Naririto na ang lahat.Nagliwanag ang mga mat ani Jewel habang yakap yakap ang braso ni Darryl. “Halika, Mister. Samahan mo akong magtingin sa loob. Gusto…gusto kong bumili ng magagandang mga damit…”Naimpress nang husto si Jewel sa nagagandahang mga babae sa kontinente ng World Universe.Ang ilan sa mga babae ay nagsuot ng mga mini skirt habang ang iba naman ay nagsuot ng tights and jeans. Naging maganda para sa kaniya ang anumang style ng damit na kaniyang nakikita.Tumango at ngumiti naman si Darryl bago siya dalhin nito sa mall.At nang makapasok sila sa mall, agad na sinalubong ang kanilang mga mata ng isang hilera ng mga Porsche na sasakyan sa lobby na nasa unang palapag ng mall.Isa itong event na mismong inorganisa ng mall—na kung saan ang mga shoppers na nagawang bumili ng hindi bababa sa 1000 dollars ay magkakaroon ng tiyansang sumali sa isang lucky draw. Mayroong higit sa isang dosenang prizes ang maaari nilang mapanalunan na kung saan ang sinumang mabubunot sa grand d
“Three million dollars?” Nagugulat na tanong ni Darryl.Masyado na itong malaki, hindi ba? Nasa dalawang milyong dolyar lang ang presyo ng sasakyang ito. Kaya bakit niya nagawang humingi ng three million dollars para ayusin ang kaunting gasgas na ginawa ni Jewel sa pinto nito?Dito na nagsimulang ituro si Darryl ng mga usyuserong walang kaideideya sa tunay na halaga ng sasakyang ito habang pinaguusapan ang bawat salitang sinabi nito kay Esther.Nakita nila ang gulat na mukha ni Darryl. Inisip nilang lahat na hindi kaya ni Darryl na bayaran ang gasgas na ginawa ni Jewel sa sasakyan.“Dapat ka lang magbayad kung nagasgasan mo ang sasakyang iyan…”“Iyong kapatid niya talaga ang hindi makapagpigil sa kaniyang sarili na hawakan ito kaya dapat lang na siya ang magbayad sa pagkakamaling ginawa niya…”Kilalang kilala ang pangalang Darryl sa World Universe, pero wala pang kahit na sinong ordinaryong tao ang nakakita sa tunay na mukha ni Darryl sa personal. Sino ang magaakala na ang lalaki
Nagdadalawang isip namang humakbang nang paabante si Larry. “Kung ganoon, kailangan mo pa ring bayaran ang gasgas na ginawa ng batang iyan sa sasakyang ito.”Whoosh…Matapos niyang sabihin ito, higit sa isang dosenang mga security guard ang mabilis na nagtipontipon sa paligid para tingnan si Darryl na parang isang hayop na kakainin ng isang gutom na tigre!Nakahanda na ang mga itong sumugod at bugbugin ang binatang nasa kanilang harapan sa magbaba si Mr. Wood ng kaniyang utos para sa kanila!Nang mapansing pasama na nang pasama ang hangin sa paligid, hinawakan nang maigi ni Jewel ang braso ni Darryl at bumulong ng, “Hayaan niyo na po, Mister. Hayaan niyo na po…”Kahit nagawa na siyang sampalin gustong gusto pa rin ni Jewel na umalis kasama ni Darryl sa eksenang ito sa lalong madaling panahon. Kakaunti pa lang ang nalalaman niya sa World Universe pero malinaw niya pa ring masasabi na si Larry ang mayari ng mall at humahawak ng isang napakataas na estado sa city na ito.Tumingin na
Nagpakita ng ngiti si Darryl matapos ibaba ang telepono at tumingin kay Larry. “Ipapadala rito ang pera sa loob ng kalahating oras. Puwede mo nang hintayin ito rito.”“Wow!”Nagulat dito ang lahat ng tao sa mall!Marami sa mga ito ang nanglait at nangutya kay Darryl.“Haha, magdeliver ng isang bilyong dolyar in cash sa loob ng kalahating oras? Mukhang nananaginip kapa yata, bata?”“Nakalabas ba ang isang ito sa isang mental hospital?”“Tingnan mo ang mahirap at kawawa niyang itsura. Sinabi niya bang kukuha siya ng isang bilyong dolyar? Mukhang magiging mahirap para sa kaniya maging ang pagkuha ng ilang daang libong dolyar.”Sa loob ng isang sandali ay napuno ng mapanglait na mga boses ang buong mall.”At sa wakas ay kumalma na rin ang may masamang mukha na si Larry. “Oh grabe, binibiro mo ba talaga ako?”“Paano siya nagkaroon ng isang bilyong dolyar na cash?”Siguradong wala na sa kaniyang sarili si Larry para maniwala kay Darryl.Walang pakialam namang ngumiti is Darryl. “P
Dito na narinig ng lahat ang malakas na tunog ng makina sa labas!"Clang!"Sa loob ng susunod na segundo maririnig ang pagbasag ng limang mga truck sa salaming pinto ng mall para pumasok papunta sa gitna ng mall.Grabe!Binuksan ang mga pintuan sa likuran ng limang truck nang sabay sabay bago bumaha ang bulto bultong mga pera na parang isang avalanche. Sa loob ng isang iglap ay napuno ang buong lobby ng mall ng pera! Ang shopping mall na ito ay parang naging isang karagatan ng mga pera!Nabalot ng katahimikan ang lahat!Tumingin ang lahat sa isa’t isa at agad na natameme sa kanilang mga kinatatayuan!“Ito ba… Ito ba ay isang bilyong dolyar na halaga ng pera?”Natigilan nang husto ang lahat nang makita ang bumabahang pera sa sahig ng mall!Marami sa mga taong naririto ang hindi pa nakakakita ng perang nagkakahalaga ng 10 million dollars, paano pa kaya ang perang nagkakahalaga ng isang bilyong dolyar. Agad na nabago ng eksenang ito ang konsepto ng lahat sap era habang nangingini
Naglakad sina Lanvin at Lily papasok sa mall at nalaman na mas marami pa pala ang mga taong nasa loob na ng mall. Mayroong tatlong layers ng maraming tao ang nasa loob habang mas maraming layer pa ng mga tao ang nasa labas ng mall!Ang kanilang tinitingnan ay ang limang mga truck na nakaparada sa gitna ng mall. Walang pakundangan na pinaandar ang mga truck na iyon papasok sa mall matapos banggain ng mga ito ang umiikot na pinto ng mall na gawa sa salamin!Makikita naman sa sahig nito ang parang bundok sa dami ng pera na kumalat sa paligid ng lobby na parang isang karagatan na gawa sap era!Naramdaman ni Lily ang panginginig ng kaniyang katawan. Nagulat siya nang husto at hindi na makapagsalita sa kaniyang nakita!Hindi nagmula sa World Universe si Lanvin kaya hindi niya alam ang konsepto ng pera rito pero alam na alam ito ni Lily!Napakaganda ng itsura ng isang bilyong dolyar na halaga ng pera. Hinding hindi ito makakalimutan kailanman ng sinumang makakakita rito!“Hoy pangit! Ha
’Nananaginip ako na sinasabi mo sa aking tenga na habang buhay mo akong aalagaan...’Desperadong hiniling ni Lily na magawa niyang sumugod, itapon ang kanyang sarili sas braso ni Darryl, yakapin siya ng mahigpit at umiyak!Subalit, huminto siya sa sandaling humakbang siya na para bang ang kanyang katawan ay nanigass.‘Hindi, hindi ko pwedeng kitain si Hubby...’‘Ang aking mukha ay nakakainis na nagagalit ako sa sarili ko tuwing tumitingin ako sa salamin. Paano ko na lang hahayaan siyang makita ako?’‘Kinatatakot ko na si Hubby ay hindi ako makilala… Sobrang pangit ko na ngayon hindi na ako nararapat kay Hubby...’Nakaramdam ng bahid ng paninikip sa dibdib si Lily iniisip iyon. Siya ay heartbroken.“Hubby… naririnig mo ba ako? Namiss na kita ng sobra. Namiss ko ang iyong braso at ang pagkausap sayo. Gusto ko talaga… ngunit hindi kita pwedeng makita ng ganito ang itsura ko...” Bulong ni Lily as kanyang sarili habang ang matamis na mga alaaa ng kanyang nakaraan ay dumadaloy sa kanyang isi
Subalit, si Darryl ay hindi napansin si Lily.Hinampas ni Darryl si Larry ng malakas na nagpadala sa kanya sampung metro ang layo— halos patayin si Larry!Ang lahat ay blangkong tumingin kay Darryl at walang masabi!‘Itong… Itong lalaking ito. Ang lakas ng loob niyang hampasin si Larry...’Si Larry ang may ari ng shopping mall— isang respetadong lalaki sa Mid City! Kahit na mayaman si Darryl, hindi siya pwedeng ganun ka arrogante!“Ikaw! Ang lakas ng loob mong hampasin ako? Gusto mo na bang mamatay!”Nahirapang tumayo si Larry at marahas na tumitig kay Darryl na may matang nagaalab as galit at puno ng sama ng loob.Nanlalamig siyang tinignan ni Darryl. “Ito ay kabayaran sa pagsampal sa aking kapatid. At saka, ang mall na ito ay akin na ngayon at hindi ka tanggap dito. Umalis ka na.”Nagngitngit ang kanyang ngipin at tinuro si Darryl pagkarinig sa kanyang komento. “Ikaw! Ayoko ang iyong isang bilyong dolyar! Hindi ko binebenta ang mall na ito! Sisiguraduhin ko na hindi ka makakaalis di