“Hindi namin inapi si Lily,” Nanlalamig na sinabi ni Grandma Lyndon.Tumingin si Darryl kay Grandma Lyndon at sinabing, “Hehe… nirerespeto kita nang husto noon, Grandma Lyndon. Dahil nagawa mong suportahan ang buong pamilya sa ganito katandang edad. Pero walang pakialam mong sinabi na hindi mo inaapi ang aking asawa. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa mga sinabi mong iyon? Matanong nga po kita kung nabigyan mo ba ng kahit isang sandali si Lily para makaranas ng pagkakumportable sa kaniyang buhay? Ang tanging ginawa niyo lang sa kaniya ay apihin at pahirapan siya nang paulit ulit! At ngayon ay nagawa mo nang ipagpalit ang iyong apo para sa interes ng iyong pamilya! Para sa akin, wala nang karapatan pa ang ganitong klase ng pamilya na manatili sa mundong ito!”Ginamit ni Grandma Lyndon ang kaniyang tungkod at umabante ng dalawang hakbang bago dahan dahang sabihin na, “Sasabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin, hindi kita kailangan para mangialam sa mga problema ng pamilya Lyndon!
Isang lalaki ang nanghihinang dumating sa mga sandaling ito. Siya ay walang iba kundi ang assistant ng presidente sa Lyndon Estate!“Ano ang nangyari?” Sermon ni Grandma Lyndon. “Ano ang nangyari? Dahan dahanin mo ang pagsasalita mo at huwag kang maging bastos.”Mangiyak ngiyak na ang assistant habang mabilis na lumalapit at sinasabing, “Grandma, may malaki pong nangyari! Napakalaki! Nagpadala po ngayon ngayon lang ang magkapatid na Brandon at Abby ng ilang daang tauhan para paligiran ang ating kumpanya!”“Ano?!” Nagulat dito si Grandma Lyndon. Nangyari ito habang nagbabayad ang mga Lyndon ng buwanang proteksyon sa magkapatid na Brandon at Abby dahil ang dalawang ito ay ang namumuno sa Madilim na bahagi ng Donghai City! Walang kahit na isang pamilya sa Donghai City ang may kakayahang bumangga sa magkapatid na ito. At hindi rin sila nagawang bastusin ng pamilya Lyndon…Magsasalita n asana si Grandma Lyndon nang punasan ng assistant ang nanlalamig niyang pawis sa mukha at magpatuloy
Kasalukuyang tumatama kay Darryl ang bawat pares ng mata na mayroon ang mga miyembro ng pamilya Lyndon. Naramdaman nila na para bang isang dambuhalang bundok ang lalaking nakatayo sa kanilang harapan na hindi nila maaabot kailanman!Ang mga business giant na kagaya ni Felix Blakely ay mga tauhan lang ni Darryl.Matapos ang napakahabang sandali, huminga nang malalim si Grandma Lyndon at hinampas nang malakas ang hawak niyang tungkod sa sahig. “Iniisip mo ba na mapapabagsak mo ang pamilya Lyndon nang ganoon ganoon na lang Darryl? Kahit na mayroong negosyo ang aming pamilya sa real estate, cosmetics at tech, magagawa pa rin naming mabuhay nang wala ang mga ito! Nakakalimutan mo na bang binubuhay ang pamilya Lyndon ng entertainment industry na nagbibigay sa amin ng pinakamalaking kita? Alam mo ba kung gaano karaming artista na ang aming nilabas nitong mga nagdaang taon?”Gasp!Dito na nagliwanag nang husto ang mga mata ng bawat isang miyembro ng pamilya Lyndon.Tama, mayroon pa ring n
Nagecho ang mga salitang sinabi ni Darryl sa isipan ng lahat.…Sa kabilang banda ng Westrington, sa tahanan ng Prime Minister.Makikita sa gitna ng tahimik at eleganteng hardin si Donoghue Dixon na nakasuot ng mahabang satin robe habang nakaupo sa loob ng pavilion at nagtatsaang humahanga sa mabatong hardin at pagdaloy ng tubig sa kaniyang harapan.Nakahanda namang tumayo ang ilan sa mga maid para pagsilbihan siya.Dapat lang na marelax si Donoghue habang nakatingin sa tanawing ito. Pero malinaw na makikita ang kaunting pagdilim ng kaniyang itusra.Bilang Prime Minister ng Westrington, nirerespeto siya ng lahat dahil isang posisyon lang ang mas mataas sa kaniya habang nakatayo sa kaniyang ibaba ang libo libong mga posisyon. Pero hindi pa rin natuwa rito si Donoghue.Nahirapan siyang makakain at makatulog hangga’t hindi niya napapatay ang kaniyang karibal na si Darryl Darby!“Prime Minister.”Isang mahinhing boses ang maririnig sa mga sandaling ito. Ito ay walang iba kundi ang
Nakikita ni Lily na parang depress si Grandma Lyndon. Ilang araw niya lang itong hindi nakikita pero parang bigla itong tumanda ng ilang taon.Makikita sa likuran ni Grandma Lyndon sina William at ang iba pang mga miyembro ng pamilya Lyndon na nakayukong pumasok sa kaniyang mansyon. Hindi nila nagawang magpakita ng kahit kaunting kayabangan o pagiging arogante na para bang matagal na itong nawala sa kanilang bokabularyo.“Ano ang nangyari?” Nasusurpresang tanong ni Lily.Hindi pa rin alam sa mga sandaling ito ni Lily ang tungkol sa tuluyang pagkalugi ng Lyndon Estate!Thud!Dito na tumiklop ang mga tuhod ni Grandma Lyndon at lumuhol sa harapan ni Lily habang nawawala sa kaniyang sarili! Seryoso ang kaniyang mukha nang nagmamakaawa nitong sabihin na, “Nagkamali ang Lola mo, Lily. Patawarin mo na ako at hayaan mo na kaming mabuhay, pakiusap.”Thud!Kasabay nito ang pagluhod ni William at ng iba pa sa harapan ni Lily!“K-kayong lahat…”Natakot si Lily kaya hindi na niya alam ang
“Buwisit, bakit napakarami ng mga tao sa main entrance?”Agad na napatingin si Darryl sa main entrance pagdatring nila sa mansyon na pagmamayari ng mga Carter at nagulat sa kaniyang nakita.Dito niya nakita ang nasa kulang kulang isang libogn mga dalaga na nakatayo roon. Ang iba sa kanila ay may kagandahan na nagpakita ng umaasa at nasasabik na mukha. Kasalukuyang nakatingin ang mga ito sa main entrance papasok sa mansyon na pagmamayari ng pamilya Carter.Makikitang hawak ng mga ito ang maliliit na version ng Nine Dragon Justice Flag. At hindi lang iyon dahil nagawa ring hawakan ng ilan sa mga ito ang mga banner na nagsasabing, “Mahal na mahal kita! Darryl Darby!”“Si Alliance Master Darby ang pinakamagaling sa lahat!”Halos mahulog si Darryl sa likuran ng Snow Eagle nang makita niya ito.“Buwisit, Fan ko ba talag ang mga ito? Hindi ba’t masyado silang passionate? Nagawa nilang harangan ang daanan papasok sa mansyon ng mga Carter para lang makita ako?”“Ah, Darryl!”“Nakabalik
Huminga nang malalim si Oldest Villain One at nahihiyang sinabi na, “Kuya Darryl, Kuya Darryl, nagikot ikot na po ang mga kinakapatid natin sa Elysium Gate sa Royal City ng New World nang ilang araw. Pero walang sinuman sa mga taong ito ang nakarinig sa pangalang Monica Vaughn…”Sa totoo lang ay alam ng mga opisyal ng New World Palace na kasalukuyang nasa Guang Ping Palace si Monica Vaughn. Kaya technically, magiging madali lang para sa mga itong makakalap ng impormasyon tungkol kay Monica Vaughn.Pero nang marinig ni Lord Kenny Bred na buhay pa si Darryl nitong nakaraan, agad nitong inutusan ang lahat ng mga opisyal na huwag magsasabi ng kahit isang salita tungkol kay Monica Vaughn dahil natatakot ito na baka magpunta roon si Darryl para hanapin ito.Kaya kahit na gaano pa katagal na nagespiya ang mga miyembro ng Elysium Gate, wala pa ring kahit na sino sa kanila ang nakakalap ng kahit na anong balita tungkol kay Monica Vaughn.Slam!Hindi naiwasang masuntok ni Darryl ang poste n
Sa bawat sandaling mababanggit ang pangalan ni Darryl, nakakaramdam si Dora ng pagkamangha sa kaniyang sarili matapos maging acquaintance ni Darryl nang makausap niya ito nang ilang beses sa personal!Pumasok si Dora sa mundo ng paglilive stream mula noong gumraduate siya sa university. Noong una ay pinasok niya lang ito para magkaroon ng extra income. Pero hindi niya inasahan na magkakaroon siya ng milyon milyong mga fans matapos ang ilang mga live streaming session.Nabanggit ni Dora ng isang beses sa kaniyang live stream na kilala niya si Darryl, pero hindi rito naniwala ang kaniyang mga fans. Dito na siya nagpunta sa mansyon ng mga Carter para makipagsapalaran at makita kung magagawa niyang makipagusap kay Darryl.Hindi niya inasahan na susuwertehin siya matapos makita nang personal si Darryl!Nasabik siy anang husto habang umaabot sa punto kung saan hindi na makapaglabas ng salita ang kaniyang isipan sa sobrang pagkamangha.Tumango si Darryl kay Dora bago tumingin sa nakasala