Inicio / Romance / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Capítulo 591 - Capítulo 600
Todos los capítulos de Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont : Capítulo 591 - Capítulo 600
1898 chapters
Kabanata 592 Ang Lakas Ng Loob Na Harapin At Ayusin Ang Problema
Isang mabagsik na apoy ang umalab sa puso ni Tiffany habang pinapanood niya si Jackson na kasing tahimik ng bato. Bigla siyang nagalit sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Kinamumuhian niya ang taong ito kaya bumalik ang kumirot sa puso niya nang matandaan niya ang huling pagkakataon na nagkaroon sila ng pagtatalo.Hindi tulad ng gusto niyang sumuko si Jackson sa kanyang mga kahilingan o hahayaan niyang dumaan sa impiyerno ang lalaki upang mapasaya siya o kahit tuluyang mapalaya ang mga pagkakamali na ginawa ni Atticus bilang isang walang kwentang ama. Ang nais lamang niyang gawin ni Jackson ay pigilan ang kanyang sarili para magawa nila ng mapayapa ang kanilang mga kinakaharap - sapat lamang tuwing siya ay nasa parehong silid ng kanyang ama at sapat para mapanatag ang puso ng mga taong kasama nila.Sa pagitan nilang apat, si Tiffany ang totoong estranghero. Iyon lamang ay sapat na para lumala ang pagkabalisa at pag-aalala ni Tiffany sa sitwasyon na kinalalagyan niya. Ang huling bag
Leer más
Kabanata 593 At Isang Puso Na Itinuturing Niyang Kanlungan
Napahinto si Jackson. Tumingin siya sa baba at bumalik sa katinuan ang kanyang emosyon. "Tatawagan ko ang nanay ko at hihingi ng tawad din sa kanya... sa harap mo mismo. Okay ba ‘yun?"Hindi masuri ni Tiffany ang kanyang emosyon. Nag-aalala siya na baka sinusubukan lamang ni Jackson na pasayahin siya sa pagpilit sa sarili niyang gawin ang isang bagay na ayaw niyang gawin, "Hindi ko sinabi na gusto kong gawin mo iyon, pero sa tingin ko… para sa akin… mas makakabuti kung tawagan mo ang nanay mo.”Tahimik na tinawagan ni Jackson ang numero ni Summer at ikinonekta ang kanyang cellphone sa car speaker gamit ang Bluetooth. Sa isang saglit, mabilis na kumonekta ang tawag at malakas na narinig ni Tiffany ang bawat salitang binibigkas ni Summer.“Jackson? Ikaw ba yan?""Ma, pasensya na at nawalan ako ng pasensya kanina. Hindi ko na ito uulitin.""Oh. Well, okay lang ‘yon. Naiintindihan ko. Nainis ka kanina dahil binanggit ng tatay mo ang passion niya, hindi ba? Pero alam mo naman na ang ‘a
Leer más
Kabanata 594 Ang Pagdating Ng Bagong Katunggali
Umupo si Summer sa couch at sinabi, "Bakit ka nagmamadali? Hindi naman babawasan ng sinuman ang sahod mo o kung ano man. Oo nga pala, tungkol sa nangyari kagabi... Salamat talaga. Alam ko na may ginawa ka para kumbinsihin si Jackson na humingi ng tawad sa akin nang tawagan niya ako. Mahirap ito para sa kanya, alam ko. Hindi ko siya sinisisi."Hindi sigurado si Tiffany na matino na ang isip niya dahil bagong ising lang siya. "Ha?... sa tingin ko parang ginagawa ko lang naman ang trabaho ko! Ay!"Biglang nagbago ang ekspresyon ni Summer nang mahawakan niya ang bra mula sa ilalim ng kanyang inuupuan. "Ano?"Natigilan si Tiffany. Kung tama ang naalala niya, hindi lang ang kanyang bra ang nakatago sa loob ng mga cushion ng couch - may isang bagay rin na nakakahiya sa loob!Dahil sa nangyari kagabi, matindi silang sumisid sa kanilang pag-iibigan na wala sa kanila ang nakaisip na ayusin ang mga gamit sa bahay!Mabilis na bumalik ang kanyang isip sa kasalukuyang nangyayari at tumakbo siya
Leer más
Kabanata 595 False Alarm, Maliban Sa Huling Pagkakataon
Napagtanto ni Jackson na ang kanilang paghaharap mamaya ay magiging matindi; gayunpaman, hindi niya maiwasang matuwa sa katawa-katawang bakas ng selos na bumabalot sa mien ni Tiffany, "Ano sa palagay mo?""Ano sa palagay ko?" Si Tiffany ay nasa bingit na ng pagsabog. "'Ano nga ba ang nasa isip ko?' Nahirapan na nga ako sa nangyari kagabi at gusto mo pang pag-isipan ko ito? Hindi ako makikipaglaro sayo... Magpaliwanag ka sa akin!"Hindi mapigilan ni Jackson na tumawa. “Hay, ano na naman ang nasa utak mo na yan, ha? Sige, inaamin ko, madalas akong magpakasaya noon, pero! Hindi ko sinasama sa kalokohan ko ang mga taong nasa loob ng inner circle ko. Siguro dapat mong tanungin si Aye tungkol dito; sasabihin niya sayo na ang mga ex-girlfriend ko ay mula sa labas ng kumpanya. Alam ng lahat na hindi ako nakikipag-date sa alinman sa mga babaeng empleyado," paliwanag niya. "Totoo naman na si Miss Lang ay mapagmahal at ang katawan niya ay sobrang sexy, pero sayang! Siya ang secretary ko, na ayo
Leer más
Kabanata 596 Ang Engrandeng Okasyon
Kinaumagahan, dumating si Jackson sa hagdan patungo sa tirahan ng pamilyang Lane. Sa likuran niya, isang kapansin-pansin na magkakasunod na mga kotse ang nakalinya sa isang maayos na hilera sa labas ng entrance ng complex.Nag-atubili si Tiffany matapos gumulong mula sa kama pagkatapos ng isang tawag mula sa kanyang ‘man’ bago niya hinila ang kanyang sarili para maligo na. Kabaligtaran naman ito para kay Lillian dahil nasasabik siya sa kaganapan. Nakaayos na siya kaya tinulungan niya ang kanyang anak na babae na lagyan ng makeup ang mukha nito.“Ugh, mga kabataan talaga ngayon! Sinabi ko sayo na matulog ng maaga kagabi, pero nakinig ka ba? Tingnan mo ang itsura mo ngayon - ang iyong mga eyelids ay halos nakadikit na!" reklamo ni Lillian. "Naghihintay sayo si Jackson sa baba, babae. Tingnan mo ang lahat ng mga kotseng nakalinya sa labas - pooh! Napaka-engrande ng pamilyang West na gawin ito. Pero kung ang lahat ng ito ay para lamang sa isang engagement ceremony, paano pa ang kasal niy
Leer más
Kabanata 597 Ang Baliw na Nanlinlang sa Lola ng Ibang Tao
Nagtaka din si Tiffany sa biglaang pag-aalala niya. Mayaman naman siya noon at nakadalo na siya sa mga engrandeng kaganapang tulad nito at hindi siya kailanman umiiwas sa mga social gatherings. Gayunpaman, unti-unting nanliit si Tiffany sa kanyang sarili tuwing sumasali siya sa nga ganitong pagtitipon sa paglipas ng panahon.Gayunpaman, sina Jackson at Tiffany ang mga bituin sa oras na ito. Hindi siya pweden maghanap ng paraan para makatakas sa kaganapan na ito. "H-hindi ko alam kung bakit. Ah... Hindi ba makakapunta ng mas maaga si Ari? Magiging magaan ang loob ko kung nandito siya,” bumulong si Tiffany. "Parang nanghihina ako kung wala siya..."Tinapik-tapik ni Jackson ang likod ng kamay ni Tiffany at siniguro niya ang babae. "Gosh, hindi ka ba mabubuhay kung wala si Arianne?" mapangasar niyang sinabi. "Kalma ka lang. Huwag kang matakot dahil nandito naman na ako, tama ba? Dadalhin kita sa lounge para makahinga ka ng maayos at may hinanda akong maliit na surpresa para sayo."Hind
Leer más
Kabanata 598 Ang Malaking Pagkakaiba Ng Mga Social Classes
Tumalikod si Arianne gamit ang kanyang mga takong at makikita na naiinis siya.Bigla siyang hinawakan ni Mark sa kanyang pulso. “Nagbibiro lang si lola. Please, huwag mong pansinin ang mga sinasabi niya,” paliwanag niya. "Makinig ka, bakit hindi ka sumama sa akin sa Tremont Estate pagkatapos ng party na ito? Medyo matagal na mula nang bumalik ka sa Capital at alam kong kailangan niyong magkaroon ng oras para magkasama kayo ng lola mo. Sinabi rin nila Mary at Henry na gusto ka na nilang makita."Tinanggal ni Arianne ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak niya at mukhang iritable siya. "Titingnan ko, okay?" sabi niya at iniwas niya ang kanyang mga mata. "Sasamahan ko si Tiffie. Kinakabahan siya." Nanahimik na lamang si Mark at hinayaan na lang siya. Alam niya na malalim ang pagmamahal ng asawa niya sa kanyang matalik na kaibigan. Parehas na umalis sina Summer at Atticus sa oras na bumalik siya sa lounge. Si Tanya ay biglang nagsalita nang makita niyang bumalik si Arianne, "Um, Ari? N
Leer más
Kabanata 599 Ang Kampeon Ng GranpaKicking
Napatango na lamang si Arianne bago siya pumunta sa escalator na dumiretso sa ibaba.Naging maginhawa ang pakiramdam ni Arianne nang marinig niya ang kumpirmasyon mula sa security ng hotel na walang matandang lalaki na umalis sa gusali. Matapos bigyan ng ilang mga tagubilin ang security, ginamit niya ang mga hagdan at sinuri niya ang bawat palapag.Makalipas ang ilang palapag, hindi na niya mahabol ang kanyang hininga. Iniutos ni Mark sa kanyang mga bantay na suriin din ang lugar, ngunit kailangan nilang manatiling mahinahon para hindi sila makagambala sa ceremony.Malapit nang mag-twelve o'clock. Ilang minuto pa, ay kailangan nang dumaan ni Tiffany sa mga ritwal kasama si Jackson, ngunit si Old Anderson ay hindi pa rin nila mahanap. Sa kritikal na sandaling ito, nakatanggap si Arianne ng tawag mula kay Eric, na agad na nagtanong, "Hindi ba sumama sayo si Tanya sa Capital? At hindi ba niya dinala ang kanyang lolo?""Paano mo nalaman?" Tanong ni Arianne. “Nagpapareserba ka ba ng mga
Leer más
Kabanata 600 Babala: Ang Catfight ay Maaaring Magresulta sa Hairloss at Mga Punit na Damit
Kung hindi lang nag-alala si Arianne na baka masira niya ang engagement party ni Tiffany, mabilis niya sigurong sinuntok sa mukha ang babaeng iyon. Sa totoo lang, kahit si Arianne ay nabulilyaso sa biglaang pagiging brutal niya. Mula pa noong mangyari ang insidente kay Aery Kinsey noon, tila ang pinakamahusay na paraan para malutas ang isang problema para sa kanya ay nangangailangan ng kanyang mga kamao at wala nang usapan na kailangan pa. Minsan, ang mga aksyon ay mas malakas kaysa sa mga salita… nang literal.Humugot siya ng isang malalim na hininga para mapakalma ang kanyang sarili at sapilitang sinabi. "Sabihin mo sa akin: ikaw ba ang nanakit sa isang matandang lalaki sa eighth floor kanina? At bago mo pa man ako insulothin, ngayon pa lang ay hindi na ako naniniwala sa mga sasabihin mo. May kasama akong CCTV footage, at sa totoo lang, gusto kong malutas ito ngayon o hindi ka aalis sa lugar na ito. Gusto mong subukan?"Makikita ang bahid ng pag-aalala mula sa mga mata ng babae. Ga
Leer más
Kabanata 601 Siya Ang Nagsimula Nito
Tumingin si Mark sa lolo ni Tanya at nagkaroon siya ng ideya sa nangyari. Inikot niya sulok ng kanyang mga labi sa isang mahinang ngiti nang maisip niya ang 'wildness' ni Arianne. Nagulat siya sa bagong mukha ng babaeng ito. Para siyang isang… maliit na ligaw na pusa?Itinulak ni Naya kay Mark ang kahon ng gamot. "Mr. Tremont, nasaktan din si Ari. Pakilagay ito para sa kanya."Gumamit si Mark ng isang alkohol na cotton swab para tanggalin ang dumi sa sugat ni Arianne. Naramdaman ni Arianne na kumirot ang kanyang sugat ngunit nahihiya siyang siyang umungol sa sakit. Ang gwapong mukha ni Mark ay malinaw sa harap ng kanyang mga mata. Mas malakas ang kanyang aura dahil mas malapit siya habang dinidikit niya ang cotton swab sa pisngi ni Arianne. Ang kanyang ekspresyon ay solemne at nakatuon sa babae. Hindi niya alam ang mga saloobing sumagi sa kanyang isipan at nagtaka kung napahiya si Mark sa mga kilos niya."Ari, hindi mo ba naisip na ang iyong rebellious stage ay late nang dumating?"
Leer más