Gasp!Napapigil hininga ang lahat sa kaniyang mga sinabi. Tanging si Darryl lang ang tao sa buong World Universe na may lakas ng loob na asarin ang Sect Master ng Emei!Nanlamig na parang yelo ang magandang mukha ni Aurora. Suminghal ito bago balewalain ang mga sinabi ni Darryl habang ang kaniyang puso ay nagliliyab na sa sobrang galit.“Nagawa na niya akong bastusin ngayong itinuturing na siyang bayani ng lahat!”“Darryl Darby!” Dito na tumayo si Jean Xander na isa sa mga disipulo ng Emei. Tumingin siya kay Darryl at sumigaw ng, “Ang lakas ng loob mong magsabi ng mga ganoong klase ng salita sa aming master, Darryl?”Ang kanilang sect master ay malinis, puro at nirerespeto ng lahat. Kaya ang mga sinabing ito ni Darryl ay nakikita ng lahat bilang panglalait sa pride at dignidad ng buong Emei Sect.“Hehe.” Mahinang tumawa si Darryl bago tumingin kay Jean at sabihing, “Nakikipagusap ako sa master mo. Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na makisali sa usapan naming dalawa? Hindi ka
Kahit na hindi kasing kilala ng Wudang o Shaolin ang Iron Palms, humahawak naman ito ng isang titulo sa larangan ng martial arts. Si Douglas Jansen na kanilang Sect Master ay nagtatanglay ng isang specialized technique na Iron Palm na sa sobrang lakas ay may kakayahan nang pulbusin ang anumang bato na tatamaan nito.Gasp!Agad na umingay ang lahat nang marinig ang mga sinabi nito.Dito na kumplikadong tumingin kay Darryl ang mga nakapaligid sa kaniyang sect master sa stage.Sa totoo lang, kahit na nirerespeto si Darryl ng kaniyang mga kasamahan sa larangan ng martial arts noong makipaglaban sila sa Wishing Star Tower noong nakaraang taon, masyado pa rin siyang napagiiwanan sa ibang mga sect master na kagaya ng Wudang kung titingnan ang kanilang karanasan sa mundo ng martial arts.Hindi lang ng Sect Master sa Wudang dahil ang kilalang Sect Master na si Endless ng Shaolin Sect ay nauna rin nang husto kay Darryl.“Hindi yata tama ang iyong mga sinabi, Master Jensen.”“Oo nga. Kahit
Noong una ay bahagyang napahiya si Darryl sa mga papuring binibigay sa kaniya ni Douglas.Pero habang nagiging mas patindi nang patindi ang ginagawa nitong mga papuri, hindi na naiwasang mapasimagot sa kaniyang sarili si Darryl.Mayroong hindi tama!Ni hindi manlang pamilyar si Darryl kay Douglas Jensen, kaya bakit bigla siya nitong pinuri at nirekomendang ilagay sa itaas nilang lahat sa pamamagitan ng pagsira sa imahe ng iba?Hindi pa rin narerealize ng katabi ni Darryl na si Dax ang mga nangyayari kaya hindi nito naiwasang matawa habang sinasabi na, “Darryl, masyado kang hinahangaan ni Douglas! Tingnan mo kung paano ka niya purihin?”Hindi masyadong nagisip si Dax noong mga sandaling iyon. Ang tanging alam niya lang ay maging masaya sa sandaling may bumati sa kahit sino sa kaniyang mga kinakapatid.“Anong paghanga?” Napapikit ng kaniyang mata si Chester at agad na pinutol sa pagsasalita si Dax bago mabigat na sabihing, “Darryl, mayroong hindi magandang binabalak itong si Dougla
Sa mga sandaling ito, tumayo si Naomi Grand at tumingin sa kaniyang paligid bago kumalat ng malinaw at malutong niyang boses sa paligid. Hindi naging malakas ang kaniyang boses pero malinaw itong kumalat sa buong hall na umabot sa punto na kung saan agad itong naintindihan ng lahat.Dito na agad nanahimik ang buong hall.Sa mga sandaling ito, tahimik na tumingin si Naomi kay Darryl at nanlalamig na sinabing, “Darryl, bakit hindi mo ipakita sa amin ang kakayahan mong mamuno ngayong hinahangaan ka nang ganito ni Master Jensen? Ganito na lang ang gawin natin. Paano kaya kung pumili tayo ng ilang dosenang mga disipulo sa bawat isang sekta at magkaroon ng isang kompetisyon na pamumunuan ng mismong sect master? Tingnan natin kung mas malalamangan ka ng ibang mga sekta o talagang mas mahusay talaga ang iyong Elysium Gate.”Hindi halos maitago ni Naomi ang kaniyang pagkainis habang sinasabi ang mga bagay na iyon.Sa totoo lang, maganda ang naging impresyon ni Naomi kay Darryl. Pero naramda
Parang isang iglap na lumipas ang sampung minuto.Mas naging malakas ang hindi mapapantayang depensa na ginawa ng Elysium Gate kaya hindi ito magawang sirain ng Xiaoyao kahit na anong subok pa ng mga ito!Malinaw na nakita ng lahat ang landslide na pagkatalo ng Xiaoyao!Sa mga sandaling iyon, napakagat sa kaniyang labi si Naomi habang hindi maiwasang napapatingin kay Darryl at sinasabing, “Natalo ang Xiaoyao sa round na ito. Naging maganda nga ang pamumunong ipinakita rito ni Master Darby.”Kahit na isa siyang babae, buong puso pa rin niyang tinanggap ang kaniyang pagkatalo.“Ano? Nanalo nang ganoon kadali ang Elysium gate?”Dito na biglang nagulat ang mga tao sa kanilang paligid.Sa mga sandaling ito, mapait na ngumiti si Darryl at tumango kay Naomi bago tingnan ang kaniyang paligid at sabihing, “Sinong sect master ang gustong sumubok sa akin?”Wala na siyang magagawa kundi tumuloy ngayong sinimulan na nila ito. Naroroon na rin si Darryl kaya sigurado na rin siya sa kaniyang s
Hindi alam ni Darryl kung matatawa ba siya o maiiyak sa harap ng ilang libong mga tao. Gusto lang talaga niyang ipaliwanag ang kaniyang sarili iisa ang kaniyang iniisip sa mga bagay na sinabi ni Dougles Jensen na nagsimula ng gulo nang siraan nito ang ibang mga sect leader.Pero alam din ni Darryl na walang point ang pageexplain sa mga sandaling ito dahil tumatak na sa puso ng mga sect master ang pagiging tauhan ni Douglas kay Darryl.Parehong tumingin sa isa’t isa sina Dax at Chester habang nakakaramdam ng matinding pagkabahala sa mga nangyayari.“Hindi ito tama!” Hindi maiwasang sigaw ni Chester, “Malinaw na sinabi sa rules na paisa isang team ang gagawing paglaban ni Darryl sa inyo, pero agad niyo pa ring naisip na pagkaisahan siya. Hindi niyo ba naiisip na labag ang bagay na iyan sa nilatag ninyong rules?”Dito na sinuportahan ni Dax ang kaniyang mga sinabi at sumigaw ng, “Oo nga! Kung gusto niyo talagang lumaban nang ganiyan, sasali na rin sa panig ni Darryl ang Flower Mountai
Binuo lang ng ilang dosenang tao ang Elysium Gate! Pero hindi pa rin nagawang wasakin ng ilang libong tao na umaatake nang sabay sabay ang kanilang formation!“Ito…”Tumingin sa isa’t isa ang mga bihasang disipulo ng iba’t ibang sekta bago nila tiningnan nang hindi makapaniwala si Darryl!Eight Directions Sky Formation ang formation na ginamit ni Darryl sa mga sandaling ito—isa ito sa mga kumplikadong formation na kaniyang natutunan sa Bai Qi Formations Manual.Ang Eight Directions Sky Dragon Formation ay binuo ng Slaughter god na si Bai Qi na kung saan nagawang paligiran ng isang hukbo na binubuo ng isang daang libong mga sundalo ang isang libo niyang mga sundalo!Sinasabi nila na isa raw napakalakas na formation ng Eight Directions Sky Dragon Formation dahil hindi ito magagawang masira ng kahit na gaano kalaking hukbo na susugod sa sinumang gagamit nito!Mas tumindi nang tumindi ang pagkaalarma ng mga tao sa paligid habang pinapanood nang husto ang mga nangyayari!Ginamit na
Napakaraming beses nang ipinaliwanag ni Darryl na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Abbess Mother Serendipity at hindi niya rin ito nagawang saktan! Pero hindi pa rin nagawang maniwala sa kaniya ni Aurora!Nagpakita lang si Darryl ng walang pakialam na reaksyon habang pumapasok ang mga bagay na ito sa kaniyang isipan at ngumiti kay Aurora bago sabihing, “Sige, tatanggapin ko ang gagawin mong paghihiganti pero kinakailangan mo munang magsuot ng ganiyan kasexy na damit. Dahil kung hindi ay wala akong interes na makipaglaban sa iyo.”Kahit matindi na ang galit na kaniyang naramramdaman, hindi pa rin naiwasan ni Darryl na asarin ito.“Ikaw!” Nagngitngit naman ang mga ngipin ni Aurora na nakakaramdam ng matinding intensyon na patayin si Darryl sa lugar na iyon pero nagawa pa rin niyang pigilan ang kaniyang sarili.Pinanood naman ang dalawa ng ibang mga sekta. Katutungtong tungtong lang ni Darryl sa posisyon ng Alliance Master kaya hindi magiging maganda kung dito siya aaksyon ayon