusto ni Mary maghiganti, at kailangan din ni Sabrina maghiganti.Siya ay nabugbog nung bata pa siya, at ang tatay niya ay namatay sa kahihiyan at galit. Ang nanay naman niya ay dinala siya paalis ng city. Pero, ang pinakamalinaw na moments pa rin sa puso ni Sabrina ay ang sampal ng nanay ni Mary at sipa mula sa tatay nito.Hanggang ngayon, sumasakit pa rin ang puso ni Sabrina dahil dito.Ang mayaman at makapangyarihan na lalaki ay sini
Leer más