"Ginoo, hindi kami namatay! Hindi kami namatay!"Nagulat at natuwa si Jewel; niyakap niya ang braso ni Darryl, at ang luha niya ay napalitan ng tuwa. Maaaring mukhang emosyonal siya, ngunit masayang masaya siya.Ngumiti din si Debra; matamis niyang hinawakan sa kamay ni Darryl.Kailangang kontrolin ni Daryl ang kanyang panloob na enerhiya. Tumingin siya sa dalawang ginang at tinanong, "Bakit kayo bumaba dito?"Ang mga mata ni Jewel ay pula habang sinabi niya ng mahina, "Akala ko patay ka na. kakila-kilabot na lungkot ang naramdaman ko, at ayaw ko na ring mabuhay pa, kaya't tumalon ako rito."Tinapik ni Darryl ang ulo ni Jewel nang marinig ang mga salitang iyon.Ngumiti si Debra at sinabi, "Sinabi ko sa iyo na susundan kita sa buong buhay ko. Mabubuhay tayo at mamamatay nang magkasama; hindi na magbabago iyon."Wow!Natigilan si Darryl, ngunit napuno ng init ang kanyang puso. Halos maiyak siya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ng dalawang kababaihan."Ginoo!" G
"T*ang *na! Alam mo ba kung anong nagawa mo ?!" Sumigaw si Zoran habang nakaturo kay Rachel; galit na galit siya!Naglakbay si Zoran sa bunganga ng bulkan. Narinig niya ang isang alagad ng Sekta ng mga pulubi na nagsabing nakita niya si Ewan at Rachel na kinumbinsi si Darryl papunta sa bunganga ng bulkan. Sinubukan nilang tambangan si Darryl, ngunit hindi sila nagtagumpay. Pagkatapos ay sinulsulan pa nila ang Sektang Emei upang salakayin si Darryl. Maaaring sabihin ng isa na ang kanyang nakatatandang anak na babae ay ang naging sanhi ng pagkahulog ni Darryl sa bunganga ng bulkan!Namumutla ang mukha ni Rachel nang harapin ang galit ng ama. Gayunman, matigas pa rin ang sagot niya, "Tama, ginawa ko ito. Ginamit ko ang kamay ng pinunong sektang Emei upang patayin si Darryl, ngunit mali ba ako? Hindi ko siya papatayin kung hindi mo ako pinilit na pakasalan siya. Hindi ko gustong pakasalan si Darryl; siya nararapat na mamatay! "Sigaw ni Rachel sa huling pangungusap.Tahimik ang buong s
Samantala, sa isa pang tirahan sa New World na lungsod ng maharlika.Si Ophelia ay nasa isang silid sa ikalawang palapag, at naupo siya roon na may malamig na ekspresyon sa mukha. Puno ng galit ang kanyang mga mata. Narinig din niya ang tungkol sa kung paano nakumbinsi ng kanyang alagad si Darryl sa bunganga ng bulkan kasama si Rachel.Lumuhod si Ewan sa harapan niya; puno ng takot ang mukha niya.Pinalibutan silang lahat ng iba pang mga alagad. Natahimik silang lahat; walang nangahas na magsalita kahit na huminga.Ang kapaligiran sa buong silid ay matindi nang higit sa anumang paglalarawan."Ewan, ang lakas ng loob mong magsinungaling sa iyong pinuno?" Sigaw ni Ophelia habang nanginginig ang kanyang katawan. "Una, inatake mo si Darryl, at pagkatapos ay sinulsulan ninyo ni Rachel ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Darryl at ng sektang Emei. Sa palagay mo maitatago mo iyon sa akin? Ang ilang mga alagad ng sekta nga mga pulubi ay nakita ang ginawa mo kagabi! Paano mo nagawa ang
Umiling si Yvonne, punong-puno nang pait ang kanyang mukha. “Palagi kong kasama ang prinsesa, pero wala namang balita tungkol kay Darryl.”Huminga nang malalim si Yvonne.Noong inatake ng New World ang Donghai City, pinamunuan ni Darryl ang Elysium Gate para ipaglaban ang siyudad. Nagawa niya rin talunin ang New World’s army. Simula nung kanilang pagkatalo, lahat sa New World ay alam na ang pangalan ni Darryl.Simuna noong maging babae ni Darryl si Yvonne, nakulong siya kasama ang prinsesa, hindi siya makaalis!“Hindi ako sigurado kung makikita natin siyang muli sa buhay na ito.” Nabigo si Monica at hindi niya mapigilang umiyak.“Mahal ko, nakabalik na ako!”Bigla nalang silang nakarinig nang tawa. Naglakad si Lord Kenny papunta sa manyson na may ngiti sakanyang mukha at may hawak ng baso ng wine sakanyang kamay.Natigilan si Lord Kenny noong nakita niya si Yvonne. ‘Hindi ba siya yung inaalay ni Florian sa emperor? Bakit siya nandito?’Pagkatapos niyang maisip ‘yon, tumawa nang
Samantala, sa ilalim ng volcano crater.Ang spiritual na enerhiya ay sobrang lakas. Matapos ang isang araw na paglilinang, ang internal energy ni Darryl ay nabawi na niya agad.Pero, ang mukha niya ang punong-puno nang pagkabigo habang nakahiga siya sa puti na jade platform. Ang kweba ng bulkan ay sobrang lalim at ang temperature sa paligid nito ay napakainit. Kinuha nito agad ang internal energy nang mabilis. Kahit na gamit ni Darryl ang Celestial Swordsmanship, natatakot pa rin siya na baka hindi siya makaakyat.Hindi na nila kailangan kumain o uminom dahil sobrang lakas ng spiritual na enerhiya.Ang dalawang babae ay nakapalibot kay Darryl. Minasahe ni Jewel ang mga binti ni Darryl at si Debra naman sa kanyang mga balikat.Kahit na si Debra ang pinuno ng Artemis Sect, naging mahinahon siya simula noong sinundan niya si Darryl. Ang kanyang malambot na mga kamay ay minamasahe ang balikat ni Darryl. Naging komportable naman si Darryl na para bang pakiramdam niya ay nasa langit siy
Pagkatapos, lilitaw ang White Lily Cold Flame araw-araw sa gitna ng lava. Parang isang maliit na pixie, kapag naabsorb na ang enerhiya galing sa lava, naging masaya saglit, lulubog na ito ulit pabalik sa lava.Kada oras, bago lumubog ulit ang White Lily Cold Flame sa lava, tatalbog ito sa gilid ng kulay puting jade platform. Mananatili ito sa lugar kung saan may sampung talampakan ang layo sa kulay puting jade platform, titigil nang sandali at para bang gusto nitong tingnan si Darryl at ang dalawang babae.Noong araw na ‘yon, ang White Lily Cold Flame ay lumitaw ulit.Umupo si Darryl na nakadequatro sa kulay puting jade na lamesa habang naglilinang ng Pure Energy Scripture.Ang Pure Energy Scripture ay ang scripture na nakuha ni Darryl noong nag-alay siya ng malaking halaga sa donation drive sa Hexad School. Ang internal energy ni Darryl ay naging pure energy nang dahil sa scripture.Kapag napapaligiran ka ng lava, mayroong bagong interpretasyon si Darryl sa Pure Energy Cultivatio
“Darryl, kumapit ka lang! kailangan mong maabsorb ang enchanted flame na ‘yan.” Naiiyak na si Debra habang sinasabi ito at parang nawasak ang puso niya.Nanatili ang White Lily Cold Flame na pinaka hindi kapani-paniwalang enchanted flame sa buong mundo.Masusunog ang sino mang lumapit dito!Muntik nang hindi kayanin ni Darryl ang nangyayari. Nahihirapan na siya!Ang init!Ramdam na ramdam niya ang pagkainit, ang buong katawan niya ay parang pinapakuluan sa sobrang init!Ang nararamdaman ni Darryl ay para bang sinusunog ang kanyang laman-loob. Hindi niya makalilimutan ang pakiramdam na ito buong buhay niya!“Manong, kumapit ka lang!” sigaw ni Jewel, kulay pula na ang kanyang mata.Tagaktak na ng pawis ang mukha ni Darryl. Nasunog ang buong katawan niya, hindi na niya kayang tiisin ito. Noong narinig niya ang mga sigaw ni Jewel at Debra para sakanya, kinagat niya ang kanyang ngipin at umupo habang nakadequatro. Pinagana niya ang internal energy niya para labanan ang White Lily Co
Tumango si Celeste habang kalmado siyang nagsasalita.“Okay lang ba siya? Nag-aalala niyang tanong, ang mga mata niya ay kulay pula na.Dahan-dahang umupo si Celeste habang tinaas niya ang hawak niyang tasa at uminom dito. Kalmado niyang, sinabi, “Patay na siya.”Bilang isang Pinuno ng Spiritual Invisible Sect, marami na siyang nakuhang buhay. Normal na sakanya ang buhay at patay, kaya naman kalmado lang siya noong sinabi niya ang balita.Ano?!Nanginig ang katawan ni Lily. Ang buong katawan niya ay nanigas na para bang sinumpa siya ng isang malamig na spell!Patuloy na sinasabi ni Celeste, “Pinalibutan si Darryl ng Emei Sect bago siya nahulog sa bulkan at namatay.”Sumakit ang dibdib ni Lily, naging mahina ang katawan niya habang bumagsak siya sa sahig. Sa sobrang lungkot niya ay hindi na niya napigilang umiyak.Hindi niya kayang paniwalaan na sinasabi sakanyang patay na si Darryl pero ang balita ay nanggaling na mismo sa Pinuno niya. Hindi pwedeng magkamali ang pinuno niya.