Chapter 29 Nang matapos ang huling flight niya kinahapunan, ipinagpara pa siya ni Ate Lorelie—ang lady guard sa guard house—ng taxi. May nakapwesto pa na isang security guard doon, si Manong Arnold, kaya pansamantala munang naiwan ni Ate Lorelie ang gate para samahan siya sa tabi ng kalsada at mag-abang ng taxi. “May anak ka po, Ate?” tanong niya nang walang bakanteng taxi na dumadaan. “Meron po, Ma’am. Tatlo, ‘yong dalawa matanda lang ng isa o dalawang taon sa ‘yo, tapos na mag-aral. Iyong pangatlo ko naman, nag-aaral sa De La Salle, Engineer ‘yon, Ma’am,” puno ng pagmamalaki nitong wika at kapagkuwan ay napakamot-kamot sa ulo. “Kaya nga po nagpapasalamat ako sa pamilya Vesarius.” Nilingon niya ito at tuluyang humarap.
Ler mais