Inicio / Todos / Isa pala akong rich kid?! / Capítulo 461 - Capítulo 470
Todos los capítulos de Isa pala akong rich kid?!: Capítulo 461 - Capítulo 470
2513 chapters
Kabanata 461
"Pa!"Magalang na sinabi ni Gerald habang sinasagot ang video call.Si Gerald ay naging mas magalang sa kanyang tatay bagaman hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag video call ang kanyang ama matapos matuklasan ang kanyang totoong pagkatao.Naramdaman ni Gerald na isang karangalan para sa kanya na magkaroon ng tatay na tulad niya."Anong ginagawa mo ngayon, anak?"Nakangiti ang tatay ni Gerald sa sandaling ang kanyang anak ang nakita sa screen ng cellphone.“Nagpapahinga lang ako, Pa, bakit ka tumatawag ng gabi na? Anong kailangan mong sabihin sa akin?""Oo. Pinaplano ko na tanungin ang iyong ate na tingnan ang bagay na ito. Alam ko na ginugugol mo ang karamihan ng iyong oras at lakas sa mga homework mo. Ito ay maaantala dahil ang ate mo ay pumunta para ayusin ang mga isyu sa factory sa North Africa. Siguro sinabi na niya sayo ang tungkol dito?""Kailangan mo ng tulong ko sa paghahanap ng isang babae?"Naalala ni Gerald ang mga tagubilin ng kanyang kapatid at kung ano
Leer más
Kabanata 462
Paminsan-minsan ay nakikipag-chat sila sa isa't isa sa WeChat tuwing may libre silang oras.Sa kasalukuyan, si Queta ay nagtuturo na sa isang bagong kindergarten school at maayos naman ang kanyang trabaho.Tinulungan ni Gerald si Queta at binigyan siya ng bahay na matitirhan kung saan ay kasama niya rin sila Drake at Tyson sa bahay na iyon."Miss Smith, pwede mo ba akong gawan ng pabor? Hindi ko ma-review ang mga homework ng mga bata sa klase ko on time. Papunta na ang boyfriend ko at susunduin niya ako para mamili. Pwede mo bang i-review ang kanilang homework para sa akin?”Isang babaeng teacher na may buhok hanggang sa baywang ang nagtanong kay Queta, na sinusuri din ang homework ng kanyang mga mag-aaral."Pero Miss Lawrie, nire-review ko pa ang mga homework ng mga estudyante ko!"Nahihiyang sumagot si Queta.“Pfft! Kung ayaw mo akong tulungan, sabihin mo na lang. Bakit ka pa gumagawa ng maraming mga dahilan? Huwag mong isipin na magaling ka dahil lamang binigyan ka ni Mr. Tev
Leer más
Kabanata 463
“Pfft! Hindi nakapagtataka na naglakas-loob si Queta na suwayin ako ngayon. Meron na pala siyang boyfriend! Naiinis talaga ako!"Inilibot ni Kaitlyn ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Gerald, na kausap ni Queta sa mga oras na iyon."Kaitlyn, anong nangyayari?"Tanong ng isang lalaking nakasandal sa pintuan ng kanyang sasakyan habang nakalagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay tiningnan niya ng masama si Gerald."Kasalanan ito ni Queta! Ang mga bata ay nagbabakasyon ngayon, kaya dapat kaming manatili sa school para i-review ang kanilang mga homework. Pero nagplano ako mag-shopping at sinabi ko sa kanya na tulungan akong i-review ang mga homeworks ng mga estudyante ko! Pero tingnan mo ngayon, tumanggi siyang tumulong dahil nandito ang kanyang boyfriend!""Akala ko talaga nakakuha siya ng isang magaling na boyfriend, pero mukhang talunan lang rin pala ang lalaking ito!"Si Kaitlyn ay sumigaw sa sobrang inis habang ipinapaliwanag niya ang mga detalye sa ka
Leer más
Kabanata 464
“Queta, okay lang ba sayo kung sa akin muna ang pendant na ito? Gusto kong maghanap ng isang master para matulungan akong hanapin ang pinagmulan ng pendant na ito sa jade!"Tanong ni Gerald habang nakangiti.Huminto sandali si Queta bago siya tumango at sinabi, "Oo, sige lang!"Patuloy na tinanong ni Gerald si Queta tungkol sa nakaraan."Sobrang init talaga sa labas! Hindi gumagana ang sunscreen ko!"Biglang may isang grupo ang pumasok sa loob ng restaurant.Ang isa sa mga babae ay hindi mapigilang mapasigaw ng malakas habang bitbit niya ang ilang bag sa kanyang kamay.“Kaitlyn, may branded shop sa tabi ng restaurant na ito. Papasok ba tayo doon at titingnan ang laman nito?"Tanong ng isa sa mga babae."O sige, kumain muna tayo!"Ang babae na ito ay walang iba kundi ang kasamahan ni Queta na si Kaitlyn."Oh my god! Kaitlyn, tingnan mo! Hindi ba si Queta 'yon? Hindi ako makapaniwala na kumakain din siya dito!"Ang babae sa tabi niya ay tinuro sina Queta at Gerald.Ito ay hi
Leer más
Kabanata 465
”F*ck! Bakit ang mahal ng mga pagkain nila?"Nagulat si Kaitlyn.Ang pagmamayabang sa mukha niya ay nawala na.“Pfft! Bakit ka nagpapakitang gilas kung wala kang pera? Bakit ka ang-oorder ng mga mamahalin na pagkain?” reklamo ni Kaitlyn.Ang dalawa pang kasamahan na babae na nabigla rin ay sumabad din habang iniinsulto nila ang pares.Napakasarap ng mga kinakain nila Gerald at Queta. Silang dalawa aty parehong nag-order ng mahal at big portion ng foie gras, habang ang apat ay nag-order lamang ng small portion nito para sa kanilang mga sarili.Habang hinahain ng waiter ang pagkain sa kanila, hindi niya maiwasang tingnan sila.Pinili ni Gerald na manahimik dahil patuloy siyang pinagsasabihan ni Queta at ayaw niya na harapin sila.Nagpatuloy lang sila sa pakikipag-usap habang kumakain.Nang natapos na silang kumain, napagtanto niya na umalis na si Kaitlyn at ang iba pa.Malinaw na hindi nila kayang tanggapin ang kahihiyan, kaya't nagmamadali silang umalis nang tapos na sila sa k
Leer más
Kabanata 466
Tahimik na ini-swipe ni Gerald ang itim na card sa kanyang kamay. Kahit na tulala, ang cashier ay isang professional at agad siyang yumuko. “Sir! Gumastos ka ng malaki sa aming shop ngayon at magiging bastos kami kung hindi ka namin binigyan ng libreng mga regalo! Pumili ka ng kahit anong tatlong damit at libre na ito mula sa amin!" magalang na sinabi ng cashier. “Hindi, teka! Hindi siya bibili ng alinman sa mga iyon! Gerald, lahat ng ito ay napakamahal! Hindi ko kailangan ng gaanong magarbong damit!" Agad na sinabi ni Queta habang umiiling. "Sa palagay ko wala akong dahilan para suotin ang kahit kalahati ng mga pinili mo! Pakibalik na lang ang mga ito…” Ang kanyang boses ay nanginginig ng bahagya mula sa pagkabigla dahil sa sinabi ng cashier na bill nila. "Hindi mo kailangang isuot ang lahat ng mga ito. Ngayon, tara at pumili ng iba pang tatlong mga damit. Kung gusto mo, pwede mo itong ibigay sa mga teacher o kasamahan mo sa kindergarten. Sigurado ako na makakatulong iyon
Leer más
Kabanata 467
"Well, ano nga ba ang nangyari?" Nagtataka na tanong ni Gerald. "Ang lugar na ito ay isang construction project talaga. Ang Weston Merchants Holdings ang namamahala dito para mag-oversee sa trabaho mga isang taon na ang nakalipas. Malinaw na ang mga developer ay gumamit ng low quality materials dito at dahil doon, may gumuho sa paligid ng lugar ng project. Mahigit isang daang mga tao ang nasugatan dahil dito, sixty sa mga ito ay mga manggagawa! Sa kabutihang palad, wala namang namatay!" "Oo nga. Narinig ko na ang mga developer ay tumakbo kagabi! Ang mga mula sa Weston Merchants Holdings ay nasa mahirap na posisyon ngayon. Humigit-kumulang isang dosenang mga tao, kasama na si Mr. Jung, ay natanggal sa kanilang posisyon, base sa narinig ko! Naghihintay sila na maparusahan sa oras na ito!" sagot ng mga manggagawa. Sa ala-ala ni Gerald, si Mr. Jung ang direktor ng Weston Merchants Holdings. Tinanggal rin siya dahil dito? Matapos pag-isipan ito, tinanong ni Gerald, "Bakit kailangan
Leer más
Kabanata 468
Umubo ng malakas ang tatay ni Gerald nang marinig niya ang kanyang sinabi. “Ikaw… ang bastos mo! Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Basta kailangan mong malaman na ang aking relasyon sa kanilang dalawa ay hindi tulad ng iniisip mo! Hindi ko na papansinin ang sinabi mo, ang iyong Tita Leia ay bahagi rin ng pamilyang Jung at talagang kailangan nila ang tulong mo ngayon. Tulungan mo lang sila kung kaya mo. Isipin ito na parang tinutulungan mo akong bayaran ang isang utang sa kanila! Huwag kalimutan na hanapin din si Xara! Andito na ang nanay mo! Iyon lang ito para sa ngayon!" Matapos sabihin ang lahat ng iyon, agad na binaba ng kanyang ama ang tawag. Hawak ni Gerald ang kanyang cellphone at napahinto ng medyo matagal bago tuluyang bumalik sa kanyang katinuan. …Ano? Natukso si Gerald na tawagan ang kanyang nanay sa oras na iyon para sabihin sa kanya ang tungkol sa lahat ng ito. Sa totoo lang, tinutulungan niya ang kanyang ama na magsinungaling sa kanya at hindi niya maiwasang ma
Leer más
Kabanata 469
"Uncle Jung, Tita Leia, nandito ako para bumisita!" sabi ni Gerald na may ngiti sa kanyang labi habang bitbit ang isang bag ng mga regalo sa kanilang bahay. Pasimpleng tiningnan siya ni Leia nang tahimik habang inilapag niya ang bag. Si Willie ay nasa sofa na ulit, nakatingin sa kisame at hindi man lang sumagot sa pagbati ni Gerald. Nahiya si Leila nang makita si Gerald na hindi pinansin dahil alam niya na napakahusay ni Gerald sa Mayberry City. Kung tutuusin, siya ang naghatid sa kanya sa istasyon noong isang araw gamit ang isang malaking Mercedes Benz G500! Sa katunayan, nagpasalamat si Leila kay Gerald. Gayunpaman, wala pa siyang oras upang sabihin sa kanyang ama ang tungkol dito. Nang umuwi si Leila kahapon, nagsimula na ang serye ng mga malas na kaganapan. Kahit pa ganoon, ang kanyang ama ay nasa bingit na ng pagbagsak mula sa lahat ng pressure. Paano niya sasabihin kay Uncle Jung na sobra siyang naging masaya sa oras na iyon? Naramdaman Leila ang awkwardness, kaya
Leer más
Kabanata 470
Sinabi ni Leia kay Leila na manatili sa bahay para makasama si Douglas. Si Gerald naman ay agad na tinawagan si Zack pagkalabas niya ng bahay. Sa sandaling nag-update si Zack sa bagay na ito, alam ni Gerald na ang sitwasyon ay malulutas nang mabilis. Si Zack nga naman ito. Nang makapagsimula si Zack na gawin ang mga naaangkop na arrangements, tumungo si Gerald sa supermarket para makuha ang lahat ng mga item sa listahan ni Leia. Nang nasa kanya na ang lahat, bumalik siya sa bahay ng pamilyang Jung. Nang muli siyang tumapak sa bahay, isang malawakang pagbabago ang naganap. "Congratulations, Uncle Jung!" "Salamat! Hindi ko talaga inaasahan na ang Dream Investment Group ang hahawak sa real estate project na ito! Nagdesisyon sila na sakupin ang buong project at nabigla talaga ako!" Hindi na kailangan ni Willie ang drip niya. Ang kanyang pamumutla kanina ay nawala na at sa nakataas niyang kamay ay nakalagay ang kanyang cellphone. “Lumapit kayong lahat! Kayong lahat ay dapa
Leer más