Inicio / Romance / Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig / Capítulo 671 - Capítulo 680
Todos los capítulos de Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig: Capítulo 671 - Capítulo 680
2077 chapters
Kabanata 671
Talagang magtataka ang kahit sino kung paano natitiis ng isang walumpung taong gulang na matanda ang ganito katinding sitwasyon. Ang hindi alam ng karamihan ay si Old Master Shaw ay bagay maging isang manloloko simula pa nung bata pa siya. Nung na-ospital siya sa Kidon City, nagkonsulta si Sebastian sa doktor tungkol sa kalagayan nito at sinabihan siya na malakas naman ang matanda. Ginawa niya lang ang lahat ng ito para sa apo niya. Pinilit niyang sumama sa kanya ang apo niya papuntang Kidon City dahil sa takot na baka madamay siya sa kalupitan ni Sebastian."Ang apo ko ay nandito din sa old Ford residence. Bakit kailangan mo pa ng permiso ko para pakawalan siya kung gusto mo talaga?" Si Old Master Shaw ay sumagot nang medyo nahihiya sa tanong ni Sebastian."Tama ka dyan," tumawa si Sebastian at inutusan ang mayordomo. "Sige na! Palayain mo na si Young Master Shaw!"Agad namang tumango ang mayordomo bilang pagsagot niya. "O-opo, Master Sebastian! Gagawin ko na po yan agad!""Saglit
Leer más
Kabanata 672
Hindi natinag si Sabrina sa mabangis na sigaw ni old Master Shaw. Tiningnan niya lang ito nang kalmado na may pagkalungkot na hindi maipaliwanag sa boses niya habang sumasagot siya, "Sa tingin ko may gustong gawin sakin si old Master Shaw, no? Kasi hindi ka naman magpupumilit nang ganyan kung wala, di ba?""At sa tingin ko alam mo na din kung ano ang gagawin ko sayo?" seryoso niya namang sinabi."Sa totoo lang hindi ko alam."Ano kaya ang posible niyang gawin para saktan siya? Ano siya hilo! Kahit naman sabihin niya na may pruweba siya, pwede naman yun madaya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sinubukan siyang akusahan sa bagay na hindi niya naman ginawa, nangyari na ito nang ilang beses kay Sabrina kaya nasanay na siya sa ganito. Sabi nga ng isang movie star, 'lahat ng sakit ay kaya nang tiisin pag nakasanayan mo na ito'. Totoo nga na lagi niyang kasama ang sakit."Sabrina Scott, ikaw babae ka! Inaamin ko na ikaw ay maparaan talaga! Hindi mo lang inalipin ang mga puso ni Ni
Leer más
Kabanata 673
Sa bandang huli, nahulog na din ito sa kanya, dinurog siya nito nang pira-piraso. Naging isa siyang batang ina at paulit-ulit na tumatakas sa panganib sa buong anim na taon, hanggang sa nahanap siya nito. Nawalan siya ng lakas ng loob na magmahal. Sinara niya ang puso niya at inisip na hindi na siya magmamahal pang muli ng iba. Hindi niya kayang tanggapin ang posibilidad na masaktan siya ulit. Pero, nahulog pa rin siya ulit sa parehong lalaki hanggang sa punto na hindi niya na ito matanggi."Oo mahal ko siya!" desididong sinabi ni Sabrina. Tinitigan siya ni Sebastian."Kung mahal mo siya, bakit mo ibebenta ang pinakamahalagang bracelet na binigay sayo ng nanay niya?" paghamon ni Old Master Henry.Ang bracelet na pagmamay-ari ni Grace ay nanggaling din sa Ford Family. Pakiramdam nila ay nabigo nila ito kaya ibinigay sa kanya ang emerald bracelet. Siguro nga ay talagang itinuring ni Grace si Sabrina bilang manugang niya para ibigay sa kanya ang isang bagay na napakahalaga. Eh pinahala
Leer más
Kabanata 674
Ang mga luha ay tumutulo sa mukha ni Sabrina habang nagiging mahigpit ang ekspresyon niya. Suot ang sky-blue niyang damit pati na ang kristal na sapatos sa paa niya, nagmukha siyang diwata na talagang kakaiba sa mundong ito. Lumunok siya bago nagpaliwanag sa mababa niyang boses, "Nung panahon na may isang buwan na lang si Aunt Grace para mabuhay, may isang okasyon dito sa lumang Ford residence para kayo ay mamili ng isang babae na mataas ang estado para maging asawa mo galing sa mga imbitadong bisita. Si Aunt Grace ay desperadong pumunta sa okasyon na yun para makita ang lumang bahay sa sarili niyang mga mata. Ang pinakamalaki niyang pangarap ay ang makatira sa lumang Ford residence, kahit isang araw lang. Sinabi niya pa nga minsan na mamamatay na siyang masaya kung kikilalanin siya ng Ford Family bilang isa sa kanila sa publiko. Alam ni Aunt Grace na mananatili lang siyang nakaratay sa kama niya at hindi siya makakadalo sa pagtitipon na yun, kaya nagmakaawa siya sakin na kumuha ng ila
Leer más
Kabanata 675
Noong panahon na nakatira pa sila sa Ciarrai County, nakipag-away siya sa hindi na mabilang na mga batang kasing gulang niya sa kabila ng pagiging maliit niya sa karamihan sa kanila. Nakapagtanim siya ng takot sa puso ng marami, lalaki at babae, at marami siyang karanasan sa pakikipag-away. Tinaas ni Aino ang kamay niya habang nagsasalita at ang isang tirador na maganda ang pagkakagawa ay hawak niya. Tinaas niya ang tirador nang mataas at naglagay ng isang bagay na parang bala dito, bago siya nanggigil sa ngipin niya at matapang ito tinira."Aino!" sumigaw si Sabrina. Hindi niya masabi kung sino ang puntirya ni Aino. Ano na lang ang mangyayari kung aksidente siyang makasakit ng tao? Nung sumunod na segundo, nakakita siya ng pagtalsik ng tubig sa mukha ni Selene.Lalo pang dumumi ang mukha ni Selene sa pinaghalong tubig at dumi na nasa mukha niya na nung una pa lang. Walang siyang kaalam-alam at akala niya ay natamaan siya ng isang nakamamatay na bagay at sumigaw, "Wag mo akong saktan
Leer más
Kabanata 676
Tinawag siya agad ni Sabrina, pero natira na kasi ni Aino ang kanyang tirador. Kahit mukhang pinupuntirya niya si old Master Shaw, binago niya ang gusto niya patamaan sa pinakahuling sandali para tirahin ito sa sarili niyang lolo na si Henry. Ang capsule ay perpektong tumama sa kanya at nagdulot din ng pagtalsik kay old Master Henry. Swerte niya, ang ginamit na capsule ni Aino ngayon ay yung may lamang sugar water. Tinikman ni old Master ang tubig na tumutulo sa mukha niya at napagtanto na ito ay matamis. Tumingin naman siya kay Aino at nakita ang munting bata na nakatingin sa kanya habang nakatukod ang kamay nito sa bibig niya."Ikaw masungit na matanda, inapi mo ang mommy ko! Kahit kailan hindi na kita tatawaging lolo at hindi na rin ako makikipaglaro sayo! Sasaktan na kita gamit ang tirador na 'to hanggang sa umiyak ka sa tuwing makikita kita simula ngayon! Hmph!""Hala siya..." Ang Old Master Henry ay hindi naman nasaktan sa ginawa at sinabi ng kanyang apo. Kaya siya ay tumawa na
Leer más
Kabanata 677
Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, nahanap niya na rin ang boses niya at sinabi, "Ikaw... hindi na kailangan niyan. Hindi ka na bumabata, kailangan mong alagaan ang sarili mo."Bumalik siya sa natural na malambot niyang puso. Hindi naman talaga kasi siya mapilit at aroganteng tao, lalo na pagdating sa pagharap sa pamilya ni Sebastian.Tumingin si Sabrina kay Sebastian at agad niyang nakuha ang mensahe. "Grandpa, maupo muna kayo. Masama para sa inyo ang nakatayo nang matagal."Masunurin namang bumalik si Henry sa upuan niya. Ang asawa niya ay halos sinuntok siya sa pagyukyok sa kanya, pero hindi na siya nagtangkang lumaban, dahil alam niyang nararapat sa kanya yun. Nung natapos na siyang parusahan ang asawa niya, ang old Madam Ford ay tinawag ang galit na galit na batang si Aino at sinabi, "Aino, halika dito sa lola mo. Ako ang nagsasabi sayo, hindi ko aawayin ang mommy mo kahit kailan. Baliktad pa nga kasi ang lola mo ang pinaka nagmamahal sa mommy mo. Nakita mo ba? Tumulong
Leer más
Kabanata 678
Nakanganga si Lincoln kay Sabrina at napagtanto na ang ngiti ay nawala sa kanyang mukha, naiwan lamang ang dalisay, tahimik na poot na bumubulusok sa kanyang kaluluwa. "Sa-" Nahirapan siyang magsalita pero parang hindi niya mahanap ang boses niya. "Tama, tama ang pagkakaalala mo. Ako si Sabrina, Sabrina Scott, hindi si Sabrina Lynn," putol ni Sabrina. Nadurog ang puso ni Lincoln sa hindi nasabi na mga salita ng tunay na gustong sabihin ni Sabrina. "Hindi iyon… Ngunit.. A- ako-" nauutal na sabi niya, pero hinarang na naman ni Sabrina bago pa siya matapos. "Ngunit pinalaki mo parin ako ng walong taons? Magsabi ka ng totoo, Mr. Lynn, ikaw ba talaga? Sa walong taon kong paninirahan sa ilalim ng iyong bubong, ni minsan ay hindi mo ako binigyan ng pagmamahal o pagmamalasakit maliban sa maliit na bagay na ibinigay mo sa akin bilang pantustos sa pang araw- araw. Wala akong natatanggap na kahit isang dolyar mula sa iyo mula nang mag-kolehiyo ako. At saka, naniniwala ako na nagawa ko ito k
Leer más
Kabanata 679
"Ano?? May gusto ka bang sabihin tungkol sa pagkamatay ng nanay ko?" mariing tanong ni Sabrina. "Hindi na kailangan 'yan, ako na mismo ang titingin! Pwede bang huwag ka nang mangialam ng mga bagay na hindi sa iyo, Mr. Lynn!" Hindi binanggit ni Sabrina na gusto niyang maghiganti, ngunit sapat na iyon upang takutin ang mga liwanag ng araw sa Lincoln. "You should be fine. Hangga't hindi ka nagtaksil sa konsensya mo, ganyan!" dagdag niya. budhi? Hindi niya kayang isipin iyon. Nang makitang nakatayo si Sabrina sa gitna ng bulwagan suot ang kanyang magandang damit at ang kristal na takong na isinuot ni Sebastian para sa kanya, kasama ang kanyang mapagmahal na asawa at anak na babae, ang kanyang puso ay tumibok sa sobrang sakit. Lalong tumindi ang sakit lalo na nang makita niya ang kaibig-ibig na batang si Aino. Ito ay ang uri ng sakit na yumanig sa isa hanggang sa kaibuturan. Sa wakas ay napagtanto niya na si Sabrina ay eksaktong parang damo. Hindi siya susuko sa apoy, ni hindi s
Leer más
Kabanata 680
Nang makitang nakapikit ang matandang Master Shaw, mahinang bumuntong- hininga si Sabrina. Bago pa siya makapagsalita, sumigaw si Marcus na nakatayo sa tabi ni Yvonne, "Sabrina!" Lumingon siya para tingnan siya at sinigurado. "Alam ko." Alam ni Marcus na si Sabrina ay isang maunawaing kabataang babae, na hindi kailanman maghahangad na saktan ang isang tao nang agresibo. Kung kaya niyang pabayaan ang Pamilya Lynn, malamang na hindi siya magiging masyadong malupit sa kanyang lolo. Kung kailangan niyang maging ganap na tapat, kinasusuklaman ni Marcus ang kanyang lolo sa lahat ng hindi makatarungang aksyon na nilahukan niya laban kay Sabrina. Ngunit kasabay nito, kumirot ang kanyang puso nang makitang inilagay sa lugar ang kanyang lolo para makita ng lahat. Nakatingin lang siya kay Sabrina, tahimik na nagsusumamo ng awa. Bumalik si Sabrina upang tingnan ang matandang Master Shaw at sinabing, "Old Master Shaw, gusto ko lang sabihin sa iyo na, kami... hindi ko kayo sinaktan sa anuma
Leer más