Samantala, sa ilalim ng volcano crater sa New World.Umupo si Darryl sa jade platform nang nakadequatro. Nanatiling tahimik sina Debra at Jewel sa tabi niya. Hindi nila mapigilang maging masaya.Lumipas na ang isang taon.Nararamdaman nilang nakagawa na si Darryl ng isang kakaibang paraan nang paglilinang!Buzz!Bigla nalang binuksan ni Darryl ang kanyang mga mata, isang nakakatakot na aura ang bumulaga sakanila!Naabot niya na ang pagiging Level One Martial Emperor!Tapos, tumayo si Darryl at dahan-dahang inangat ang kanyang mga braso at ang hangin na nakapalibot sakanya ay nagkalat! May itim na mga bilog ang nabuo na naging dahilan nang malaking gulo!Nasa gitna si Darryl ng radius na isang daang kilometro, ang mundo ay yumanig at nanginig nang hindi mapaliwanag. Ang buong bulkan ay ilang beses pumutok at nagpaulan ng maliliit na bato sakanila!Ang kalakhan ng lindol ay naging dahilan para mawala ang balanse nila.Matapos ang ilang sandali, huminga nang malalim si Darryl ha
Tama ‘yon! Ikakasal na kinabukasan si Rachel at Ewan.Nagpadala na ng mga imbitasyon ang mga Carter sa martial arts world’s masters pati na rin sa mga koneksyon nila sa mundo ng negosyo!Marami sa sekta ng World Universe ay pumunta sa New World para hanapin ang Grand Weapon isang taon na ang nakalipas. Pero, bumalik silang walang dala. Noong bumalik sila, nagmakaawa si Ewan saq kayang pinuno, si Ophelia Lane, ang chairlady ng Jiangnan Elixir Association, para tulungan siyang hingin ang kamay ni Rachel para sa kasal. Inimbita niya mismo ang mga Carter ilang beses na para pag-usapan ‘yon at sa wakas ay pumayag na sila sakanyang hiling makalipas ang isang buwan.Sa sandaling ‘yon, nasa main living hall si Zoran at nakaupo siya roon na may malamig na ekspresyon. Walang makikitang emosyon sakanyang mukha…isang magarang piyesta at masaya ang nasa paligid niya.Nakatayo si Susan sa tabi niya, ang mukha niya ay punong-puno ng pagkalito at walang pag-asa.“Zoran, kasal na ni Rachel bukas,
Tagaktak ang pawis ng noo ng katulong habang sinasabi niyang, “Sa oras na ito ay nagpanggap na mga mangingisda ang hukbo ng New World galing sa New World, kaya naman walang nakakilala sakanila!”“Natatakot ako na ang kanilang kasalukuyang distansya sa mansyon ng mga Carter ay mas mababa sa sampung minuto! Nakatanggap ako ng balita na mayroon daw ninakaw sina Manang Rachel at Manong Ewan sa New Wolrd Royals na ikinagalit niya kaya…”Slam!Pinalo ni Zoran ang lamesa bago pa siya matapos magsalita at nanginginig na siya sa galit. “Etong dalawang hayop na ‘to nanaman!” Doon palang, sabi ni Zoran sa katulong, “Tawagin mo si Rachel!”Agad siyang umalis dahil sa galit ni Zoran.Sa sandaling ‘yon, nagpatong patong na ang galit ni Zoran kay Rachel habang tinitingnan niya si Susan at galit na sinabi, “Tignan mo! ‘Yang dalawang hayop na ‘yan ay gumagawa ng gulo. Una, pinatay nila si Darryl ngayon naman may ninakaw sila sa New World Royals. Hindi ko talaga maintindihan kung anong kabutihan
Nanginginig sa galit si Zoran at inangat ang kanyang kamay. Sasampalin na niyang muli si Rachel. “Nagnakaw ka sa New World at nagbalak ka pa ring sumagot? Hayop ka! Hindi kita anak!”Nag-aalala at galit na si Susan, pero agad siyang pumunta sakanila at pinigilan si Zoran. “Pwede bang kumalma ka? Anong magandang maidudulot kapag sinaktan mo pa siya ngayon?”Nagmamadaling sinabi ni Susan kay Rachel, “Rachel, ikaw din. Wag mo nang sagutin ang tatay mo. Kinuha mo ba ang Dzi bead galing sa New World? Dalhin mo rito sa amin ngayon na.”Hindi maipaliwanag ang galit na nararamdaman ni Rachel. Pinadyak niya ang kanyang paa at tumakbong umiiyak.Huminga nang malalim si Susan at sinabing, “Zoran, anak mo si Rachel kahit anong mangyari at kakasal na siya bukas. Bakit tinatrato mo siyang kaaway? Ibalik nalang natin ang bead sa New World Royals pagkadala ni Rachel dito. Sigurado akong magiging okay ang lahat.”“Woooh!” huminga nang malalim si Zoran at umupo nang walang sinasabing kahit ano pero
“Ah!!!”Sumigaw si Zoran habang kinuha niya ang kanyang mahabang espada at agad na tumakbo sa mga royal guard.Alam niyang masisira agad ang pamilya Carter. Ngunit, gusto niyang patumbahin ang mga royal guard kahit na alam niyang masisira nila ito! Sa puntong ito, kaya niyang desperadong lumaban para sa buhay niya dahil walang kwenta kapag nagsalita pa siya.“Patayin ‘yan!!!” ang alagad ng pamilya Carter ay agad na bumalik sakanilang ulirat. Lumaban sila gamit ang kanilang mga sandata. Gayunpaman, mas marami ang mga royal guards kaysa sa mga alagad ng pamilya Carter, isa isa silang nahuhulog sa lupa.Clang! Clang! Clang!Sa sandaling ‘yon, ang tunog ng mga sandatang naglalaban at sigaw ng mga tao ay rinig sa buong mansyon ng pamilya Carter!Habang naglalaban sila, si Susan, Rachel at Sara ay nilabas din ang kanilang mga espada!Sa sandaling ‘yon, naisip ni Rachel na patay na ang kanyang yaya habang nakikipaglaban siya sa mga royal guards. Galit na galit siya habang sinasabi niya
Gayunpaman, may limitasyon din si Zoran. Kahit na gaano pa siya kalakas, hindi niya kayang paikutin ang sitwasyon.Doon palang, nagdilim ang paningin ng prinsipe at malamig na sinabi, “Unahin niyong patayin ang pamilya niya.”Kahit na nakakagulat ang Thunderous Catastrophe ni Zoran, malinaw na nararamdaman ng prinsipe na pagod na si Zoran matapos niyang gamitin ang teknik na ‘yon.Kapag namatay si Zoran, mawawala ang lakas ng pamilya Carter at siguradong matatalo sila!“Patayin niyo ‘yan!”Pagkautos ng prinsipe, agad na dumiretso ang mga royal guard kay Zoran.“Pa!”“Zoran!”“Pinuno!”Si Susan at ibang mga tao ay nag-aalala habang nakikita nila ang nangyayari. Gusto nilang tulungan si Zoran sa pamamagitan nang pagpunta sakanya pero nakaharang ang ibang mga royal guard at hindi sila makakatakas.Kacha!Isa sa mga royal guard ay nasaksak ang likod ni Zoran. Sumigaw si Zoran bago siya matumba sa lawa ng dugo. Hindi tumitigil ang pag-agos ng dugo niya.“Kayo…ang sasama niyong l
“Pa!”Sabay sumigaw si Sara at Rachel at kasabay din nito ang pagtulo ng luha nila.Makikita mo ang paglabas ng dugo galing sa katawan ni Zoran.Sa sandaling ‘yon, naubos na ang internal energy ni Zoran. Nasa bingit na siya nang kamatayan. Sa sandaling ‘yon, tumagos sakanya ang pana. Paano siya mabubuhay? Ngunit, tumayo pa rin siya gamit ang natitira niyang lakas para suportahan ang sarili niya.Ngumiti ang prinsipe habang tinitingnan niya kung gaano kahina si Zoran. “Ayusin mo bilis! Paiksiin mo lang!”Ayaw na niyang magsayang ng oras para sirain ang isang maliit na pamilya.Kahit na ang mga royal guard at tumakbo papunta kay Zoran. May mga guard na nanggaling sa likod na may bilis na parang kidlat bago saksakin si Zoran sa likod at sa tyan!Stab!Ilang mahahabang pana ang tumagos sa katawan ni Zoran!Gush!Sariwang dugo ang lumabas kay Zoran. Ubos na ang kanyang internal energy at hinang hina na siya.Thud! Thud!Naglakad patalikod si Zoran bago niya kagatin ang kanyang ng
‘Nakabalik na si Darryl?’ sa parehong sandali, nagkatinginan si Zoran at Susan at pareho silang nagulat.‘Si Darryl ba ‘yan? Hindi pa siya patay!’Sa sandaling ‘yon, libong royal guards din ang natigilan. Lalo na ang prinsipe.‘Itong lalaki na ‘to ang nakatalo sa World Universe gamit ang buhay niya? Si Darryl na ginamit lahat nang lakas niya at pinatalo ang conquest ng New World Army?’Noong nakaraang taon, bawat sekta ay sinasabing patay na si Darryl. Sinong mag-aakala na buhay pa siya!Ang pinamakamatandang prinsipe ay nagalit sa pag-iisip nito at nagkaroon siya ng aura na gusto niyang pumatay.“Ninong!” nanginig si Darryl at kulay pula na ang kanyang mga mata.Nakikita niya na ang buong pamilya Carter ay nasa napakahirap na sitwasyon, lalo na ang kanyang Ninong at Tita Susan na patuloy na umaagos ang dugo. Lalong nagalit si Darryl.“Ninong, pasensya na nahuli ako…” ang mga mata ni Darryl ay kulay pula na habang tumutulo ang luha sakanyang mga mata. Niyakap niya si Zoran.Na