Início / Romance / Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig / Capítulo 311 - Capítulo 320
Todos os capítulos do Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig: Capítulo 311 - Capítulo 320
2077 chapters
Kabanata 311
Nang manlaki ang mata niya at inikot ito ng ilang beses, ang limang taong gulang na si Aino ay biglang nakaisip ng isang masamang plano."Apo ko, halika nga dito sakin. Gusto kang makita nang malapitan ng Lolo mo. Na-miss kita eh, halika na dito." Habang naglalakad palapit si Aino sa kanya, kinawayan siya ni Henry.Ang matandang babae na nasa tabi ni Henry ay ngumiti din habang nakatingin sa batang ito na naglalakad papunta sa kanila. Lumingon siya sa anak niya at sa manugang niya na nakaupo sa tabi niya. "Sean, siguro nga babae ang batang ito, pero kamukhang kamukha ka niya nung bata ka pa. Tignan mo ang pagkakahawig niya sayo.Si Sean na mahigit anim na put taong gulang na ay namula sa sinabi ng nanay niya, "Ang batang ito ay anak ni Sebastian kaya kamukha siya dapat ni Sebastian."Pinagsabihan siya ng matandang babae, "Hindi ba anak mo si Sebastian?!"Hindi alam ni Sean kung paano siya sasagot."Manugang ko," Tinawag naman ng matandang babae si Rose. "Ibibigay ko na sayo ito,
Ler mais
Kabanata 312
"Ikaw...Ano ulit yung sinabi mo?" Biglang nag-iba ang ekspresyon ng babae.Hindi binitawan ni Aino ang ilong niya at tumingin sa magandang babaeng ito na matindi ang pagkamuhi niya. Hindi niya talaga siya gusto!Kasalanan niya din naman na hindi niya inalis ang tingin niya sa mabahong pwet na ito!Siguro nga may baho din si Sebastian, pero kahit anong mangyari, siya lang ang pwedeng maging lalaki sa buhay ng nanay niya. Ibig sabihin walang ibang babae ang pwedeng umangkin sa kanya.Hindi na naging masaya si Aino."Ikaw...Masyado kang mabaho, parang awa mo na lumayo ka samin ng papa ko. Kung nakatayo ka lang malapit samin ni daddy, babaho na rin kami, papagalitan kami ng mama ko pag uwi namin. Kapag nasa bahay kami, pinaka kinatatakutan naming dalawa ang mama ko."Bulalas ng babae, "Ikaw..."Galit na galit siya!Gusto niyang ilabas ang galit niya pero hindi niya na sinubukan pa.Ang babaeng ito ay isang malayong kamag anak ng pamilya ni Rose, na konti lang din ang miyembro simu
Ler mais
Kabanata 313
"Halika dito, Aino, lumapit ka sakin. Ito ang magiging tahanan mo balang araw kaya hayaan mong ilibot kita para makita mo ang buong bahay."Si Frost ay mukhang isang napaka talino, matanda kung mag-isip at maintindihing babae.Agad niyang nagawan ng paraan ang kakaibang naramdaman ni Sebastian. Talagang mas maayos siya kumpara kay Selene na hindi pa dumarating noong mga oras na yun.Habang sinasabi niya ito, inabot ni Frost ang kamay ni Aino para hawakan ito.Pero, nakaramdam ng sobrang pandidiri si Aino sa babaeng ito na paulit ulit siyang inaasar. Mas masahol pa siya kumpara sa mga bata doon sa eskwelahan! Binawi agad ni Aino ang braso niya at tumakbo para magtago sa likod ng papa niya.Nang makita niya yun, naging sobrang pangit ng ekspresyon ni Frost. Hindi napigilan ng mga bisitang nandoon na takpan ang bibig nila para itago ang pagtawa nila.Sobrang nakakahiya yata yun? Malinaw naman na may fiance na si Young Master Sebastian, na nahuli lang ng dating nung araw na yun. Ku
Ler mais
Kabanata 314
Nang marinig ni Frost ang mga salita ng limang taong gulang na batang ito, nalimutan niya bigla ang sakit sa paa niya. Nasabik siya at nagsimulang magtanong, "Munting prinsesa, ano...anong sinabi mo? Pakiulit nga yun?"Seryosong sinabi ng batang babae, "Kailangan din naman ng papa ko na makahanap ng babae na magiging asawa niya. Naging mabait ka naman sakin, maganda ka rin at maingat, kaya bakit hindi na lang ikaw ang ipakasal ko sa papa ko. Kasi kung ganon, magiging mabait ka na sakin palagi. "Tama ba?""Tama yan! Makinig ka sakin, munting prinsesa. Ang tipo ng babae na papakasalan ng papa mo ay dapat maging importante para sayo. Isipin mo, pagkatapos pakasalan ng papa mo ang isang babae, kailangan mong tumira kasama siya. Paano kapag sinubukan kang saktan nung babae?" Pakiramdam ni Frost ay nakatagpo siya ng isang malaking oportunidad.Inosente siyang tiningnan ni Aino. "Kaya nga gusto kitang tulungan sa papa ko.""Sige, sige, prinsesa, sabihin mo sa akin kung anong dapat kong
Ler mais
Kabanata 315
Hindi naiwasang mapasinghal ni Frost.Sobrang kakaiba siguro kung mahal niya si Aino!Isang anak ng kriminal... Sino bang magmamahal sa kanya?!Habang iniisip niya ang bagay na 'to, nagsimulang magkaroon ng plano si Frost sa isip niya. Tinapik niya ang ulo ni Aino at sinabi, "Tutulungan kita sa artwork mo mamaya."Umiling si Aino. "Hindi na kailangan, gustong ko tapusin yun ng ako lang. Yun lang ang paraan para mapakita ko na seryoso ako."Hindi na nakapagsalita si Frost. Si Aino ay isang henyo.Napagdesisyunan niya na kapag kinasal na siya sa pamilya, ang unang bagay na kailangan niyang gawin ay dispatsahin ang nakakabilib na batang ito!"Sige, gagawin ko kung ano ang gusto mo," Sabi ni Frost.Mabilis na dumating ang krayola. Talagang nakatulong ang pera para mapabilis ang lahat. Ginamit ng katulong ang limang daang dolyar para makabili ng isang tumpok ng krayola, at may lamang sampung kulay green. Kinuha ni Aino ang mga krayola, gunting, at ang papel at nagsimula na siyang ma
Ler mais
Kabanata 316
Nagsimulang pumalakpak si Aino at masayang tumalon talon. "Wow, auntie, hindi ka naman maganda dati, pero pagkatapos mong isuot ang green turtle hat na yan, biglang gumanda ang itsura mo! Bagay din talaga sayong tawagin na manloloko!" Galit na nagsalita si Selene,"Anong. Sinabi. Mo!"Sa pagtingin palang sa mga reaksyon ng mga taong nakatayo sa paligid niya, alam niya na hindi maganda ang nilagay ng kasuklam suklam na bastardong anak na ito sa ulo niya.Pero dahil maraming tao ang dumalo dito, hindi ginusto ni Selene na gumawa ng eskandalo at makipagtalo pa sa batang ito.Pero, hindi niya inakala na ang isang kasuklam-suklam na batang katulad niya na galing pa sa isang mahirap na pamilya ay maglalagay talaga ng isang green na sumbrero sa ulo niya at may nakalagay pang manloloko.Gusto bang ipahiwatig ng batang ito na may taong nanloloko sa kanya?Sinong babae ba ang gustong umagaw sa lalaki niya!Depende na lang ito kung karapat dapat ba o hindi ang babaeng yun!"Nako, sobrang
Ler mais
Kabanata 317
Natakot si Aino kaya tumakbo siya nang diretso kay Sebastian.Kahit na yakap yakap na siya ng papa niya, hindi niya nakalimutang pagbintangan ang iba. "Si...Si...Si... Auntie Frost ang nag utos sakin na ilagay ang sumbrero sayo. Sabi niya paborito mo daw ang kulay green at magandang pangalan daw ang manloloko. Siya ang bumili ng mga krayola para sakin. Belat..."Pagkasabi niya nito, nagsimula ng umiyak si Aino.Pero sa loob loob niya, tumatawa talaga siya.Hindi niya na nga ito napigilan at tumawa na siya nang malakas!Hindi siya makakahinga kung hindi niya ginawa yun.Para kay Aino, kahit na masama ang papa niya, nawala na rin nang paunti-unti ang pagkamuhi niya sa kanya. At dahil dito, siguradong hindi na siya papayag na maagaw ang papa niya ng kahit sinong babae para ilayo ito sa mama niya.Kahit na minsan ay parang nagtuturingan na magkaaway ang papa at mama niya, at kahit hanggang ngayon ganun pa din sila, ayaw ni Aino na magkaroon ng ibang taong mamamagitan sa kanila.Gag
Ler mais
Kabanata 318
Nagsimula ang gulo sa loob ng hall.Habang pinapanood nila ang mga pangyayari, nagulat ang lahat ng bisitang dumalo.Kahit si Old Master Ford na nakaupo sa kabisera ay natigilan.Sa bandang dulo, dahil nasa likod ni Selene si Old Master Shaw, hindi siya takot sa kahit sino bukod kay Sebastian. At dahil kasama niya din ang lolo niya nung araw na yun, gusto niyang gamitin ang pagkakataon para dispatsahin ang babaeng gustong umagaw kay Sebastian.Dahil nakita niya na hindi natakot si Frost na ilagay ang sumbrerong yun sa kanya, nagdesisyon si Selene na hindi niya ito palalampasin!Sa puntong ito, nahila na agad ni Selene ang isang bungkos ng buhok ni Frost na dumadaing sa sakit. Sa pagka desperada nito, tinapakan niya ang paa ni Selene, at aksidenteng napilayan ito."Aray!" Nahulog si Selene sa sahig at nagsimulang umiyak nang sabunutan niya pa nang mas matindi ang buhok ni Frost. Gumulong ang dalawa sa sahig habang nagbabangayan."Ikaw malanding babae ka, sinusubukan mo talagang a
Ler mais
Kabanata 319
Dito lang biglang nagising sa realidad si Old Master Shaw at Rose."Frost, sumosobra ka na! Paano mo nagawang makipag-away sa iba ng ganon ganon lang na hindi iniisip ang sarili mong kapakanan! Ikaw... Tinapon mo lang lahat ng dignidad mo!" sabi ni Rose, na ngayon ay galit na galit habang pinapadyak ang paa niya sa harap ni Frost. Tinaas niya ang paa niya at sinubukan sipain ang walang kwentang babaeng ito!Ang tanging dahilan lang naman kaya dinala ni Rose si Frost sa Ford Family ay para magkaroon siya kaunting suporta. Binalak niyang gamitin si Frost para akitin si Sebastian at magkaroon siya ng kakampi sa mas batang henerasyon. Bilang kapalit, gagawan niya rin ng malaking pabor si Frost.Pero, hindi niya kailanman naisip sa imahinasyon niya na mahuhulog si Frost sa patibong na ginawa ng isang limang taong gulang na bata.Napaka walang kwenta!Siguradong hindi hahayaan ni Rose na manatili ang walang kwentang babaeng ito sa puder niya.Sinubukang abutin ni Frost ang binti ni Ros
Ler mais
Kabanata 320
"Hmph! Kailangan mong turuan ng leksyon!" Ang unang nagsalita sa mga bisita ay si Old Master Shaw. Nung oras na bumuka ang bibig niya, nagulantang ang lahat ng bisita. Kahit si Old Master Ford ay hindi nanatiling kalmado ang mukha.Pero, mahigit sampung dekada ng kilala ni Old Master Ford si Old Master Shaw, at ang dalawang ito ay malalim ang samahan. Bukod dito, sinalba ni Old Master Shaw ang buhay ni Old Master Ford nung isang beses na sumabak ito sa pulitika. Kaya nang marinig ni Henry ang mga salita ng kaibigan niya, wala siyang ginusto kundi protektahan ang apo niya pero napilitan siyang respetuhin si Old Master Shaw.Lahat naman ng ito ay kasalanan din talaga ng apo niya nung una pa lang.Kahit na natutuwa si Henry sa katotohanan na ang batang ito ay napaka kulit at gumagawa ng gulo, wala siyang nagawa kundi maging matapang. Kumunot ang mukha niya at sinabi, "Aino, napaka bastos mo talaga! Mukhang hindi ka nga naturuan nang maayos ng mama mo, kaya sa susunod, hindi mo na siya
Ler mais